Kabanata 24

639 13 1
                                    

Monica's POV

FLASHBACK

(2 years ago)

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang mangyari ang lahat ng iyon—ang burol, ang pagkuha ng custody ng asawa ni Isko, at ang mga gulo sa pagitan ni Wendel at Steven.

Parehas ko silang kaibigan, at ayokong may kinakampihan sa kanilang dalawa hangga't hindi ko pa nalalaman ang buong pangyayari. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maabsorb ang mga kaganapan, ngunit kahit papaano, natahimik na ang paligid ko. Nakakarecover na rin naman ang mag-ama, kahit na mabagal. Sa ngayon...

Nayanig ako nang magising ako mula sa kasarapan ng tulog ko. May kumakalampag sa pintuan ng bahay ko, dis-oras na ng gabi. Nang silipin ko sa bintana, hindi ko inaasahan ang bisita.

Nanakbo ako pababa at pagbukas ng pinto, "Wendel, anong ginagawa mo—anong nangyari sa'yo?" Kita sa mukha niya ang sobrang pagod, habang tumatagaktak ang pawis at naghahabol ng hininga.

Imbis na sagutin ang tanong ko, sabi niya, "Ang flashdrive." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong flashdrive? Wala ka namang binibigay sa akin na—" Nabigla ako nang hawakan niya ako ng mahigpit sa balikat ko habang nakatingin sa akin ng seryoso. Ngayon ko lang napansin, mukha na siyang adik. Ano bang nangyari sa taong ito?

"Kumalma ka muna. Pumasok ka muna sa bahay at ipaghahanda kita ng—"

"Wala nang oras! Ang flashdrive! Hindi ba binigay niya sayo? Sinalihan ko siya—ibigay sayo..." Nabigla ako nang napaluhod siya sa tapat ng pinto. Agad ko siyang inalalayan.

Nang masilayan ko siya ng mabuti, nakita ko ang hindi magandang kalagayan niya. Para siyang puyat na puyat, at sobrang nangayayat. Lubog na ang pisngi at halos isang pitik na lang—tutumba na siya. May mga pasa din siya sa kanyang pulso at leeg. Nang i-angat ko ang manggas ng damit niya, tumambad sa akin ang mamula-mulang pasa na gumuguhit sa kanyang balat.

"My God, Wendel! Anong nangyari sa'yo? Bugbog sarado na ang katawan mo! Hindi kita maintindihan—" Inalalayan ko siyang tumayo. Kumapit siya sa balikat ko at binigyan ako ng matalim na tingin.

"Kung alam kong makakatakas ako, dapat hindi ko na ibinigay sa kanya. Matatagpuan na niya ako." Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Wendel. "Alam niyang pupunta ako dito, kailangan ko nang makaalis dito." Matapos niyang sabihin iyon, nanakbo siya palayo sa bahay.

"WENDEL!!" Sigaw ko sa kanya, pero nagdirediretso lang siya. Hindi ko alam kung anong naisipan ko kaya sinuot ko ang tsinelas ko at nanakbo pahabol sa kanya.

Gosh, nakapajama pa ako habang nananakbo siya—hindi pa ako nakapag-makeup—nakakahiya! "Saglit lang! Wendel! Hoy!"

Mabuti na lang may stamina ako para manakbo ng ganoon kalayo. Habang palayo ng palayo ang pagsundo ko sa kanya, nagkakaroon ako ng ideya sa mga nadadaanan kong lugar. Papunta iyon sa bahay ni Steven!

Sana tama ang hinala ko na doon siya papunta ngayon! Kaya mabilis akong nanakbo papuntang bahay ni Steven gamit ang shortcut. Nag-stopover muna ako bago magpatuloy. Pagdating ko sa bahay ni Steven, hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

"Isko!" Si Wendel iyon, at takot na takot siya sa kausap niya—si Steven!

"Hehehe, tumakbo ka na—" Si Steven, may hawak na pamalo habang nakangiti kay Wendel. Gosh, anong plano niya...

"Allen! Lumabas ka diyan!" Bakit hinahanap ni Wendel si Allen? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. "Isko, tumigil ka na! Shit—" Napaupo si Wendel sa sahig at—

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon