Chapter 18 (Part 1)

11 0 0
                                    

Monday na naman ngayon. Hay! Walang pahinga. Kahapon lang kami umuwi galing sa beach pero hindi pa rin ako makatulog ng maayos dahil sa hindi mawala sa isip ko na liligawan na talaga ako ni Xander. As in! Sobrang unexpected na magtatapat siya sakin hahaha.

Di ako masyadong makatulog kaya nagready nalang muna ako sa pagpasok sa school ngayon. Hindi rin naman ako excited diba? Hahaha. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Kagabi, isa pang dahilan sa hindi ko pagkatulog ay ang sobrang tagal ng tawag ni Xander sakin. Mga 12:30am na ata namin napagdesisyunan na matulog eh. Sobrang haggard ko ngayon pero hindi rin naman to mahahalata pag nakaligo na ako eh.

Lahat sa bahay, napapansin ang kaligayahan ko.

(Habang kumakain)

"Ma'am, simula po kahapon, pansin na namin na ang saya-saya mo po ah." Masayang puna sakin nung maid na naghanda ng makakain namin.

"Siyempre manang! Inlove yang si ate eh." Singit naman nung kapatid ko na papalapit pa lang samin. Bagong gising pa ata haha.

"Tse! Epal ka talaga, sis! Wag mong sirain araw ko." Sabi ko sabay paalam sa kanya. Mauuna na ako sa school. Mukhang matagal pa kasi itong kapatid ko eh.

Nasa campus na ako ngayon at naglalakad patungo sa classroom. Pagdating ko sa classroom, nakita ko na si Felix palang pala ang nandun. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa room or hindi.

Pero napagdesisyunan ko na ituloy nalang. Hindi na dapat ako maapektuhan sa kanya.

Pagpasok ko, agad namang napalingon sakin si Felix at dahan-dahang lumapit sakin.

"Frischia, please, let's talk." Pakiusap niya nung nakalapit na siya.

"No need." Walang gana kong sagot.

"I insist." Pilit niya kaya pumayag na rin ako. Mukhang wala na rin naman akong magagawa eh. Nacorner-an niya na ako eh.

Tumango ako bilang sign na makikinig ako.

"Remember when you visit me in my house because of my birthday?" Saad niya.

"Yeah. The time when I was about to surprise you because I thought you were sick but instead, I'm the one who was surprised." Sarkastiko kong sabi. Pinapaalala niya pa kasi eh. Yan tuloy, umandar na naman ang bitter mode ko.

"I know I was wrong that time. I was so drunk that time. I don't know what to do. My father wants me to manage our business in States. But I don't want to leave you that time so I was stucked in between. Mahal na mahal kita nun, and I don't want to give you up."

Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya.

"The day before I left to States, I realized na mas mabuti nang ganun. Na makita mo akong ganun. I know that you hate goodbyes. Me too, especially to you. I loved you before, and until now. Nung nalaman ko na hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend after me, I build another hope for us. I hope na sana mabalik natin yung dati." Nakikita ko yung mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Sorry to say, pero, hindi na pwedeng ibalik yung dati. Nasaktan ako, oo. Pero ngayon, ang puso ko, hindi na ikaw ang pinili nito." Sabi ko sabay walk out.

Tumakbo ako papuntang C.R. kasi feeling ko, may dalaw ako ngayon. F*ck this Dysmenorrhea! It really sucks!

Madali lang naman ako sa C.R. kaya bumalik na rin ako agad sa classroom. Habang papalapit ako, may nakita ako kumpol- kumpol na mga tao. Mga kaklase ata namin. Parang may gulo ata silang pinapanood sa loob ng room. Pagkakita ko sa tinitingnan nilang lahat, sobrang nashock ako dahil nagsusuntukan si Xander at Felix. Ano to? Battle of the past and the present? Joke!

Lumapit agad ako sa kanila at pinigilan sila. Nandun na rin ang mga kabanda ni Xander at mga barkada ni Felix.

"Back off, man! Ipinaubaya ko na siya sayo dati pero niloko mo lang! Tapos ngayon babalik ka at sasaktan na naman siya?! Hindi ko na hahayaan na masaktan pa siya ulit dahil sayo!" Sigaw ni Xander kay Felix sabay walkout.

Hinabol ko siya. Actually, naglalakad lang naman siya pero ang haba ng binti niya kaya ang bilis ng bawat hakbang niya. Tumigil siya dun sa bench sa ilalim ng puno.

"Xander, what happened?" Concerned kong tanong.

"May nagsuntukan. Yung gwapong Xander na mahal na mahal ka at yung lintek na Felix." Sarkastiko niya sagot.

"Kung hindi ka rin sasagot ng matino, hindi na lang kita kakausapin." Inis kong baling sa kanya.

Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang braso ko. Sign na ayaw niya akong umalis.

"Don't leave. I'm sorry." Medyo lumambot na ang expression niya habang sinasabi yun.

"Just tell me what happened, please?" Pakiusap ko.

"Nakita kita kaninang papatakbo sa C.R. galing sa classroom. Pagpasok ko sa classroom, nakita ko si Felix kaya alam ko na siya ang dahilan kung bakit ka umiiyak sa C.R." Paliwanag niya.

"H-ha? Umiyak ako?" Taka kong tanong. Hindi kaya ako umiyak kanina sa C.R.

"Actually, hindi ko talaga narinig. Pero ano ba ang usually na ginagawa ng mga babae pag tumatakbo sa C.R.? Diba umiiyak? Lalo pa at mukhang kinausap ka nung Felix na yun." Inis niyang galit na biglang nagpatawa sakin. What a misunderstanding!

"Hahahahahhahahahahahaha." Halakhak ko kaya nagtaka siya.

"What's funny? I'm serious here." Seryoso niyang sita sakin.

"Hahahaha. Namisunderstood mo kasi ang lahat!" Natatawa ko pa ring sabi sa kanya.

"What do you mean? I can't understand you." Naguguluhan niyang sabi.

"Hay naku! Totoo na kinausap ako ni Felix kanina sa classroom, pero hindi totoo na umiyak ako sa C.R. Actually, hindi ako tumakbo sa C.R. dahil sa kanya." Natatawa ko pa ring paliwanag.

"So, what's the reason?" Taka niya pa ring tanong.

"Women problems." Sabi ko sabay ngiting aso hahaha. Nagets niya naman din ata kasi napangiti rin siya eh.

"Oh, I see! Hahahaha. Sorry sa nasaksihan mong gulo kanina. By the way, anong sinabi sayo nung Felix na yun?"

"Ummm, about our past." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi pero I want to be honest with him.

"Ahhhh. Anong sabi?" Curious niya pa ring tanong.

"If we can bring back the past. Yung kami." Simpleng sagot ko. Hindi naman na din kasi ako affected

ngayon eh. Mas importante ang present than my past.

"Lintek naman oh! Bagay din pala sa kanya yung mga suntok na natamo niya kanina galing sakin." Namumula na naman siya ulit sa galit.

Hinawakan ko yung magkabilang mukha niya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. Lumambot ang expression niya dahil sa ginawa ko.

"Eto tandaan mo. Siya yung past, pero ikaw yung present. At mas importante para sakin yung present ko ngayon." Assurance ko para di na siya magalit.

"Asus! Kinikilig ako!" Kinikilig niyang sabi hahahaha.

"Tara na sa classroom.Baka nandun na yung teacher. Kanina pa nagbell eh." Nagmamadali kong yaya sakanya. Nakakatakot pa naman magalit yung first period teacher namin ngayon.    

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon