Kabanata 33

630 10 0
                                    

Steven's POV


Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isang bench sa malawak na parke. Maaliwalas ang paligid. Sa ganitong panahon, ang sarap matulog—

"Isko..." sigaw sa di kalayuan. Pamilyar ang boses.

Nang makalapit na siya, saka ko siya namukaan. "Wendel... ikaw na naman. Hanggang dito ba naman sa panaginip ko?"

Naghahabol siya ng hininga. "Pasensya na, last na talaga ito." Pagkatapos noon, naupo siya sa tabi ko. Nang kumalma na, nagpatuloy siya, "Bago ka magising, hayaan mo munang magpasalamat at mag-sorry. Alam mo na, sa nag-uumapaw na katangahan ko."

Nailing na lang ako habang nginingitian siya. "Wala na akong magagawa, nandiyan na. Malimaw na sa akin ang lahat." Tama, lahat ng ito kasalanan ni Wilbert, at hindi ni Wendel. Kahit papaano, masaya ako at nalinis ang pangalan niya sa akin.

Ayoko nang magtanim ng sama ng loob.

"Ibig sabihin ba nito, patay na ako?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, kailangan mo pang bumalik. Baka nakakalimutan mo, kailangan ka pa ng anak mo?" masaya niyang sambit.

"Tama ka, kailangan ko pang bumalik." Tumayo ako at nag-unat. "Ikamusta mo na lang ako sa asawa ko."

"Walang problema, Isko. Ako bahala." masaya niyang sambit.

Bago ako umalis, ngumiti ako sa kanya. "Salamat, Wendel."

Matapos noon, bigla na lang akong nagising na nakaratay sa hospital bed. Maraming aparato na nakakabit sa buong katawan ko. Ayoko talaga ng amoy ng hospital.

"Steven—" si Monica, gulat na gulat nang magtagpo ang mata naming dalawa.

Nandito rin pala si Romeo. "Tawagin ko lang ang doktor..."

"Allen..." sambit ko kay Monica. Hindi niya ako binigyan ng magandang tugon. Hinawakan niya ang kamay ko at saka siya umiyak.

Doon na ako kinabahan.

Pinilit kong tanggalin ang mga nakakabit sa akin, pero pinigilan ako ni Monica. "Steven, tama na—"

"Allen." Sinabi ko ulit ang pangalan niya, ngunit walang lumabas na tinig sa bibig ko. Umaapaw na ang tubig sa mata ko.

Fuck, anong nangyayari sa akin?

Wala, ako... boses.

Maraming ginawang pagsusuri sa akin. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi ng doktor. Sila Romeo at Monica na ang kumausap sa kanila.

Hindi ko na alam ang iisipin ko; masyadong magulo ang paligid ko ngayon—ganoon sin ang isipan ko. Maski ang oras at araw ngayon na nakaratay ako dito sa kama ng hospital, hindi ko na alam.

Sabi ng doktor, walang kasiguraduhan kung kailan babalik ang boses ko—o baka wala na talaga. Dahil ito sa gamot na walang pagkakakilanlan, hindi pa masuri kung paano ako magagamot. Wala na rin naman akong paki kung anong mangyari sa akin, basta malaman ko lang na ligtas ang anak ko—magaan na ang loob ko.

Alam ko nag-aalala sila Monica at Romeo sa akin; kita sa mga mata nila. Matapos ang nangyari, hindi ko alam kung makakarecover pa ako—o kami.

Sa kwento ni Monica, si Wilbert ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari ngayon. Tungkol sa gamot na iniinom ko at sa mga nangyari sa amin ni Allen nitong nakaraang buwan.

Nahuli din siya noong magtaka siyang makatakas palabas ng bahay. Mabuti na lang nakaligtas kami sa sunog at nakaresponde agad sila ni Romeo. Ang hindi lang nakaligtas, buong bahay namin; wala ni isang natira.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon