Chapter 19 (Part 1)

12 0 0
                                    

Intrams namin ngayon! Excited na ako! Wahahahaha Go Yellow Tigers! Syempre may sinalihan din akong games ngayong intrams. Boring kasi kung audience ka na lang palagi. So boring!

Nasa school ako ngayon kasama na naman si Xander. Yung mga School officers, busy pa sa paghahanda ng gymnasium. Maaga pa kasi kaya hindi pa sila tapos sa pagdedecorate.

"First time kong magintrams dito sa school nyo. Masaya ba mga intrams nyo dito, Frisch?" Tanong ni Xander sakin.

"Base sa mga past intramurals dito sa school, masaya naman. Basta may sasalihan kang contest. Boring kasi pag audience ka lang eh." Sagot ko sa tanong niya.

"Anong team mo nga?" Tanong ko.

"Blue Eagles." Nakangiti niyang sagot.

"Woah! Nakagrand slam na yang team nyo last year!" Gulat kong sabi sa kanya.

"Hahaha yun nga yung narinig ko sa ibang kaklase natin eh." Proud niyang sagot.

"Hahahaha pero sorry ha? Balita ko kasi, Yellow daw magchachampion ngayon at sa mga susunod pang taon!" Proud ko ring sagot hahaha.

"Hala! Mali-mali pala yang mga balitang naririnig mo. Or baka, mali ka lang talaga ng pagkarinig sa mga balita na tinutukoy mo. Mura lang ang cotton buds, Frisch." Sabi niya sabay tawa kaya pinalo ko siya sa braso.

"Ouch!" React niya agad.

"Ouch agad? Sobrang hina nga lang nun eh! Mas malala ka pa sa babae!" Pang-iinis ko sa kanya hahahaha.

"By the way, maiba tayo. Anong contests ang sinalihan mo?" Tanong ko.

"As usual, basketball pa rin. Tyaka napili rin akong Mr. Blue ngayon. Ikaw?" Tanong niya rin.

"As usual din, Badminton and Academic contest." Tipid kong sagot.

Naglalakad pa rin kami nang biglang nakita namin si Weign na may kahalikan na babae. Nasa benches sila banda kaya walang tao. Grabe! Ang aga-aga tapos yan na agad ang inatupag? Nagkatinginan na lang kami ni Xander at tumawa. Mukhang hindi naman yun napansin ni Weign kaya lalapit sana siya pero pinigilan ko na.

"Bakit?" Taka niyang tanong.

"Hayaan mo na silang mag enjoy. Wag ka nang umepal. Tara na." Natawa nalang siya at sumunod sakin.

Mamaya na yung sports competition namin sa badminton and basketball. Bukas naman yung academic contest. Hindi naman ako masyadong kinakabahan kasi sanay na ako eh. I even competed before in the national competition. Ngayon pa ba ako kakabahan?

"Mamaya na yung contests natin ah. Bakit parang hindi naman ka naman nagpractice?" Nagtataka niyang tanong.

"Sawa na si coach na makita akong manalo kaya excempted ako sa mga practices. Pwede ako magpractice anytime I want. Magaling naman daw kasi ako eh." Simpleng sagot ko. It sounds like, nagyayabang ako? Hahaha totoo naman kasing sinabi yun ni sir sakin eh.

"Ow. Ang humble mo naman hahaha." Sarcastic niyang sabi.

"What? I'm just telling the truth." Sabi ko with a matter of fact tone.

Nagtawanan nalang kaming dalawa pagkatapos nun. Crazy, right? Hahahaha.

Malapit na palang magsimula ang program. Lahat ng representatives sa bawat teams ay pupunta sa harap at maglilead sa harap ng stage ng tungkol sa paglaban ng tama. Di ko alam tawag dun basta may babasahin lang yung teacher sa stage tapos nakataas yung kanang kamay namin na parang nagrerecite ng 'Panatang Makabayan'. Tapos after nun, magsisindi kami ng bonfire sa gitna ng gymnasium.

As usual, ako na naman ang napiling representative para sa Yellow team. Kakatamad kaya pumunta ng stage. Naku po!

Pumunta na kami ni Xander sa loob ng gym nang iannounce na nung emcee na malapit na daw magsimula ang program. Si Xander din pala ang representative ng Blue team. What a coincidence naman diba? Hahaha.

Pagdating namin sa gym, napansin namin na marami na pala talagang mga nakaupo sa kani-kanilang mga teams. By team kasi yung pwesto dito eh.

Blue Team- Right side of the bleachers.

Green Team- Left side of the bleachers.

Yellow Team- Right side of the other bleachers.

Red Team- Left side of the other bleachers.

Orange Team- Back part of the gymnasium.

Pero dahil pupunta pa kami mamaya ni Xander sa harap ng stage, hindi muna kami pumwesto sa mga teams namin. Pumunta na kami agad sa backstage para maghanda. Nagpalit na rin kami kanina ng damit bago nagtungo dito sa gym. I'm wearing my team t-shirt and very short fitted shorts. Ganun daw kasi dapat eh. While Xander is wearing his team t-shirt ang his jersey shorts. Ang hot lang diba? Hahaha.

"Frisch, ang iksi ng shorts mo." Puna niya sa short ko.

"Shorts nga diba? Magtaka ka kung nakashorts ako pero abot hanggang talampakan." Sarkastiko kong sagot sabay tawa. Pero napansin kong di siya natawa kaya tumigil na lang din ako.

"Not funny. I'm serious here." Seryoso niyang sagot. Gosh! Nakakatakot siya pag seryoso.

"Okay, I'm sorry for being sarcastic. By the way, ito talaga yung required ng school na suotin ng mga girls na member ng varsity sa ganitong sport. Even in volleyball." Sagot ko na totoo naman talaga.

"Baka kasi mabastos ka eh." Aww, ang sweet. Concerned pala talaga siya.

"Sus, hindi naman ito ganun kaiksi para masilipan ako. Hindi ko naman to susuotin kung alam kong makikitaan ako diba?" Sabi ko para di na siya masyadong magworry sakin.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon