Kabanata 6

1.6K 25 1
                                    

Steven's POV



"Doc, sa tingin mo, magaling na ako? Tumitigas naman 'yung ari ko, pero ilang saglit lang nawawala din agad," paliwanag ko kay Doc. Kakatapos lang ng examination namin, at base sa ekspresyon ng mukha niya—wala namang problema. Pero 'yung kaba ko, hindi pa rin nawawala.

"Well, it's a good sign, but unfortunately—I can't give you a proper and concrete diagnosis until you've finished taking all the medication I prescribed." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ng doktor o hindi. "In some other points, you're doing well. Can I ask you a personal question? Are there things that excite you? Like when you see someone—or when they do something in front of you—you feel a kind of heat. It's like you're deeply into that person."

Matapos niyang sabihin iyon, may narinig akong pamilyar na boses.

"Ahhh, Dad..."

Bigla nalang akong nasamid at naubo. Agad naman akong inabutan ni Doc ng tubig. Shit, eto na naman ako. Bakit ba bigla kong naalala 'yun?

"Doc, normal pa ba 'to?" tanong ko ulit kay Doc. Siguro kailangan ko magbigay ng ibang detalye, kaya nagkwento na ako. "I suddenly feel this way towards someone I know, but we don't have any physical contact. Whenever something reminds me of them, I feel more enthusiastic," pag-amin ko. Wala naman akong nakitang kakaibang reaksyon sa kanya.

"Normal naman 'yan, sign 'yan na nagiging maganda ang resulta sa'yo. I can say that you're having a sexual fantasy about a specific person." Sexual fantasy? Shit, ganoon na ba talaga ako katigang? "And a little personal advice: if there's someone who makes you feel that same excitement, why not try to cherish it? Who knows, it might help you heal completely." Sa sinabi ni Doc, parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin at hindi maganda 'yun.

"One more thing, Steven, stop calling me Doc. There's no need for formality. It feels awkward to hear it from you, like we don't know each other," wika niya. Tama naman siya na magkakilala kami, matagal na, pero no—

"I insist. Nasa clinic mo ako."

Natawa nalang siya sa sinabi ko, "Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Just remember the supplements I prescribed to you—those that might help. Don't forget them. I'll schedule a follow-up appointment for you; come back here after two weeks of medication. I'll send the results of the first test we did to your email. Is that okay" Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Yes, Doc—Ohm—"

"Wilbert. Please don't use my last name. I'm really not used to you calling me that," wika pa niya habang inaayos mga gamit sa table niya. "By the way, sorry to ask, have you already visited—"

Biglang nagbago ang timpla ko nang banggitin niya 'yun sa akin, "Para saan pa?" seryoso kong sambit sa kanya.

Alam kong hindi na siya mabibigla sa sinabi ko. Alam niya kung bakit ganito ako kagalit sa kanya. Umabot sa punto na tuwing may nagpapaalala—kumakalabog nang malakas ang dibdib ko at palakas ng palakas iyon.

Kailangan ko nang makaalis dito.

Tumayo na ako at akmang magpapaalam na nang may iabot siya sa aking card. May nakasulat na address at cellphone number.

"If you happen to think of it, I'm just hoping that you might visit them at least once." Sa sinabi niyang 'yon, lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa takot. Matagal ko nang nais kalimutan ang alaalang iyon, pero shit lang—

Huminga ako ng malalim at nilapag sa table niya ang card, "Alam ko namang alam mo kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. It's their fault. I don't want to lose the remaining kindness I have left. This is all I have." seryoso kong sambit sa kanya. Humarap ako sa kanya at saka nagpaalam, "Alis na ako, Doc Wilbert."

Daddy Issue: Steven Vasques #boyxboy #tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon