Steven's POV
"Gutom na naman ako."Bulong ko sa sarili habang pababa ng hagdan, diretso sa kusina na naka-boxer shorts lang. Panibagong araw na naman, isa na namang walang kabuluhan na araw. Maayos na sana ang lahat nang makita ko ang laman ng refrigerator—bigla akong nanlumo.
"Pambihira naman itong buhay."
Nakalimutan ko na namang mag-grocery. Tsk, hindi na talaga ako natututo. Kumain na kaya si Allen? Kanina ko pa siya hindi nakikita. "Len!" Walang sumagot. Dapat nandito na siya ngayon. Haist! Hindi talaga ako sanay sa ganitong trabaho tuwing umaga. Madalas kasi si Allen ang gumigising sa akin para magluto at kumain ng almusal.
Simula nang mamatay ang asawa ko, hindi ko na rin masyadong naaasikaso ang sarili ko. Pati mga gawaing bahay, napapabayaan ko na. Lalong sumasakit ang ulo ko tuwing nakikita ko ang nag-uumapaw na maruruming damit namin sa malaking basket malapit sa banyo. Minsan napapaisip na lang akong itapon ang lahat ng labahin para matapos na.
Ginulo ko na lang ang buhok ko sa inis. "Arrggh!!" Gusto kong maging productive, pero tinatamad ako. Nang maisipan kong uminom ng tubig, natanaw ko si Allen na tahimik na bumababa ng hagdan.
Agad ko siyang sinita, "Anong oras na? Bakit ngayon ka lang nagising?" lumingon siya sa akin na para bang nakakita ng multo.
"Ackk—paalis na po." Sagot niya habang nagkakamot ng batok.
"Wala ka bang planong mag-almusal? Bumili ka na lang ng pandesal sa kanto." Kumaway siya sa harap ko.
"No, Dad. Doon na lang po ako kakain sa labas—" mautal-utal niyang sambit habang umaatras papuntang pintuan. Kakaiba na talaga ang kilos niya ngayon.
"Allen, nagdududa na ako sa mga kinikilos mo. Siguraduhin mo lang na wala kang tinatago sa akin. Kapag nalaman kong may ginawa kang kalokohan, ingungudngod ko mukha mo sa hagdan." Banta ko sa kanya. Lumalabas na naman ang pagka-demonyo ko.
"O-opo, Dad." Diretso niyang sagot sabay tindig. Sumenyas siya sa pinto, "Pwede na po ba akong umalis—" Magsasalita pa sana ako pero parang tanga na siyang tumakbo palabas ng pinto.
Hindi talaga marunong magsinungaling si Allen, tsk tsk. "Pambihira ka talagang bata ka." 'Yun na lang nasabi ko kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Kahit malaking tao si Allen, parang bata ang isip na binigyan ng piso pang pisonet.
Nang mamatay ang mommy ni Allen, naramdaman ko ang unti-unti niyang paglayo sa akin. Sa edad na disi-syete, nahihirapan na akong kontrolin siya. Mabuti pa si Romeo, kahit papaano kasundo niya ang kanyang anak na parang magkaibigan lang. Kahit anong gawin ko, mahirap maging isang ideal na ama kay Allen. Hindi ko alam kung kailangan pa ba iyon o hindi na dahil matanda na rin naman siya at sanay na siyang wala siyang nanay.
Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya.
Dahil wala naman akong makakain ngayon, bumalik na lang ako sa kwarto ko at naghubad ng saplot sabay higa sa kama. Napansin ko ang repleksyon ko sa salamin. Tanaw ang hubad kong katawan, nag-flex ako ng braso at chest muscle ko—dismayado ako sa kung anong meron ako ngayon.
Hindi naman ako nalalayo sa dating hulma ng katawan ko, kahit papaano naaalagaan ko pa rin ang katawan ko kahit hindi na ako pumupunta sa gym. Pero ngayon, hindi ko masasabi na nasa magandang kondisyon ako. Nawawala na ang mga muscle cuts ko di tulad dati. At sa mga oras na ito, napapaisip na ako—mukhang kailangan ko na talagang alagaan ang sarili ko.
Tatanggapin ko na kaya ang alok na trabaho ni Romeo?
***
Agad akong nag-asikaso para pumunta sa gym. Maaga ako nang pumunta at dumiretso sa locker room, umaasa ako na hindi ko na makikita ang mga ka-gym buddy ko dito since matagal na akong hindi nakakapagpa-member. Per day na ako nagbabayad. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla akong inakbayan ng dati kong trainer na nakabungisngis.

BINABASA MO ANG
Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalog
General FictionPaalala sa mga Mambabasa: Ang librong ito ay naglalaman ng mga temang at nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay isang SPG (Strict Parental Guidance) na nobela na nagtatampok ng mature na nilalaman, kabilang ang malalim...