Kabanata 16

1K 16 0
                                    


Allen's POV
FLASHBACK

Akala ko magiging maayos ang lahat. Simula nang may matuklasan ako kay Dad at sa kaibigan niyang si Wendel, natili tikom ang bibig ko sa mga nangyari noong oras na iyon. At lalo kong hinigpitan ang pananahimik ko nang mmakauwi na si Mom mula sa probinsya.

Alam kong may nararadaman siyang pagbabago sa buong bahay simula nang araw na dumating siya at habang lumilipas ang panahon, nagkakalamat na ang mga lihim na tinatago namin.

Isang gabi sa isang linggo, hanggang sa naging madalas ang pag-uwi ni Dad ng lasing. Madalas dumidiretso siya sa bahay na na para bang pagod na pagod at wala sa sarili. Minsan pa'y nag-iinom siya mag-isa at bigla nalang magagalit sa sarili. Sa takot ko, hindi ko siya kinikibo. Minsan binabati ko lang si Dad bago at pagkatapos kumain, matapos noon- hindi na ako nagtatakang magbigay ng bagay na pwedeng pag-usapan, lalo na kung tungkol sa kanilang dalawa.

Marahil nga sira na ako, alam ko magiging kahihinatnan ng paglilihim ko kay Mom. Pakiramdam ko may pumipigil sa akin, na magsalita- hindi ko alam kung sa takot ko kay Dad, o sa takot ma mawala si Dad sa amin ni Mom. Itong nararamdaman ko, hindi pa matatag at matibay. Magkamali ako ng galaw, alam kong guguho ang pundasyon na ilang taon kong palihim na pagtingin kay Dad.

Hindi ako natatakot para sa akin, natatakot ako para sa aming lahat. Siguro nga hindi pa ako handa, o wala pang karanasan. Wala pa akong lakas ng loob para manindigan, at wala pa along matatag na kapit para pumasok sa malalim na relasyon nilang tatlo.

Madalas ang kahihinantnan ng ganitong pagtingin, kabiguan. Tulad ng mga nababasa ko sa libro.

Habang tumatagal, rumurupok na ang mga tao sa paligid ko. Sa tuwing uuwi ako galing sa laro ng basketball- nadadatnan ko silang nagtatalo sa kwarto ni Dad. Sigawan na para bang wala silang pano patulugin mga kapitbahay. Kahit ganoon, pinilit kong manahimik at hindi makisawsaw sa usapan nila. Wala akong ideya kung paano nagsimula, at wala akong planong alamin kung ano ang dahilan ng pag-aaway nila.

Natatakot ako.

* * *

Gabi na nang makauwi ako galing school, agad kong silang hinanap. Umaasa na wala akong maririrnig na anu mang bagay na pwede nilang pagtalunan.

"Mom, Dad, nandito na po ako."

"Sa kusina!" sigaw ni Mom. Naabutan ko siya doon na may pinapakuluan habang naghihiwa ng gulay. Binitawan niya agad iyon at saka lumapit sa akin at niyakap ako, "Kamusta na enrollment? Napili mo naba ang kurso na gusto mong kuhain?" tanong niya sa akin na may kasamang pait mg ngiti. Bigla akong nakaramdam ng matinding kunsensya. Nakakatakot ang ganitng pakiramdam.

Pinilit kong ngumiti, "Yes Mom, medyo madaming tao, mahaba din ang pila since first day ng enrollment." masaya kong sambit sa kanya.

Pagkakalas niya sa yakap, inabot ko sa kanya ang envelop ng schedule ng pasok ko.

Nabigla siya nang makita ang laman ng envelop, "Anak sigurado kana ba talaga dito?" tanong ni Mom, tumango ako sa kanya. Siguro, hindi iyon ang inaasahan niyang kurso na kukunin ko. Tinapik ni Mom ang braso ko at, "Allen, wala namang problema kung anong kurso ang gusto mo kunin basta masaya ka sa ginagawa mo- masaya narin ako. Siguraduhin mo lang na mag-aaral ka ng mabuti. Regalo mo na sa akin iyon."

Kahit papano gumaaan ang nararamdaman ko, "Thanks Mom.." saka niya ginulo ang buhok ko. Habang natatanaw ko ang ngiti sa labi niya sa sata para sa akin, lalong bumibigat ang kunsensya ko. Pambihira.

Inayos ko ang sarili ko at saka bumalik si Mom sa paghihiwa ng gulay, "Oo nga po pala, akala ko po ba kasama mo si Dad ngayon? Hindi po ba mag go-grocery?"

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon