Kabanata 31

1.1K 15 2
                                        


Steven's POV

Hanggang ngayon, sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Kung paano ko pinabayaan ang paligid ko, at paano ko unti-unting sinira ang pinangarap kong pamilya.

Ahh, hindi ito ang gusto kong mangyari.

Nagising ako sa pagkakaalam na may liwanag na sumasayad sa mukha ko. Nang magising ako, agad kong hinanap ang gamot ko sa bag, ngunit wala ito.

"Pambihira.."

Hindi ko na lang makita ang gamot ko, ngunit muling sumulpot ang imahe ni Wendel. Nakaupo siya sa tabi ko, mas malinaw na kaysa dati.

Lumingon ako sa kanya, "Kailan ka ba titigil? Minsan nakakasawa na palaging makita ka sa panaginip ko, pati na rin kapag magising ako?"

Napabugtong hininga siya, "Napakainit ng ulo mo, Isko. Ako nga dapat magtanong, anong ginagawa mo dito?" Binato niya sa akin ang tanong ko.

Hanggang ngayon, siya pa rin ang taong kinasusuklaman ko.

Napahawak ako sa sentido ko, "Tangina hahaha.. ha.. Sira na ba talaga ang bait ko?"

Napansin kong umiling siya, "Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. Kausap mo lang naman ang sarili mo mula noong oras na ito."

Pumikit ako at huminga ng malalim, "Tama, hindi ka totoo. Matagal ka nang patay." Panaginip lang ito. Hindi siya totoo.

Ilang saglit lang, biglang may nag-ring sa backseat ng kotse ko. Nakita ko ang phone ko sa ilalim ng upuan na nagri-ring.

"Ohhh, may tumatawag. Si Monica, sigurado bububungan ka lang n'yan." Oo, sigurado bububungan ako noon.

Agad kong dinampot at sinagot ang tawag. Bunungad sa akin ang lakas ng boses niya.

"Ano na, Steven? Nasaan ka? Bigla ka nalang hindi nagparamdam. Dalawang araw na akong naghihintay doon sa sales report na ginawa mo— Hoy, Steven?"

"Monica... Ginawa ko naman lahat para maayos ang pamilya ko, bakit nangyayari sa 'to lahat?" sambit ko sa kanya.

"Teka, hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita—"

"Sa totoo lang, gusto ko na lang na maglaho na parang bula. Napapagod na ako..." Pagkatapos kong sabihin iyon, bumigat na ang talukap ng mata ko at ako'y humagulgol.

Gusto ko nang matulog, ng walang gisingan.

"Steven naman! Wag ka nga magsalita ng ganyan! Nasaan ka ba ngayon? Nandiyan ka ba sa bahay mo? Steven!!"

Dumulas nalang sa kamay ko ang cellphone ko. Naisipan kong lumabas ng kotse at pumunta sa likod para kunin ang malaking maso.

Hila-hila ko ito papunta sa lapida. May bagong kandila at bulaklak. May bumibisita pa sa walang kwentang taong ito.

Para wala nang makabisita dito— pwersahan kong binasag ang puntod hanggang sa madurog ang mga bato. Hindi ko tinigilan hanggat hindi nawawala ang pangalan niya doon.

"Masaya ka na?" Lumingon si Wendel sa akin na parang wala lang sa kanya, "Sinira mo na ang lapida ko. Siguro naman kahit papaano gumaan na ang loob mo—"

Hindi ko na napigilang sumigaw, "Tumahimik ka na!"

"Katangahan mo ang papatay sayo..." Paano niya nagagawang sabihin iyon ng diretso sa harap ko?

Patay na siya, matagal na.

Hanggang ngayon, nagagawa pa rin niyang diktahan ako.

"Sinabi kong tumahimik ka na!!! Tangina ka... Tumigil ka na. Pakiusap." Pinaghahampas ko pa rin ang lapida hanggang sa mawala na ito sa pwesto niya.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon