Chapter 23 (Part 2)

12 0 0
                                    

(Fritz POV)

That song. That song was really for her. For the first time, kumanta ako sa harap ng marami. Ewan ko ba, pero nung nakita ko siyang nakiusap sakin, yung pagpilit niya sakin na kumanta, yun yung dahilan kaya naisipan kong kantahin yung kantang yun. The song was old. Pero sa sitwasyon namin ngayon, that song suites us.

While singing, ramdam na ramdam ko yung kanta eh. Muntik na ngang tumulo yung luha ko pero pinigilan ko lang. Nakatingin lang ako sa kanya kanina. Mahirap pala talagang itago yung pagtingin mo sa taong mahal mo, lalo na kung malapit lang siya sayo at halos abot-kamay mo na siya.

Gusto kong aminin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. But I know na hindi pwede. Na wala na akong pag-asa. May Xander na siya eh. At ang isang Fritz Arthur John Gomez, ay isang kontrabida kung sasali pa ako sa kwentong alam ko naman, na silang dalawa ang bida.

Ang sakit. Ang sakit makita ng babaeng mahal mo sa piling ng lalaking mahal niya, at nagmamahal sa kanya. But I would keep this pain that I feel in my heart for them to be happy.

Sobra ako magmahal kaya alam kong maswerte yung babaeng mamahalin ko. But I also know when to stop loving someone. Alam ko kung kailan bawal na. Ngayon, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko pa rin Si Frischia Alexandra Gale Cruz. But I won't be selfish. I would sacrifice my happiness for the happiness of the woman I love.

I know how intense Xander's love for her. Kaya alam kong magiging masaya sila.

Buong gabi, kumain lang kami, uminom at kumanta. Hindi masyadong marami ang tao ngayong birthday ko. I only want to celebrate my birthday with my close friends. My friends, and Frischia's friends and sister are the only people here.

Hindi ko inexpect na may regalo pa pala para sakin si Frischia. Sa katunayan lang, her presence is all I ask for. But of course, I will really treasure this gift from her.

(Xander's POV)

*Flashback*

"Tingin ko bakla yang si Fritz." Kantyaw ni Weign habang nagpapractice kami sa bahay nila.

Tiningnan lang siya ng masama ni Fritz at bumalik sa pagstrum ng kanyang guitar. Nakakatawa nga eh. Kasi he's practicing this certain song entitled, "Why can't it be by Nina". Kanino naman kaya niya to dinededicate? Siguro inlove tong isang to.

"Eh bakit wala kang babaeng nagugustuhan?" Nang iinis pa rin na sabi ni Reign.

Hindi siya sumagot kaya nagfollow up question naman ako.

"Have you ever liked someone in your entire life?" Nagtataka kong tanong.

"Yeah." Simpleng sagot niya at tumabi na rin samin sa sofa.

"Talaga? Who's this lucky girl?" Curious din na tanong ni Weign.

"She's a great girl. Almost perfect. Maganda, sexy, matalino, magaling sa maraming bagay. She's like a Goddess." Describe ni Fritz dun sa babae.

"Sino nga?" Kulit pa rin ni Reign.

"Her name is private. I can't tell." Sagot niya. Sayang naman! Excited na kaming lahat tapos bibitinin lang niya?! Unfair!

"Yang pinapractice mo ba na kanta everytime, is that for her?" Tanong ko naman. Hindi ko nalang siya pinilit na sabihin yung name nung girl kasi alam kong hindi talaga siya napipilit pag ayaw niya.

"Yes. This is for her." Sagot niya.

"Kung gusto mo siya, why don't you show and tell her?" Tanong naman ni Reign. Sabagay, may point naman yung tanong niya.

"Hindi na pwede." Simpleng sagot lang niya.

"But why? May boyfriend na ba siya?" Tanong naman ni Weign pero umiling siya.

"Then why? May mahal na siyang iba?" Tanong ko and he nodded.

So that's the reason why he's singing that song. Kawawa naman pala tong kaibigan namin. First time na nga lang magmahal, dun pa sa taong may mahal nang iba. Tsk tsk tsk. Buti pa ang lablayp ko hahaha.

*End of Flashback*

Kanina pa paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang conversation na ito namin nila Fritz noon.

Birthday niya ngayon, but I was so distracted. Bakit? Dahil nakatitig siya sa babaeng mahal ko. Kay Frischia.

Ano bang meron? Is she the girl he was talking about? Para sa kanya ba yung kantang pinag-aaralan ni Fritz noon pa? Kaya ba sabi niya samin dati na hindi niya pwedeng ligawan yung babaeng mahal niya dahil may mahal na itong iba?

Sobrang misteryoso ni Fritz, but I need to confront him. I want to confirm my suspicion from him. I want to know the truth.

"Fritz, let's go to the parking lot. I need to talk to you." Sagot ko at agad na nagtungo sa parking lot. Nakita kong sumunod siya kaya dumiretso lang ako.

Pagdating niya, nakasunod din sila Weign at Reign. Mabuti na yun para malaman din nila kung ano ba talaga ang totoo.

"Ano yun, pre?" Tanong sakin ni Fritz.

"Is she the girl?" Straight forward kong tanong dahil ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.

"W-who?" Nauutal niya tanong. But I guess, he knew the person we are talking about here.

"Si Frischia ba? Siya ba yung babaeng mahal na mahal mo?!" Di ko na napigilang isigaw yun dahil nauubos na ang pasensiya ko.

He was shocked. I saw it on his face. Dahan-dahan siyang tumango kaya agad ko siyang sinuntok.

"Lintek, pre! Alam mong mahal ko siya, tapos minahal mo rin?!" Sigaw ko pero di ko na siya nasuntok ulit dahil hawak-hawak ni Weign ang dalawang braso ko.

"Hindi ko pinili na siya yung mahalin ko! I just felt it! At kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, hindi ko kaya kasi hindi naman kayang maturuan ang puso diba?!" Sigaw niya habang tinutulungan siya ni Reign na makatayo.

"Kahit na! Sana sinabi mo agad sakin!" Sigaw ko pa rin.

"Para ano? Para ilayo mo siya sakin?! Ayoko! Tyaka ano pa bang kinakagalit mo?! Diba nga hinayaan nalang kita na manligaw sa kanya? Hindi na ako sumingit diba? Alam kong nauna ka! Kaya masaya na ako na kahit hanggang kaibigan lang kami!" Sigaw ulit ni Fritz.

"Nagparaya ako tol, parasayo! Kasi kaibigan kita! Alam ko kung san ako lulugar! Hindi ako eepal sa lovestory nyo. Pero sana, hayaan mo akong maging kaibigan lang siya. Sana ngayongalam mo na ang katotohanan, sana hindi mo siya ilayo sakin." Pakiusap niya atdumiretso na sa kanyang sasakyan at umalis.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon