Chapter 23 (Part 1)

12 0 0
                                    

"Oh sh*t!" Sigaw ko nang may maramdaman akong malamig na tubig na umaagos sa mukha ko.

Pagkagising ko, nakita ko ang pilyang ngiti sa labi ni Stasia. May hawak siyang tabo.

"Stasia!" Sigaw ko sabay bangon at habol sa kanya sa baba.

Langyang kapatid ko! Binuhusan ba naman ako ng tubig habang natutulog?

"Ate! Sorry na. Kanina pa kasi kita ginigising pero sobrang sarap ng tulog mo! Kakain na kasi tayo." Sabi niya habang tumatakbo pa rin dahil hinahabol ko pa rin siya.

Dumiretso siya sa dining area at napatigil ako.

"Xander? What are you doing here?" Tanong ko nang nakitang kumakain siya sa dining table.

Nagsmirk lang ang loko at napansin kong tshirt ko yung suot-suot niya ngayon. Masyadong maluwang sakin ang tshirt na yun kaya hindi ko ginagamit madalas.

"Good morning, sleeping beauty." Bati niya at nagsmirk ulit.

Sleeping beauty? Alam kong maganda ako pero bakit sleeping beauty? Tumingin ako sa orasan at nakitang almost 12pm na pala.

"Hangover, huh?" Sabi niya at nagsmirk na naman sakin.

Hangover? OMG! Uminom pala ako kagabi. Kaya pala ang bigat bigat ng ulo ko ngayon eh. Kaya siguro mahimbing yung tulog ko.

"Why are you wearing my shirt?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Tss. Didn't you remember what you did last night?"

Last night? Ano bang ginawa ko kagabi? Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi.

Uminom ako, tapos nahilo ako, tapos dumami yung ulo ni Xander, tapos blurred yung paningin ko, tapos......................................

"OMG! I'm so sorry. Really sorry." Sabi ko at lumapit sa kanya with a guilty face.

Naalala ko lang naman na nasukahan ko pala yung damit niya kagabi. Bad Frischia!

"Okay lang. Let's eat." Yaya niya kaya naupo na rin ako.

Umupo na rin si Stasia at kumain kasama namin.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na agad si Xander. Pero inimbitahan niya kami ni Stasia na pumunta daw dun sa Cosmic's Bar mamayang 4pm dahil birthday ni Fritz. Sinabihan niya na rin ako na imbitahin ko rin sila Ella para mas masaya.

3 :45pm na at papunta na kami ni Stasia sa bar na tinutukoy ni Xander. Dumiretso kami dun sa V.I.P. room dahil yun ang sabi ni Xander.

Pagdating namin dun, nandun na sila Ella at ang mga barkada ni Fritz. Agad akong lumapit sa kanya at binigay yung regalo.

"Fritz, happy birthday. Eto yung gift namin ni Stasia for you." Sabi ko sabay abot ng regalo namin sa kanya.

"Oh, thank you." Sabi niya at tinanggap yung regalo ko.

Tumabi na agad kami sa kanila Weign. Kasama nila Weign at Reign ang mga dates nila. Napansin ko na uminom na rin pala sila.

"Ahm. Dahil kumpleto na ang barkada, nais ko sanang batiin ang matalik kong kaibigan na si Fritz ng isang Maligayang kaarawan, bro." Sabi ni Xander habang hawak-hawak ang microphone.

Ngumiti lang si Fritz kaya pinagpatuloy na ni Xander ang pagsasalita.

"Bro, dahil birthday mo, pwede bang kumanta ka?" Request ni Xander at tumawa.

Tinitigan lang siya ng masama ni Fritz at umiling.

"Sige na, bro." Pilit nila Weign.

"No." Matigas na sabi ni Fritz.

"Sige na, Fritz. Please." Pilit ko sabay puppy eyes.

Nagulat ako nung bigla na lang siyang tumayo at umakyat dun sa mini stage sa harap at kinuha yung mic. Mula kay Xander.

Katabi ko na ngayon si Xander habang hinihintay naming magsimula yung kanta ni Fritz.

"Unang beses siyang kakanta ngayon sa maraming tao. Ano kaya ang dahilan kung bakit pumayag siya?" Bulong ni Xander samin.

"Kaya nga eh. Dati, kahit anong pilit natin, hindi talaga yan papayag." Sang-ayon namin ni Reign.

Tumahimik kaming lahat nung nagsimula na siyang kumanta pero bakit nakatingin siya sakin? Nagandahan siguro sakin! Hahaha.


Buti nalang at may nakahanda nang gitara kaya umupo siya dun sa mataas na upuan at tumugtog.

"Why Can't It Be by Nina"

You came along, unexpectedly

I was terrified

In my little world

Baby, please don't get me wrong

Cause I'm not complaining

But you see,

You're my mind's spinnin'

So why can't it be?

Why can't it be the two of us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along at a wrong place,

At a wrong time

Was it be

Baby, I dream of you every minute

You open my dreams,

And you're always in it

That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours

But only 'til I wake up

Why can't it be?

Why can't it be the two of us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along at a wrong place,

At a wrong time

Was it be.

That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours

But only 'til I wake up

Why can't it be?

Why can't it be the two of us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along at a wrong place,

At a wrong time

You came along at a wrong place,

At a wrong time

Was it be.

Why can't it be?

Ang galing niya pa lang kumanta. For the first time ko siyang maririnig kumanta ngayon at nagkagoosebumps ako. May pagkakaparehas sila ng boses ni Xander pag kumakanta.

Pero bakit habangkumakanta siya, pakiramdam ko, nakatingin siya sakin? Na parang dinededicateniya yung kantang yun para sakin. But everytime I look at him, nahuhuli kosiyang umiiwas ng tingin.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon