Kabanata 22

572 14 3
                                    

Allen's POV


Malalim na bangungot ang gumising sa akin ng madaling araw. Nang maalala ko ang lahat ng nangyari, natagpuan ko ang sarili kong umiiyak. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko, baka magising si Dad na katabi ko ngayon sa kama.

Kahit masakit ang buong katawan ko, pinilit kong tumayo ng tahimik at maglakad papunta sa banyo. Nang tingnan ko ang aking sarili sa salamin, tadtad ako ng pasa at kalmot sa leeg. May mga kiss mark din sa dibdib na bumababa sa tiyan ko. Ang binti ko ay may tumatagas na puting likido—mahapdi sa pakiramdam.

Sa tuwing naaalala ko ang ginagawa ni Dad sa akin, hindi ko maiwasang manginig sa takot. Lahat ng ito ay tanda ng unti-unting pagbabago sa pakikitungo ni Dad sa akin. Habang tumatagal, lalong lumalala ang sitwasyon niya. Kagabi, parang hindi na niya ako itinuturing na anak.

Inaasahan ko na mangyayari ito—pero hindi sa ganitong kabilis na panahon. Mula noong nakaraan, hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga nangyari. Umaasa ako na sa paglipas ng panahon, magbabago ang lahat. Nagkamali ako, at lalo pang lumalala ang sitwasyon. Wala ito sa mga plano kong mangyari sa amin.

Ang gusto ko lang naman ay makalimot na si Dad sa mga masasakit na nangyari sa kanya—na kahit papaano maghilom ang sugat sa puso niya dulot ng pagkawala ni Mom, ni Wendel, at ang mga traumang naranasan niya sa nakalipas na dalawang taon na tila bangungot pa rin sa kanya.

Ayoko nang makita si Dad na nasasaktan.

Bago pa magising si Dad, agad akong naligo at nag-asikaso ng susuotin ko papasok sa school. Kumuha ako ng makakain mula sa ref at iniwan si Dad na mahimbing na natutulog. Ang kanyang mukha ay maamo at tahimik habang siya ay natutulog.

Humiling ako sa hangin na sana ay magiging maayos din ang lahat.

Kahit kulang sa tulog, nairaos ko ang exam ko ngayong araw. Salamat sa last-minute review at sa aking tiyaga. Hindi ko pa rin binibitawan ang kabila ng mga nangyari kagabi.

Ayoko isipin na gusto iyon gawin ni Dad. Dala lang iyon ng matinding trauma na naranasan niya.

Sana nga.

Paglabas ko ng school, nabigla ako nang akbayan ako ni Jared sa balikat. Siya ang kagrupo ko sa project na ginawa namin sa bahay. Siya din ang nag-aya sa akin na pumunta sa isang event na tinanggihan ko.

Isa siya sa mga mayayamang tao sa university na pinasukan ko, at palagi siyang nakadikit sa akin.

"Hays, mabuti na lang nairaos natin ang exam kahit papaano. 'Yung project na ginawa natin, nakatulong iyon sa pagrereview ko— Allen? May problema ba? Kanina pa kita napapansin na balisa, hindi maganda ang lagay mo."

"Ahh, wala 'to. Kulang lang ako sa tulog, hindi pa maganda ang gising ko.." Ang totoo, ang sakit ng buong katawan ko. Parang ayoko nang gumalaw. "Sana lang talaga, paid off lahat ng inaral natin."

"Buti ka nga, kahit papaano matalino ka kaya nakakasurvive ka kahit walang review," sabay siko sa bewang ko.

"Loko." Nangiti na lang ako, pinilit ko.

"Oo nga pala, Allen, matanong kita. Pumunta ka ba sa event? 'Yung live band sa isang private resort?" Biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Paano niya nalaman iyon? "Naalala mo 'yung inaya kita sa isang event?"

"O-oo, naalala ko iyon. Anong—meron?" Nauutal kong tanong.

"Sa totoo lang, may nakita akong kamukha mo, parang ikaw talaga iyon eh. Lalapitan sana kita pero naalala ko na hindi ka sumama, baka mapahiya lang ako," sambit niya. Pinagpawisan ako sa mga paliwanag niya. Para akong nasa hotseat. "At saka imposible na nandoon ka, exclusive event iyon para sa isang company organization."

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon