Kabanata 27

385 8 0
                                    

Allen POV

Gabi na, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakauwi. Saktong malas pa, naubusan ako ng load at malapit nang ma-low battery ang phone ko.

"Minamalas nga naman oh," sambit ko sabay sipa sa isang bato na nadaanan ko.

Nagsabi pa naman ako kay Dad na tatawagan ko siya pagkatapos ng klase. Pambihira talaga.

Apat na kanto na lang, makakauwi na ako nang biglang nag-text sa akin si Jared.

Si Jared ang pinaghihinalaan kong nagpakalat ng mga larawan namin ni Dad kaya ako nagkakaproblema ngayong araw. Kailangan kong makausap ang taong iyon.

Sa text, pinapa-open niya ako sa Messenger ko. Hindi maganda ang kutob ko.

Pagbukas ko ng data at Messenger, bumungad sa akin ang mas marami pang litrato namin ni Jared—magkasama sa kama. Paanong— ang suot ko, iyon ang suot ko noong nakiusap ako kay Jared na makisama sa kanila.

Hindi lang isa, kundi maraming litrato ng walang saplot na kami, naghahalikan at...

"Gusto mo bang i-delete ko lahat 'yan? Puntahan mo ako dito sa XXXX," text niya na nagpakulo ng dugo ko.

"Tangina ka talaga, Jared!"

Para matapos na ang kalokohan niya, sumunod ako sa gusto niyang mangyari. Pumunta ako sa lugar na itinuro niya.

Hindi naman ako masyadong natakot dahil kabisado ko ang lugar na pagkikitaan namin. Dati kaming nakatira malapit dito. Ang pinagtataka ko lang—

Bakit sa isang klinika, at ang klinikang iyon ay pamilyar sa akin. Nakapunta na ako dito dati, hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi maganda ang kutob ko, kaya kumuha ako ng kahoy na nagkalat sa daan para pangprotekta kung kinakailangan. Pinaghandaan ko na ang sarili ko, hindi magiging madali ang sitwasyon ko.

Marahan kong binuksan ang pinto ng klinika, walang tao. Ayon sa pagkakatanda ko, may isang kakaibang pintuan dito. Hindi ko lang matukoy kung saan dahil nagbago na ang posisyon ng lahat ng gamit dito.

Ilang saglit lang, nakarinig ako ng mahinang kaluskos mula sa isang simpleng pintuan malapit sa tabi ko. Habang papalapit ako, naririnig ko ang impit na tinig.

"Jared..."

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang pasilyo na maraming kwarto. Lahat ng kwarto ay may pulang liwanag.

Ang takot na ito, parehas noong una akong tumapak sa lugar na ito. Bagaman nag-iba ang itsura ng pinto, kulay ng pader, at mga tiles na tinatapakan—ang kaba at nerbiyos na nararamdaman ko ay katulad pa rin ng dati.

Nanakbo ako upang sundan ang tinig habang mahigpit na hawak ang kahoy.

Paghinto ko, nakaramdam ako ng panghihina nang makita ko sa malaking salamin ng bintana ang imahe ni Jared. Sobrang layo na niya sa lalaking nakilala ko. Kasama niya ang dalawang makisig na lalaki na nakagapos sa leeg, para bang aso. Kita ko sa itsura ni Jared ang poot habang binababoy siya ng dalawang lalaking iyon.

Pilit siyang pinapakain ng mga tableta na hawak nila.

Ang gamot na iyon...

"A—llen..." namutawi sa bibig niya ang pangalan ko. Kitang-kita ko sa kinatatayuan ko. Nakakapanghina.

Gusto kong tulungan siya, pero natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Tumirik na ang mata ni Jared nang magtagpo ang mga mata namin kasabay ng pagluha ng mata niya. Bawat senyas ng labi niya tumutusok sa dibdib ko.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon