Wakas

1K 14 4
                                    

Tahimik kong nag-i-scroll sa Facebook app, umaasa na may magandang balita akong matanggap.

"October 10th, 20XX, World Mental Health Day," nabasa ko sa isang larawan na shinare ni Monica na may tag sa akin. Napangiti ako. Kahit wala siya dito, may tao pang nakakaalala sa akin.

Halos ilang  na ang nakalipas mula nang magpakalayo-layo ako sa kanila, hindi ko na mabilang- o ayoko nang maalala. Matapos ang nangyari kay Wilbert, tinanggal ko ang lahat ng mga pag-uugali ko noon.

Marahil ito ang paraan para mahanap ko muli ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi naliligaw pa rin ako. Sa mga taon na iyon, doon ko nalamang tinanggap ang mga epekto ng gamot na ibinigay sa akin ni Wilbert.

Nagsimula na akong magkasakit; inatake din ako ng mild stroke—mabuti na lang at hindi nadali ang buong katawan ko sa pagkaparalisa maliban sa kaliwang binti ko na nahihirapan akong igalaw. Mabuti na lang, binilhan ako ni Romeo ng saklay, pang-alalay sa akin. Hindi na rin masama.

Lumalabo na rin ang mata ko, o baka tumatanda na ako. Ngayon lang ako nagsuot ng salamin para kahit papaano, hindi ako mangapa sa dilim, lalo na kapag nagbabasa ng dyaryo o libro.

Kahit papaano, naging maayos naman ako, siguro. May kulang pa rin kahit papaano.

Mabigat iwan si Allen, pero tiniis ko. Umalis ako nang walang paalam at hindi nagparamdam sa lumipas na maraming taon. Ito rin ang paraan ko para pagsisihan lahat ng maling desisyon ko sa buhay.

Hindi na ako nangamba sa kalagayan ni Allen ngayon; nasa pangangalaga siya ni Monica. Ayon sa nabalitaan ko, lumago na ang milk tea business. Marami nang branch sa iba't ibang lugar, lalo na sa Manila. Habang si Allen, patuloy sa kanyang pag-aaral. Wala pa akong balita kung nakapagtapos na siya sa kurso na kinuha niya.

Pambihira, di ko nga pala alam ang course na kinuha niya. Wala talaga akong alam sa takbo ng buhay niya. Kahit papaano, masaya ako para sa kanila.

Nagpatulong ako kay Romeo para makahanap ng tahimik na lugar, malayo sa tirahan namin na nasunog. Mabuti at pinatira niya ako sa isa sa private resort na pag-aari niya, at malapit dito, may malawak na beach. Hindi ko akalain na sa apat na taon, makakapundar siya ng ganitong kagandang lupain.

Tanaw ko mula sa inuupuan ko ang view ng malawak na dagat habang palubog na ang araw. Ang sarap tignan, hindi ako nagsasawang panoorin ito tuwing dapit-hapon hanggang sa makaidlip ako.

May napansin akong dalawang tao na naglalakad doon, mukhang magkapatid. Tanaw ko ang itsura nila, halos magkamukha sila. Naglalaro sila sa malawak na buhanginan. Tanaw ang saya nilang dalawa, lalo akong nasasabik na makita ulit si Allen. Hindi pa sapat ang apat na taon para magkita kami. Kailangan kapag nagtagpo ulit kami, maayos na ang lahat.

Nangako ako sa sarili ko na kapag gumaling ako at luminaw ang isipan ko, haharap ulit ako sa kanya. Ayoko nang maging pabigat sa anak ko, ayoko nang maulit ang pagkakamali ko noon. Habang nagmumuni-muni ako, nakarinig ako ng doorbell sa pinto.

Paglingon ko, nakita ko si Monica na may dalang paper bag tulad ng dati. Nang ituro ni Romeo kung nasaan ako dalawang taon na ang nakakalipas, linggo-linggo siyang dumadalaw para dalhan ako ng mga pagkain nang walang mintis. Siya na rin ang nagluluto at gumagawa ng gawaing bahay. Hindi ko siya mapigilan, wala na rin akong nagawa.

"Sorry kung nalate ako. Traffic ngayon papunta dito," sambit niya habang inaayos ang pinamili niya sa refrigerator. "Don't worry, special ang araw na ito."

Dahil World Mental Health Day?

"Wag mong isipin na World Mental Health Day ah, may mas malaki pang bagay na pwedeng i-celebrate." Palagi naman kami nagse-celebrate ng ganitong araw. Hindi ko alam kay Monica kung bakit.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon