Tawang-tawa si Andy nang makabalik sa kaniyang kuwarto, dahil sa wakas ay nabawi na rin niya ang singsing nang hindi namamalayan ni Vaun. Hindi niya akalain na tulog mantika ito at hindi man lang nagising. Sabagay, naging maingat naman siya sa paghalughog sa kuwarto nito para hindi siya makagawa ng ingay at hindi ito magising.
Kinabukasan ay naisipan ni Andy na linisan ang kotse ni Stanley na ginamit nila sa kanilang date noong nakaraang araw; natalsikan kasi ito ng mga putik, at ngayon lang niya naalala linisan kung kailan niyaya siya ulit mag-date.
Pagdating niya sa garahe ay nadatnan niya si Jessica na ubong-ubo habang nililinisan ang isang maalikabok na motorbike dahil sa tagal nang nakatambak.
“Oh, anong kailangan mo?” masungit nitong tanong sa kaniya at agad siyang tinaasan ng kilay.
“Maglilinis din ako ng kotse ni doc,” walang buhay niyang sagot dito.
Ngumisi lang sa kaniya si Jessica at pinagpatuloy na nito ang paglilinis. Ilang minuto silang walang imikan habang parehong naglilinis ng sasakyan, pero makalipas lang ang ilang sandali ay muling nagsalita si Jessica.
“Akalain mo ’yon, nagsawa agad sa ’yo si Sir Dreco. Pumunta kasi siya sa kuwarto ko kanina at kinausap ako, niyaya niya akong mag-date kami.”
Nangunot ang noo ni Andy sa narinig, pero hindi pa rin sumagot at patuloy lang sa paglilinis ng kotse.
“Don't worry, Andy, I will do my very best sa date namin ni Sir Dreco. Nasisiguro kong pananagutan niya ako someday,” makahulugan nitong sabi na para bang may kung anong binabalak.
Napailing lang si Andy at hindi na sumagot pa. Pero kahit papaano ay thankful siya na hindi na inungkat pa ni Jessica ang nakita nitong pagyakap sa kaniya ni Vaun kahapon. Mukhang wala na nga itong balak magsumbong.
Sumapit ang lunch time, sabay na silang apat kumain. Magkatabi sila ni Stanley, at si Jessica naman ay katabi ni Vaun. Pero nang lagyan siya ng pagkain ni Stanley sa plato, nilagyan din ni Jessica ng ulam si Vaun sa plato nito, dahilan para mapahinto si Stanley at napaangat ng tingin sa kaibigan.
“Kayo na ba?” Stanley asked, wondering.
“She likes me, ano’ng magagawa ko?” kibit-balikat na sagot lang ni Vaun at inumpisahan nang kumain.
Napangiti naman si Stanley. “Oh, that’s great. Sumama kayo sa date namin ni Andy mamaya. Mag-double date tayo.”
“Gusto ko ’yan, doc!” mabilis na pagpayag agad ni Jessica. Pero si Vaun ay nagkibit-balikat lang bilang sagot.
Hindi naman mapigilan ni Andy ang magtaka, pero nanatili na lang siyang walang imik, dahil kung siya ang tatanungin ay ayos na ayos sa kaniya kung sakaling magkakamabutihan man sina Dreco at Jessica. Magiging masaya siya para sa dalawa.
Matapos mag-lunch ay nag-uusap naman si Stanley at Vaun sa loob ng kuwarto tungkol sa magiging double date nila mamaya.
“Saan kaya ang magandang place na puwede nating puntahan?” tanong ni Stanley. Naglalaro ulit sila ni Vaun ng chess habang nag-uusap.
“Sa nightclub na lang tayo pumunta para masaya.”
“What? Don't be kidding me, Dreco. Andy is still a minor, hindi siya puwede sa mga ganoong lugar.”
“Tsk. Kung bakit naman ka kasi nag-jowa ng minor,” pag-irap naman ni Vaun at bumuntonghininga. “Pero okay lang naman ’yon, kasama ka naman niya, so ano’ng masama roon? Come on, Stan, huwag kang KJ. I'm sure mag-e-enjoy sila ni Jessica kapag sa nightclub tayo pumunta. Let's have fun tonight. Paminsan-minsan lang naman. Nakakabagot na rin kasi magkulong dito.”
BINABASA MO ANG
The Psychopath In His Throne
General FictionMay kaya sa buhay ang pamilya ni Andy. Isang secretary ang kaniyang Ina sa isang malaking kumpanya na pag-aari ng mga Arcazshde. Ngunit may kaya man sa buhay ang kaniyang pamilya, hindi naman siya nabibilang dito. Dahil parang isang kaaway ang turin...