Kabanata 21

823 15 1
                                    

Steven's POV

Flashback


Dalawang buwan matapos ang pagkamatay ng asawa ko, pinili kong manahimik. Pero hindi ko kayang makita ulit siya, ang taong dahilan kung bakit ako nagkakaproblema ngayon.

"Bakit ka pa pumunta dito?" mariin kong tanong sa kanya.

"Kailangan kong makita si Allen. Gusto ko siyang makausap—" Bago pa siya makapagsalita ng buo, hinigit ko siya at pwersahang isinandal sa pader. Ang kamay ko, na nanginginig sa galit, ay nakatukod sa kanya.

"Ang anak ko ang susunod mong biktima? Wala ka na bang planong tigilan ang pamilya ko? Sa tingin mo, wala akong alam sa balak mo sa anak ko?!" Binigwasan ko siya sa tiyan, dahilan para lumuhod siya sa harapan ko.

Ngunit hanggang ngayon, matatag pa rin siya, "Kailangan ko—" Kasabay ng pag-ubo niya ng dugo, "Hayaan mo akong makita siya. Kahit saglit lang, may kukuhain—ako..."

Iniwan ko siya saglit at pagbalik ko, may dala na akong dospordos. Kailangan ko na siyang mapaalis dito, at kung hindi madadaan sa pwersahan—ako na ang tatapos sa kanya. "Lumapit ka pa, ako na papatay sa iyo," banta ko sa kanya habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa makapal na kahoy.

"Isko, pakiusap. Hindi ako pumunta dito para manggulo. Kailangan ko—" Nang lumapit siya, winasiwas ko ang hawak kong pamalo at tumama iyon sa braso niya, "Acck!!" Napaatras siya palayo sa akin. "Please, Isko—pakinggan mo muna ako. May inabot ako sa kanya, kailangan ko makuha..."

Ngayon, gumagawa na siya ng dahilan, magaling magpaawa. Nangingitngit ako sa kanya, "Nagkamali ka ng pinuntahang lugar."

"Isko!"

Nasagad na ang pasensya ko. Sawa na ako sa pagpapanggap at pagkontrol niya sa akin. Marami na akong pinagsisihan sa sarili ko at ayoko nang magpatuloy iyon kasama ang taong sumira ng buhay ko. Pagkakataon ko na ito.

"Maluwag na turnilyo ko ngayon, Wendel. Magtago ka na." Pagkatapos kong sabihin iyon, hinampas ko ang glass table sa tabi ko gamit ang dospordos, dahilan kaya nagkumahog siyang umatras palayo.

"Isko!" hindi pa rin talaga siya tumitigil.

Ngumiti ako sa kanya, "Hehehe, tumakbo ka na—" mahigpit akong humawak sa kahoy habang papalapit sa kanya. Tumakbo siya dahil kapag naabutan ko pa siya—tapos na siya sa akin!

"Allen!—" sigaw niya habang umaatras palayo. Ngumiti ako sa kanya, hindi niya makukuha si Allen—"Isko, tumigil ka na! Shit—" Sakto, nawalan siya ng balanse at napaupo sa sidewalk habang umaatras palayo sa akin.

Pagkakataon ko na.

Kumapit ako ng mahigpit sa pamalo ko, "Hindi mo na ulit kami magugulo." Nakangiti kong wika sa kanya.

Buong lakas kong hinampas ang pamalo ko patungo kay Wendel nang biglang narinig ko ang boses ng babae.

"Steven!!"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang magising ako sa malalim na bangungot. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, pakiramdam ko ay may mga salnggam sa ilalim ng balat ko. Umaagos ang luha ko habang pinipilit kong gumalaw paupo sa kama.

"Allen.." buong sigaw ko, pero walang lumalabas sa bibig ko.

Nang makaupo na ako sa kama, pinilit kong abutin ang baso sa table cabinet na malapit sa akin. Pero pagkakalabit ko sa baso, nalaglag iyon at nabasag dahil sa sobrang nanginginig ang kamay ko.

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon