Chapter 16 (Part 2)

15 0 0
                                    

Bumyahe na naman kami ulit ng halos dalawang oras at sa wakas, nandito na rin kami sa napakagandang beach resort. One word can describe this resort. Just 'WOW'. Sobrang ganda niya. Ang puti nung buhangin, sobrang blue ng dagat, sobrang relaxing ng paligid.

"Woah! Ang ganda guys!" Baling ni Stasia samin.

"Kumuha muna tayo ng bahay na pwede nating mastay-an dito." Instruction ni Rufi samin.

Sumunod naman kaming lahat sa kanya patungo sa caretaker ata. Si Xander yung may dala nung mga bagahe ko kaya hindi ako nahihirapan ngayon.

Nang nakakuha na kami ng pwedeng mastay-an dito sa resort, inayos na muna namin yung mga gamit namin. May dalawang kwarto tong bahay. Isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki.

Pagkatapos naming mag ayos, nagpahangin muna kami sa malapit sa dalampasigan.

"Hi Babe." Masaya pero may landi sa boses nung babaeng bumati.

Napalingon kaming lahat sa kung sino man yung nagsalita sa aming likuran at nalaman na si Marissa pala yun. Siya yung babaeng tumawag sakin na malandi last time. Ang kapal naman ng mukha niya para sundan kami dito.

Hindi siya pinansin ni Xander kaya umupo siya sa tabi nito. So parang tinulak niya ako sa pwesto ko dahil kaming dalawa ni Xander ang magkatabi tapos bigla siyang pumagitna samin.

Nagulat ako, samantalang si Xander, naiiritang tumingin sa kanya.

Nakabikini siya ngayon na stripe black ang white. Woah! Pasexyhan ba ang laban ngayon? Kasama niya pa yung mga alipores niya na nilalandi na rin yung mga kabanda ni Xander.

"Ahm!" Baling niya sakin. "Bakit hindi ka pa nagpapalit ng swimming clothes mo, Frischia? Baka nahihiya ka lang na ipakita yang bilbil mo." Pang-iinis niya sa akin.

Inisnob ko lang siya at nagtungo sa bahay na nirentahan namin. Sumunod namin sakin sila Stasia, Ella, Rufi at Jeyves. Nakita kong napalingon yung mga boys samin kaya sinenyasan ko lang sila ng 'wait'.

"Ate, dapat magpalit na tayo ng bikini natin. Para mapakita mo kung sino yung mas sexy sa inyo. I'm sure, mapapahiya siya mamaya pag nakita kang nakabikini na." Sabi ni Stasia.

"Tama!" Sabi rin nung mga kaibigan ko.

Nagshower muna ako at nagpalit na ng bikini na binili namin kahapon. Yung plain red bikini yung napili kong suotin ngayon. Napanganga lahat ng kaibigan ko maging ang kapatid ko nung nakita akong nakabikini.

"One word can describe you, Frisch. WOW." Nakanganga pa ring sabi ni Ella.

"Maganda ba?" Nakoconscious kong tanong.

"Perfect!" Sabay- sabay nilang sagot.

Nagbihis na rin sila ng kani-kanilang mga susuotin pang swimming. Ako naman, Sinuot ko yung white see-through dress ko na hanggang tuhod para mas lalong attracting. Nilugay ko lang yung Wavy hair ko para mas bumagay sa suot ko.

Pagkalabas namin dun sa bahay, lahat ng makakasalubong namin ay napapatingin at napapatulala samin.

Nung malapit na kami dun sa apat na nilalandi ngayon nung apat na linta, napalingon sila agad samin at napanganga. Pati yung apat na linta, naspeechless samin hahaha.

Dahan-dahan kong hinubad yung white see-through dress ko at pinahawak kay Jeyves saka ako lumapit kanila Marissa.

"Ito ba ang sinasabi mong may bilbil?" Sabay himas sa sexy kong katawan. "Sa hot kong to? Hahahaha. Tingnan mo nga sila oh!" Sabay turo sa mga taong nakatulala pa rin sa kin at sa kanila Xander. "Hindi pa rin sila makarecover sa hotness ko. Nganga agad sila paglabas ko. Eh nung dumating ka, naumay lang sila agad. Parang wala lang naman din kasing pinagbago ang damit mo eh. Kahit san ka magpunta, parang laging summer. Lagi kasing kulang sa tela ang mga sinusuot mo. Kahit ba may snow, ganyan pa rin ang suot mo?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"How dare you?!" Sabi niya at akmang sasampalin ako pero pinigilan siya ni Xander.

"Sige, subukan mo! Subukan mong idikit ang kamay mo sa mukha niya, at mananagot ka sakin!" Sigaw ni Xander sa kanya kaya hindi niya naituloy ang pagsampal niya sana sakin.

Nakita kong namumula na sa galit si Xander pati na rin yung ibang kasama niya kaya umalis na lang sila Marissa dahil sa hiya.

Ngumisi ako dahil nakaganti na rin ako dun sa Marissa na yun. Nawala ang ngisi ko nang biglang bumaling sakin si Xander at nakakunot pa rin ang noo.

"What are you wearing?" Inis na tanong niya sakin.

"Ummm.. Swimwear I guess. Isn't it obvious?" Sarkastiko kong tanong pero takot na rin ako deep inside.

"Change." Utos niya.

"Change?! Anong gusto mong suotin ko? Magpajama?!" Inis ko ring depensa.

"Mas mabuti na yung ganun." Ang sungit niya pa rin.

"Ayoko! Magsuswimming ako ng ganito!" Sabi ko at nagtungo na sa dagat. Kanina ko pa gustong maligo eh. Wag siyang KJ.

(Xander's POV)

Grabe! Ang tigas talaga ng ulo ni Frischia. Ayoko talaga na magsuot siya ng mga ganun kasi maraming magnanasa sa kanya. Ngayon nga, lahat na ng lalaki napapalingon eh. Pati tong mga kaibigan ko, di mawala ang titig sa kanya. Dukutin ko mga mata nila eh! Kainis!

"Bro, pag ayaw mo na sa kanya, akin na lang ha?" Baling sakin ni Weign.

"Ang hot niya tol!" Singhal naman ni Reign.

"Alam niyong sobrang taas ng standards ko sa mga babae. Pero nalampasan niya pa yun lahat ng standards na gusto ko. She's freaking hot." Nagniningning ang mga mata ni Fritz while saying that.

"Back off! She's mine! Wag kayong mang-agaw!" Galit kong sabi sa kanila.

"Chill! Pinupuri lang naman namin siya eh. Tyaka totoo naman." Pagpapahinahon sakin ni Weign.

"Isa pang salita nyo, mapupuruhan talaga kayo sakin." Pagbabanta ko pa rin sa kanila.

Nagtaas ng kamay ang tatlo na parang sumusuko sa mga pulis. Epic ang mga reaction nila pero di ko magawang tumawa dahil naiinis pa rin ako sa suot ni Frischia.

Nagpalamig nalang munaako ng ulo at nagswimming na rin. Natanaw ko kasing nagkakasiyahan silaFrischia sa dagat kaya lumapit ako. Di naman ako KJ noh! Tyaka kailangan kosiyang bantayan. Baka may mga umaligid pa sa kanyang mga lalaki eh.    

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon