Kabanata 4 (R18+)

3.5K 41 1
                                    


Steven's POV

Lumipas ang kalahating oras ng paghahanda para sa photoshoot. Ang mga susuotin kong damit at underwear ay nakahanda na, balot na din ako ng body oil sa buo kong katawan— inayusan ako ng make-up artist ni Ma'am Lily.

Ang maganda dito, propesyonal kung magtrabaho ang mga make-up artist, hindi tulad sa ibang agency na napasukan ko dati na kung makatingin ay gustong kang karnehin. Walang malisya at homey ang ambiance. Kahit papano, naging magaan sa akin ang lahat, nakakwentuhan ko na ang dalawa pang model na makakasama ko habang inaayusan kami. Kahit papaano, positive feedback ang narinig ko sa kanila kumpara sa mga sinabi ng kausap ko kanina na model sa waiting room.

Ilang saglit lang, ako ang unang tinawag ng P.A, sabay na kaming pumunta sa modelong studio. Doon ako sinalubong ni Ma'am Lily.

"Are you ready, Mr. Vasquez? Like I said, you'll have someone joining you now." Ilang sandali, may pumasok sa studio. Nakita ko si Christian. "Goodness, Mr. Sy, you're late again! We just had lunch, and now you're only reaching us? We've been working together for so long, and you're still like this! Grrr!!"

"Sorry, Mama Lily. You know someone else does my makeup, huhuhu. Can I just have a hug." Hindi na dapat ako magtaka, dalawang taon na siya dito sa agency. Kilala na niya si Ma'am Lily.

"Goodness! Fine, stay away from me, or your makeup will smudge. Oh dear!" Tulak ni Ma'am Lily kay Christian. Mukhang matagal na silang magkakilala. "Sorry for that. By the way, Mr. Vasquez, he will be your partner. Mr. Sy, this is Mr. Velasquez. I'm hoping you two will work well together; I need your cooperation. Is that clear?"

"No problem, Ma'am," tipid kong sagot.

Lumapit siya at saka umakbay sa akin na para bang close na kami. "Nice, ikaw pala ang makakasama ko. Galingan nating dalawa!" Masayang sambit niya sa akin. May kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko lang matukoy. Hindi na lang ako umimik.

Bago magsimula ang photoshoot, in-orient na kami sa gagawin namin. Kahit papano, naintindihan ko na ang napag-usapan namin ng photographer since may experience na rin ako sa nude photography. Medyo sexual ang gagawin namin dito, iyon ang inadvise sa amin ng photographer.

Nang maging maayos na ang lahat, sumalang na kami sa harap ng camera at kinuhanan na kami ng litrato suot ang pulang polo at semi-fitted na pantalon. Medyo casual ang dating ngayong una pa lang, ganoon din sa kasama ko.

Minsan, nakaakbay pa siya sa akin na para bang magkakilala lang kami. Kung titignan siya, may pagkahawig siya sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi, sa tuwing sisilay ako sa lalaking ito, napapasecond look ako, akala ko si Allen. Marahil sa liwanag ng flash ng camera kaya ako namamalikmata.

Bawat flash ng camera, ibang postura ang binibigay namin ayon sa gusto ng photographer. Iba ang pakiramdam kapag kaharap ang camera; di ko alam sa sarili ko—masyado akong natutuwa. Ngayon na lang ulit ako nakapagmodelo, ilang taon na rin ang nakalipas.

Muntik ko nang makalimutan kung bakit ako huminto sa ganitong trabaho. Ang akala ko, magiging mabigat ang lahat ng mangyayari dito; na-undrestimate ko ang lahat. Naging magaan ang unang tagpo, pero sa mga sumunod na pangyayari, nag-abiso na ang photographer na unti-unting hubarin ang suot namin.

Naging sensual na ang mga sumunod na nangyari. Napansin ko sa katabi ko na nagbukas na siya ng butones ng polo. Sinundan ko naman at saka ko binuksan ang zipper ng pantalon ko pababa. Lumapit ang P.A at saka kami binahiran ng langis sa katawan. Kasunod ng papiri ng photographer, kinunan kami ng litrato.

Maayos pa sana, hanggang sa unti-unting hinuhubad ang suot naming saplot habang kinukunan kami ng litrato. Tuluyan na kaming naghubad ng pants.

Lumapit siya sa akin at saka humawak sa bewang ko. Halos dikit na ang katawan namin at ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Nakatingin siya ng matalim sa akin, parang anumang oras gusto niya akong kainin. Nanatili akong tahimik, pero ang kabog ng dibdib ko ang lakas.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon