Wilbert's POV
Umikot ang paningin ko nang idilat ko ang mata ko. Natagpuan ko ang sarili kong nakasandal sa pader, ang damit ko'y puno ng dugo."Ang dungis ko na." Ilang sandali lang, hindi ko mapigilang mangiti sa mga nangyayari.
Nagawa niyang makatakas, kahit hawak ko na siya. Ginagawa niyang mahirap ang lahat sa akin, ang batang iyon. Hanggang nakasipsip pa siya kay Steven na parang linta, hindi ko magagawa ang mga plano ko.
Hindi kalayuan, nakita ko ang isa sa mga alaga ko— ang dahilan kung bakit nakatakas ang isa sa mga espesyal kong alaga.
Hindi ko mapigilang mangiti, "Ha.. haha— hahhahahah.. isa ka din pala sa mga inutil na kilala ko— Pero nakakamangha, napabagsak mo ang mga alaga ko."
Nagawa niyang makatakas sa red room, at ngayon pinakawalan niya ang espesyal kong bisita.
"...."
Hinawakan ko ang baba niya at saka hinarap sa akin, "Ano ba sa tingin mo sa ginawa mo? Bayani ka? Matutulungan ka ba niyang makaalis dito? Matapos ang ginawa mo kay Allen, paniguradong isusumpa ka niya kahit magkita pa kayo sa impiyerno!" Sinampal ko siya sa mukha, wala nang reaksyon.
Mukhang patay na siya, 'di na siya gumagalaw kahit anong yugyog ko. Nakakapanghinayang, sa lahat pa naman ng alaga ko siya ang masunurin.
Ugh, di pa naman ako marunong tumingin ng pulso kung buhay pa siya. Pinilit kong tumayo at kinuha ang paborito kong laruan. "Maiwan na kita, may kailangan ko pang linisin ang mga kinalat mo."
Bago ako makaalis ng klinika ko, nalingon ako sa malaking salamin at nakita ang repleksyon ko. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.
Kakaibang pakiramdam..
Ngayon ko lang ulit naramdaman ito.
Ang makita silang nahihirapan.
Hehe... Ano kaya ang susunod kong gagawin?
* * *
Steven's POV
Mabilis akong nagmaneho pauwi ng bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang napanood kong balita..
Hindi ako pwede magkamali, ang itsura na iyon— classmate ni Allen na pinakilala niya sa akin bilang boyfriend.
Hindi maganda ang kutob ko.
Pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ni Allen— wala siya doon. Hahanapin ko sana siya sa labas nang may masalubong akong kapitbahay at nilapitan ako.
"Iho, may pumuntang pulis kanina sa inyo. May problema ba?" tanong ng matanda, ipinagtaka ko.
Pulis? Bakit— "Sigurado po ba kayo?"
"Hindi pa ako makakalimut sa tandang kong ito. Oo naman, tinanong ko pa nga kung sino ang hinahanap nila— sabi daw ang anak mo. Siguro tungkol 'yun sa mga nawawalang bata dito sa lugar natin, 'yung kakabalita lang sa TV."
Pakiramdam ko huminto ang mundo ko, ayoko isipin na may kinalaman si Allen— o kung ano na nangyaring masama sa kanya. Kailangan kong kumalma.
"Nakakatakot ang panahon ngayon. Sunod-sunod na ang pagkawala ng mga bata, wala pang malinaw na lead ang mga pulis." wika ng matanda habang umiiling.
"G-ganoon po ba, s-salamat po."
"Sige na, iho, mauna na ako sa 'yo at baka masunog pa ang sinasaing ko. Bantayan mo ang anak mo lalo na at gwapo 'yun, takaw mata iyon sa panahon ngayon." matapos ng usapan namin, saka siya umalis.

BINABASA MO ANG
Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalog
General FictionPaalala sa mga Mambabasa: Ang librong ito ay naglalaman ng mga temang at nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay isang SPG (Strict Parental Guidance) na nobela na nagtatampok ng mature na nilalaman, kabilang ang malalim...