Kabanata 11 (R18+)

2K 29 1
                                    

Steven's POV

Buong araw akong nakangiti, hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa sa nangyari sa amin kaninang umaga.

"Dad, hindi ba tayo kukuha nito?" tanong niya. Hindi ko siya matingnan, abala ako sa pag-abot ng isang pack ng tissue sa taas ng shelves habang bumubungisngis. "Dad!"

"Ha?"

"Wala!" bigla siyang nagsungit, pambihira.

Ngayon ko lang napansin, paika-ika siyang naglalakad, marahil dahil sa ginawa namin kanina. Pagkakuha ko ng tissue, nilagay ko agad sa cart. Nakita ko siyang may inaabot sa taas ng shelves, kaya bigla ko siyang niyakap at saka inamoy ang leeg niya.

"Hnng, bango," sabay halik sa leeg niya.

Bigla niya akong tinulak palayo, pero hindi ako natinag at humigpit pa ang yakap ko. "Dad, wag dito baka may makakita sa atin—" Hinarap ko siya, kasing pula na niya ang kamatis, haha.

Hinalikan ko siya sa ilong at saka bumulong, "Ngayon lang ako naglalambing sa'yo ng ganito, matuwa ka naman. Wag ka mag-alala, wala namang namimili dito maliban sa ating dalawa. Bigyan mo ako ng kiss, titigil ako," sabay sundot ng daliri sa tagiliran niya. Para siyang kiti-kiti, haha.

Bigla niyang tinakip ang kamay niya sa bibig ko. "Dad naman! Punuin muna natin 'yung ref para may maluto akong matinong almusal bukas!" Agad niyang tinanggal ang kamay niya at pinahid sa damit ko, hehehe. Bakit ngayon lang siya nagiging attractive sa paningin ko?

Hinila ko siya palapit sa akin at ginulo ang buhok niya. "Okay, okay, kalma haha. Ikaw na bahala kumuha ng mga kailangan natin." Matapos noon, bumulong ako sa tenga niya, "Baby Allen," pang-aasar ko.

Agad siyang lumayo sa akin habang pinandidilatan ako ng mata. Napa-sandal siya sa cart, muntik pang mawalan ng balanse. Lalong namula ang pisngi n'ya, at ang tenga niya—kakulay na ng hinog na kamatis. Tahimik lang siya, nakasalubong ang kilay at nakanguso na hindi maintindihan, patulak sa cart palayo sa akin.

Pambihirang bata, kakaiba talaga ang ugali.

Susundan ko na sana siya nang makatanggap ako ng tawag. Agad kong sinagot nang malaman ko kung sino. "Ano na naman ang kailangan mo?" seryoso kong tanong.

Narinig ko na naman ang maladragona niyang boses. "Bwisit ka talaga, Steven. Wala ka na atang planong i-manage ang negosyo mo," sermon niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siyang magdakdak. "Kailangan ko ng mga cups, ubos na 'yung huling box. Magre-replenish ng supplies, alam mo namang dumudoble na ang demand malapit na magsummer!"

Pumikit ako at saka pinilit pakalmahin ang sarili. Ayokong makipagsagutan sa kanya, maganda na ang araw ko ngayon. "Yeah, yeah. Naiintindihan ko. Meron pa ba?" bored na tanong ko.

"Oo, meron pa. May plano ka bang ligawan ako—" Nang marinig ko ang sinabi niya, agad kong pinatay ang phone at ibinulsa. Napahawak na lang ako sa sentido ko. Kahit kailan, hindi pa rin sumusuko si Monica, pambihirang babae iyon.

Napansin ko na lang na pabalik si Allen, mukhang malungkot. "Dad, sino kausap ninyo? Mukhang may kaaway ka," tanong n'ya. Pinilit kong ngumiti.

"Nothing," sambit ko. Sumakit ulo ko doon—kailangan ko na sigurong magpahinga. Kinuha ko ang card sa bulsa ko at inabot sa kanya. "Ito ang card, bilhin mo lahat ng kailangan mo. Matapos mamili, dumiretso ka na sa kotse." Agad na kinuha ni Allen ang card habang nakabungisngis.

"Sigurado ka, Dad? Wala nang bawian, ah?" Um-oo na lang ako. Lalo pang lumapad ang ngiti niya. "Marami akong mabibili nito, baka maubos agad laman nito."

"Akin na nga—" kukunin ko na sana, pero umatras siya palayo.

"Hep, hep, hep!" sigaw niya. Akala mo may kaaway kung makalayo sa akin ng card ko. Bumawi naman siya ng ngiti. "Joke lang, eh. Nakakatuwa lang. Dati, binabato mo sakin wallet mo, ngayon inaabot mo na lang credit card mo hehehe." Uggh, pinaalala pa niya.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon