Chapter 25 (Part 2)

14 0 0
                                    

"H-huh?" Runaway? San naman kaya?

Hindi pa ako pumayag pero hinila niya na naman ako. Bakit ba lagi niya nalang akong hinihila ngayong araw? Kakainis!

"H-huy, Xander! San ba tayo pupunta? May klase kaya!" Sabi ko habang sumasakay sa kotse niya.

"Surprise nalang. Basta I'll assure you that you'll enjoy this day." Sabi niya at humarurot na paalis.

Huminto ang sasakyan niya sa isang Amusement Park. Maraming puno dito pero pansin ko na maraming rides sa loob.

"Tara?" Yaya niya habang inaabot ang kamay para makababa ako ng maayos sa kotse niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya habang papasok sa amusement park. Pero pano yung class namin?

"Gusto mo sakay tayo dyan sa Ferris wheel?" Tumingin ako sa tinuturo niyang ferris wheel at lumaki yung mata ko dahil sobrang taas nito.

"Ahm. Wag nalang kaya. Sa ibang rides nalang tayo." Naghehesitate kong sabi sa kanya.

"Yan nalang. Please." Pakiusap niya with puppy eyes.

"Ayaw." Sagot ko.

"Bakit?" Tanong niya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Takot ata siyang umalis ako hahaha.

"Basta." Sabi ko with hesitation. Nakakahiya sabihin yung dahilan kung bakit eh.

"Afraid of heights?" Tanong niya na may ngiting aso sa mukha niya.

Tumango lang ako ng dahan-dahan kasi nga nakakahiya. Akala ko tatawa siya pero hinawakan niya lang yung dalawang kamay ko at hinuli yung tingin ko.

"Don't be afraid. I'm here. I won't let you get hurt again." Sabi niya at dahan-dahan akong hinila papasok sa Ferris wheel.

Ewan ko pero kahit sa simpleng sinabi lang niya, I feel safe. Nabawasan yung takot ko kasi alam kong kasama ko siya. Pakiramdam ko talaga, poprotektahan niya ako kahit anong mangyari. Am I really falling in love with him now?

Habang nasa loob kami ng ferris wheel, nakatitig lang ako sa kanya. This man in front of me now, siya yung dahilan kung bakit ako nagbago. Kung bakit, nabuksan muli yung puso ko. He's my knight in shining armor.

"F-frisch, tara na! Baka matunaw na ako sa kakatitig mo dyan! Hahaha." Nagising ako sa pagdiday dream dahil sa pagtawag niya.

Kanina pa pala huminto tong ferris wheel at hinihintay niya nalang akong bumaba. My gosh! So embarrassing.

Imbes na magalit sa kanya, agad nalang akong bumaba at tahimik na naman. Bakit parang napipi ako ngayong araw dahil sa kanya? OMG! Baka naputol na dila ko.

Sumakay pa kami ng iba't ibang rides pero lagi lang akong nakatitig sa kanya. At maraming beses niya na ring nahuli yung mga titig ko pero agad akong umiiwas.

Nang makaramdam kami ng pagod, naisipan nalang namin na bumili ng makakain at umupo sa bench malapit sa puno.

"X-Xander, Bakit mo naisipang magcutting class ngayon?" Nagtataka kong tanong. Alam ko naman na importante yung pag-aaral niya sa kanya kahit papano.

"I just want to make you happy for this special day." Nakangiting sabi niya habang kumakain ng fries.

"Thank you, Xander ha? Sobra." Sabi ko dahil sobrang naging masaya ako ngayon because of him.

"Basta para sayo, I'll do everything. Kahit ngayong huling araw nalang." Sabi niya na medyo lumungkot yung expression.

"H-huh? Huling araw? What do you mean?" Nagtataka kong tanong. I'm so clueless.

"W-wala. Sige kain ka na." Kahit curious ako kung anong ibig niyang sabihin dun, kumain nalang ako. Baka nagbibiro lang tong loko na to.

Gumagabi na kaya tingin ko, ihahatid niya na ako pauwi.

"Hindi pa tayo uuwi?" Tanong ko sa kanya nang mapansing ibang direksyon ang tinutungo namin.

"Hindi pa. I still have one special gift for you." He said while smiling ear-to-ear.

Hinayaan ko na lang siya hanggang sa huminto yung kotse niya dito sa lugar na pinuntahan namin noon. Kung saan ko inilabas ng galit ko dun sa tatay ko. Dito sa lugar kung saan tanaw na tanaw ang buong city.

"Bakit nandito tayo?" Takang tanong ko.

"Gusto ko kasing mag star gazing." Simpleng sabi niya habang nilalapag ang isang malapad na tela sa damuhan.

Humiga siya doon at pinahiga rin ako dun. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko dito sa mga insektong nagkakagulo sa tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sobrang sayang nangyari sakin ngayong araw o dahil sa lalaking katabi ko ngayon.

Nakatingala lang siya habang tinitingnan ang langit. Samantalang ako, mukha niya ang pinagmamasdan.

His perfect and angelic face, his pointed nose, his perfect curved lips, his beautiful eyes, ang suwerte ko naman dahil ako ang napiling mahalin ng lalaking to. I was smiling like a crazy woman while looking at him intently.

I woke up from admiring his beautiful face when he suddenly turn his gaze on me.

"Natutulala ka na naman sa kagwapuhan ko." Sabi niya at natawa.

Oh my gosh! Am I really that obvious?

"Nangarap ka na naman Mr. Aaron Patrick Alexander Lewis." I said while I rolled my eyes.

"You know, every time you call me with my name, it just feels so good. Actually, every word you say is very special for me." He said while holding my cheek.

I was left speechless by his words.

"I love you so much Frischia Alexandra Gale Cruz."

I froze when he said those words. He is already very close to me, and I can already feel his breath that bring shivers all over me.

"I love you too Aaron Patrick Alexander Lewis." I said, then he kissed me.

-

Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay ko. Gabi na rin kaya kailangan ko na talagang umuwi.

Bababa na sana ako ng bigla niya akong pigilan.

"Frisch, wait." Sabi niya.

"Ha? Bakit?" Sabi ko at humarap sa kanya.

"Always remember, I love you before, now, and forever. Kung darating yung araw na masaktan kita, I hope you'll forgive me. Kasi lahat ng gagawin ko, para sayo lahat ng to."

"Para kang nagpapaalam! Hahaha Aalis ka ba?" Biro ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at iniba yung topic.

"Basta, mamimiss kita ng sobra. I love you so much." Sabi niya kaya ngumiti ako.

"I love you too." Sabi ko rin kaya ngumiti na rin siya.

Dahan-dahang lumapit yung mukha niya sa mukha ko kaya naramdaman ko na nagwawala na naman yung mga insekto sa tiyan ko. Nagtayuan din ang mga balahibo ko at sobrang tindi ng tibok ng puso ko.

Is he going to kiss me again?

Bago ko pa masagot ang tanong kong yon, naramdaman ko na ang malambot niyang labi na lumapat sa labi ko. OMG! Nanlaki ang mga mata ko pero dahan-dahan na rin akong pumikit upang damhin yung moment. Naks! Hahaha.

Nung humiwalay siya sa halik, idinilat ko na rin ang mga mata ko at nagpaalam na sa kanya.

"Bye. Ingat sa pagdadrive." Paalam ko at bumaba na sa kotse niya.

"Bye!" Sabi niya at umalis na.

Habang tinatanaw ko ang sasakyan niya sa malayo, napaisip ako.

Anong status namin? Kamina ba? Bakit ko nakalimutang itanong yun? We're so complicated!

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon