Kabanata 17 (R18+)

1.3K 18 0
                                    

Allen's POV

FLASHBACK




Masaya naman kami noon, kahit may tinatago akong lihim na pagtingin kay Dad— kailan man hindi ako nag tanim ng matinding inggit kay Mom. Na para bang nasaayos ang lahat— kahit hindi ako normal.

Mawawala din naman 'tong nararamdaman ko kapag lumipas na ang panahon. 'Yun sana ang maging takbo ng kwento ko. Nagkamali ako.

Nabago ang lahat nang dumating si Wendel, ang matalik na kaibigan ni Dad at ni Ate Monica. Nang minsang tanungin ko si Ate Monica, tungkol sa kanilang tatlo— si Wendel daw ang pinakamatino sa kanila, walang sinabi kung saang aspeto siya matino pero hindi maganda ang dating niya sa akin.

Ang hindi ko alam, siya din pala ang sisira ng pamilyang binuo ng mga magulang ko. Nakatangap ako ng balita na bumago sa takbo ng istorya ng buhay ko.

Unang araw, matapos ang klase sa kolehiyo mabilis akong nanakbo pauwi nang makatanggap ko ang text message mula kay Sir Wilbert. Ngunit pagdating ko sa bahay, wala na akong nadatnan maliban sa mga gamit na nagkalat at bakas ng dugo sa hagdan.

"Anong nangyari dito..." tanong ko sa sarili ko habang unti-unting nabubuo ang nakakatakot na ideya sa utak ko.

Parang lalabas ang puso ko nang mga panahong iyon, nanalangin na sana mali ang hinala ko, na Sana hindi totoo ang mga naiisip ko. Ilang saglit pa, nakatangap ulit ako ng text message na nagpahina sa tuhod ko.

Ang isip at katawan ko umulutang habang nananakbo papunta sa hospital. Nagiging blangko na ang lahat at daan na dinaraanan ko, malabo. Hindi ko na alam kung ano bang dapat na maramdaman ko kung sakaling magtugma ang mga hinala ko.

Sana hindi iyon totoo. Sana walang nangyaring masama sa kanila. Lalong bumibigat ang mga hakbang ko habang nanakbo ako sa emergency room.

Nanghina nalang ako nang makita ko si Dad na nakaupo sa bench malapit sa pinto ng Emergency Room kasama ang kaibigan niya, si Wendel.

Hindi 'to maari 'to.

Ninenerbyos ang binti ko habang palapit ako sa kanila, "Dad.. anong nangyari.." tanong ko. Lumingon si Dad sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata. Ang kanyang noo may benda at ang kanang braso, may supporter. Hindi siya sumagot, hindi siya makatingin sa akin.

Hindi ko nakontrol ang emosyon ko, "DAD ANONG NANGYARI KAY MOM!" imbis na bigyang linaw ang tanong ko, sinabunutan niya ang kanyang buhok at saka yumuko sa harap ko,

"Hindi ko alam. Wala ako kasalanan..."

Kumapit ako sa braso niya at, "DAD! ANONG HINDI MO ALAM? HINDI BA MAGKASAMA KAYONG DALAWA?!! ANONG NANGYARI KAY MOM!! PAANONG HINDI MO KASALANAN?!" buong lakas kong sigaw, wala akong pake kung nakapako ang tingin nila sa akin.

Natigil nalang ako nang namalayan kong lumuluha na ako sa harap ni Dad. Kaasar. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko!

Gusto ko nalang sapakin si Dad sa inis pero hindi ko magawa! Hindi iyon itinuro sa akin ni Mom pero ang mga sagot niya sa akin, hindi ko matangap. Hindi niya gustong makita na nagkakaganito ako. Nakakainis talaga.

Nabigla nalang ako nang may humawak sa balikat ko, "Allen—" wika ni Wendel. Agad kong tinabig ang kamay niya palayo sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka siya kinuwelyuhan. Pwersahan kong isinandal sa pader,

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Hanggang dito ba naman magkasama parin kayo ni Dad?! Wala ka na talagang pinipiling lugar!" sa galit ko, hinigpitan ko pa ang pagkakakwelyo habang nakakapit ang kamay niya sa kamao ko. Ngumisi ako sa kanya, "Kapag hindi ka sumagot, pipingasan ko yang muka mo— may kinalaman ka ba sa nangyari dito ngayon?! Sagot!"

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon