Kabanata 29

358 9 0
                                    

Steven's POV

Flashback

Hindi ko alam kung paano ko sila nakilala. Napansin ko na lang na may mga tao nang nakadikit sa akin at nagsimulang kumausap. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil darating din ang araw— mawawala din sila sa tabi ko tulad ng mga magulang ko.

Kaya nanatili akong tahimik.

Nabigla ako nang may humawak sa balikat ko. "Isko! Anong ginagawa mo d'yan?" tanong niya.

Ugh, nakakainis. Palagi niyang tinatawag akong Isko. Hindi iyon ang pangalan ko. Gusto ko sanang sabihin iyon, pero hindi ako kumibo.

Umupo siya sa tabi ko at umakbay, "Wag ka tumambay dito sa bangin, delikado baka malaglag ka." Hindi ko siya nilingon; nakatingin lang ako sa malayo. "Hindi ka ba natatakot na mahulog?" tanong niya ulit.

Tumingin ako sa ibaba ng inuupuan kong bato.

Sa totoo lang, wala akong naramdaman na takot nang mga panahong iyon, o baka manhid na ako sa mga nangyari sa akin. Alam ko din naman na walang mag-aalala sa akin kung malaglag ako mula sa inuupuan ko.

Kumalas siya sa pagkakaakbay at tumingin sa malayo. Sa ibaba, may dalampasigan at malawak na dagat— may araw na nagsisimulang lumubog. "Hindi ka ba nababagot?"

"Hindi..." tipid kong sagot.

Napansin ko siyang ngumiti, "Ako din, hindi nababagot hehe. Samahan kita umupo dito ah—."

Ilang saglit lang, nakarinig ako ng yapak. Biglang may humawak sa tenga ko. "Kayong dalawa, nandito na naman kayo—"

"Ack!"

"Aray ko naman! Ang tenga ko, pangit!"

Galit na galit si Monica habang pinipingot kami, "Kanina pa kayo hinahanap ni Wilbert! Ako palagi niyang iniistorbo! At ikaw Steven, wag kang makikinig sa tukmol na ito ah! Naiimpluwensyahan ka ng demonyong 'to! Maliwanag ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kumalas na siya sa pagkakahawak sa tenga ko, pero hindi kay Wendel.

"Ang sama naman ng bruhang 'to— aray ko huhuhuhu." Matapos noon, kinaladkad na niya si Wendel palayo. Tumingin siya sa akin habang nakasalubong ang kilay.

"Tara na! Kapag hindi ka pa tumayo d'yan, kakaladkarin din kita!" sigaw ni Monica.

Hindi ko napigilang ngumiti, "Susunod na." Sambit ko sa kanya. Kahit papaano, may butas sa puso ko. Kahit papaano— napupunan nila.

Bakit nga ba ganito ako mag-isip?

Simula nang mamatay ang mga magulang ko, naniwala ako sa sarili ko na may taong darating at iiwan ka din. Na walang permanente, lahat pwede kang iwan, pwedeng mawala, ganoon din ang magkaroon ng kaibigan.

Sino bang magtitiis sa ugali ko o sa itsura ko? Mukha akong gusgusing bata. Tamang-tama lang na sa akin, isang ulila na napabayaan sa lansangan. Imbes na nandiyan ang mga tiyuhin ko para alagaan ako, isa din sila sa mga taong nananakit sa akin. Pinapabayaan lang ako sa gusto kong mangyari. Hindi ko na alam ang gusto kong gawin sa buhay.

Kaya bakit sila magtitiis na maging kaibigan ako? Maski ako, pwede ko silang iwan tulad ng pag-iwan sa akin ng mga magulang ko.

Pero habang tumatagal, napansin ko na ang sarili ko ay kabilang sa pamilya na binuo nila.

Kasama sina Wendel, Wilbert, at Monica, kahit papaano nagkaroon ng kulay ang mga nakikita ko— ang paligid ko.

Sa isang tahimik na taong tulad ko, may saya akong nararamdaman. Tuwing kasama ko sila— masayang naglalaro sa playground, nagbibiruan sa maliliit na bagay, nagtatakutan.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon