Kabanata 2

5.5K 75 2
                                        


Steven's POV


Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad sa buhanginan, habang sa kanan ko ay ang malawak na karagatan at ang palubog na araw.

"Ano'ng ginagawa ko dito?" tanong ko sa sarili ko.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Ang gulo. Sinubukan kong maglakad, ngunit napansin kong may hawak na akong saklay. Hindi ko na maigalaw ng maayos ang aking paa.

Pilay na ako? Pero paano?

Wala pa ring pumapasok na ideya sa utak ko. Huminga ako ng malalim at pumikit, umaasang nananaginip lang ako.

Pero hindi.

Pinilit kong humakbang gamit ang saklay, at doon ko natanaw ang isang lalaki sa dulo ng dalampasigan. Nang maaninag ko siya, si Allen pala iyon. Umiiyak.

Hindi ko maintindihan, bumigat lalo ang pakiramdam ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, pero ang mga paa ko, parang kusa na umaatras palayo sa kanya. Walang lumabas na salita mula sa bibig ko, humangos lang ako, patalikod sa kanya.

"Shit, ano 'tong ginagawa ko."

Hanggang sa bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Rinig ko ang paghinga niya habang bumubulong sa leeg ko, "Dad—" at sa isang iglap, naging blanko ang lahat.

Bumalik ako sa realidad nang marinig ang alarm clock na gumising sa akin. Nagising akong may umaagos na luha sa mga mata ko. Agad akong bumangon at pinunasan ang pisngi ko gamit ang braso.

"Bakit ako umiiyak?" isip ko. Ilang saglit pa, nawala na sa alaala ko ang napanaginipan ko. Pero 'yung pakiramdam, sobrang bigat.

Ginulo ko ang buhok ko at sinampal-sampal ang sarili ko. Sinasaltik na naman ako.

Nang tuluyan na akong magising, natagpuan ko ang sarili kong nakaratay sa kama ni Allen. Suot ko pa rin ang damit ko kagabi. Tumingin ako sa loob ng pantalon ko, wala pa ring pagbabago— hindi pa rin ako nabubuhayan. Kadalasan, kapag umaga, tirik na tirik na ito lalo na kapag malamig. Nakakapanibago.

Argh, ito ang masamang epekto ng alak sa akin. May hang-over pa rin ako. Pinagbawalan na ako ng doktor na uminom, pero heto na naman ako.

"Allen?" sambit ko habang minamasahe ko ang sentido ko, pero walang sumagot. Bumangon ako mula sa kama.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Agad kong naamoy ang pinirito sa kusina.

"Allen!" sigaw ko. Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko siya na naglalatag ng plato. Naka-uniform na siya.

Lumingon siya sa akin na para bang nakakita ng multo, "Dad—" natataranta siya, kinuha agad ang bag niya at akmang aalis.

"Allen, saan ka pupunta? Anong oras pa lang— Allen!!" sigaw ko sa kanya. Lumingon siya at nagpaalam habang nagkakamot ng ulo.

"Sorry po, Dad— malalate na ako. Baka po hindi ako makauwi ng maaga— marami po akong gagawin sa school." Alam ko na ang takbo ng bituka ng batang ito. May hindi siya sinasabi sa akin.

"Lapit ka dito o wala kang babaunin buong linggo?" mariin kong banta sa kanya. Para siyang tuta habang papalapit sa akin. May kakaiba sa kanya ngayong araw; hindi ko mawari kung ano.

Namumutla siya ngayon. "Ano 'yang itsura mo? May sakit ka ba? Namumutla ka." tanong ko sa kanya. Nang hawakan ko ang braso niya, nanginginig siya.

Napakamot siya ng ulo, "W-wala po, Dad. Ayos lang po ako." utal niyang sambit habang nakayuko.

Lalo pang sumakit ang ulo ko sa batang ito! Bumitaw ako sa kanya. "Tsk, may nasabi ba ako kagabi?" Nang tanungin ko siya, umiling lang siya. Sa itsura niya, mukhang hindi maganda ang lagay niya.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon