Chapter 16 (Part 1)

16 1 0
                                    

(Frischia's POV)

"Good morning world!" Sabi ko pagkatapos patayin yung alarm clock ko.

Tiningnan ko sa phone ko kung anong date na. Tama! Birthday ko na pala.

"Happy Birthday to me!." Ako na lang ang magigreet sa sarili ko. Baka kasi nakalimutan nila eh.

It's still 5:00am pero gising na ako. I'm sure gising na rin si Stasia sa kwarto niya. Mas excited pa yun sakin eh hahaha. Kailangang maaga magising ngayon kasi ngayon kami pupunta sa beach na tinutukoy nila. Sabi ni Rufi, aabutin daw kami ng 3 hours sa byahe kaya kailangan naming maaga pumunta dun.

Nagready na lang muna kami ni Stasia habang hinihintay yung sasakyan nila Rufi. Siya daw kasi magsusundo samin dito eh. Kagabi pa din namin natapos lahat ng bagahe namin.

*Beep beep*

"Baka si ate Rufi na yun. Tara na!" Nagmamadaling sabi sakin ng kapatid ko.

Tama nga. Nandyan na sila Rufi at naka van pa. Madami bang sumama?

Sinalubong kami ni Rufi sa gate.

"Good morning, Frischia and Anastasia." Bati niya samin ng kapatid ko.

Binuksan niya yung pintuan sa gilid at nakita kong kasama rin pala ang buong banda nila Xander.

"Group party ba to?" Pang iinis ko. Hahaha.

"Frisch naman! Kailangan ko lang talaga ng makakasama." Reklamo ni Rufi.

Tumawa na lang ako at pumasok na kami sa van. Marami pang space sa likod pero mahirap bumaba galing dun. Kaya dito na lang ako sa second seat kasama si Xander. Nagtaka ako nung sa likuran umupo yung kapatid ko. Ano to? Gusto nyo talaga kaming ipagsamang dalawa?

Ngumisi si Xander sakin sabay sabing, "Good morning, Ms. Beautiful."

Hindi ko siya pinansin at bumaling na lang ako kay Stasia.

"Stasia, lipat ka dito sa tabi ko." Utos ko sa kanya.

"Eh ate, malamig dyan. Mahihilo lang ako." Reklamo niya.

"Kailan ka pa nahilo sa byahe? Diba nga kahit ilang oras, kahit dumikit pa yang ulo mo sa aircon, di ka nahihilo?" Nagtataka kong tanong.

"Ate, people change." Depensa niya.

Hindi na lang ako nakipagtalo. Obvious naman na gusto nila kaming ipagsama ni Xander eh. Mga baliw talaga.

Nilagay ko nalang ang earphones ko sa magkabilang tenga at sumandig sa upuan sa likod ko para matulog muna.

"Frisch, pwede mo namang isandal ang ulo mo sa balikat ko para di ka mahirapan. I won't mind naman eh. " Alok ni Xander.

"No thanks. I can manage." Pagtanggi ko sa alok niya.

Buong byahe akong natulog kahit na naramdaman ko na isinandal ni Xander yung ulo ko sa balikat niya at umakbay siya sakin. Ang hilig manantsing, pero hinayaan ko nalang. Antok ako eh.

Narinig kong huminto yung van na sinasakyan namin kaya medyo sumilip ako pero di ko pinahalatang gising na ako. Bumaba na yung iba naming mga kasama pero si Xander, hindi pa rin gumagalaw. Kami na lang ata dalawa ang natira dito sa van eh.

Babangon na sana ako para makababa na siya nang bigla siyang bumulong.

"Kahit masungit ka, mahal na mahal pa rin kita." Bulong niya pero narinig ko ng sobrang linaw.

Ano? Mahal niya ako? Mahal na mahal niya ako? Totoo ba to? Baka nananaginip lang ako.

Dahan-dahan akong bumangon at nag-inat ng aking mga kamay. Nagkunwari akong walang narinig.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon