Chapter 19 (Part 2)

15 0 0
                                    

Napansin ko namang medyo naging comfortable na rin siya. Buti naman. At nagsimula na nga ang program.

"Good morning ladies and gentlemen.................." Madami pang sinabi yung emcee pero di na ako nakinig. Hinintay ko na lang na tawagin na kami nung emcee.

Nagtaka ako nung biglang may papalapit saking Yellow Team moderator.

"Hi. You're Frischia Alexandra Gale Cruz, right?" Ngumiti yung teacher sa akin kaya tipid din akong ngumiti sa kanya at tumango.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ikaw kasi yung napili namin to represent our team para sa Mr. and Ms. Intrams. Nagkasakit kasi yung napili namin dati eh. Is it okay with you?" Nagulat ako kasi sobrang hindi ko inexpect yun. Nung una, nagdadalawang pa ako. Pero naalala ko na lang na kasali rin pala si Xander dito. Siya yung representative ng Blue Team. Kaya at the end, pumayag na rin ako. Tuwang- tuwa yung teacher.

"Oh my gosh! Salamat at pumayag ka. By the way, may practice mamayang 4pm sa Room 301. Wala ka nang kailangan intindihin sa susuotin mo, sa make-up, at sa iba pa. Kami na ang bahala dun. Ang kailangan mo lang gawin, ay rumampa ng taas-noo at yung question and answer portion." Habilin sa akin nung guro.

"Okay, ma'am. Thank you po." Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na rin siya.

Hindi naman masyadong problema sakin ang rampa rampa na yan. I've joined different contests like that before. Kaya may idea na ako sa gagawin ko. Naisip kong hindi ko muna ito sasabihin kay Xander. Surprise nalang hahaha.

Buti na lang at umalis si Xander saglit nung kinausap ako nung teacher. May nakalimutan daw kasi siya sa locker niya eh.

Natanaw ko na papalapit na siya rito. Sakto naman na pagdating niya, tinawag na kami nung emcee.

Madaming sinabi yung emcee habang nakataas yung kanang kamay namin. Ang sagot lang naman namin ay puro 'I do'. Parang kasal lang? hahaha. Hindi na ako masyadong nakinig kaya hindi ko namalayan na tapos na pala yun at nandito na kami sa back stage.

"Tara na?" Yaya ni Xander. Kailangan na kasing pumwesto ng lahat ng sasali sa sports contests eh. Lahat ng sports ay may kanya-kanyang court. Pipili nalang ang audience kung anong sports yung gusto nila panoorin at pupunta sa court nung sport na yun.

Nandito ako ngayon sa Basketball Court para panoorin ang game nila Xander. First game kasi sila eh. Kasama ko naman ngayon sila Ella, Rufi, at Jeyves. Mamaya pang 10pm yung laban ko eh kaya, dito muna ako. Support lang hahaha.

Nasa bleachers na kami ng gym at nakita kong madaming manunood sa game nila Xander ngayon. At as usual, may mga dala pa ring banners yung karamihan at may mga nagbubulung-bulungan pa rin tungkol sa kung ano ba talaga ang relasyon namin ni Xander. Hindi ko nalang yun pinansin at tinuon yung atensyon ko sa laban nila Xander. Nagsisimula na kasi yung game. Blue Team vs. Red Team. Parang kulay lang ng flag diba? Hahaha.

Nagchicheer din itong mga kaibigan ko dito sa aking tabi. Nakakatawa nga kasi with matching talon-talon pa sila at may ginawa pang cheer dance para sa team nila Xander hahahaha. Si Xander naman, halatang tuwang-tuwa sa mga pinanggagagawa ng mga kaibigan ko. Pero kinikilig talaga ako sa tuwing kumikindat siya sakin pag nashushoot niya yung bola.

*kriiiiiiiing*

Tunog yun na naghuhudyat na timeout muna. Nakita kong nagpupunas si Xander ng face towel sa kanyang pawis. Nagulat na lang ako dahil nagvibrate yung phone ko sa bag. Tiningnan ko agad yun. Baka importante kasi.

From: Xander

Please cheer for me.

Nagulat naman ako sa tinext niya. Nadisappoint ba siya dahil hindi ko siya chinicheer? Tumingin ako sa direksyon niya at nakitang nakatitig din siya sakin with sad eyes.

To: Xander

Sorry. Nakakahiya kasi eh. Baka anong isipin nila.

Agad naman akong naguilty pagkatapos kong isend yung message ko sa kanya.

From: Xander

Pano ako maiinspire nyan kung di mo ako ichicheer? Matatalo tong team namin pag di mo ako chineer.

Ano to? Blackmail? Hindi na ako nagreply sa kanya kasi nakita kong nagsimula na yung game nila. Akala ko, hindi niya tototohanin yung text niya. Pero mukhang nagkamali ako.

"Uy, anong nangyayari kay Xander?"

"Oo nga. Parang sinasadya niya na hindi maishoot yung bola. Malapit na sila malampasan nung kalaban."

Yan ang mga narinig kong usap-usapan sa likuran ko banda. Agad akong napatingin sa scoreboard at nakitang halos pantay na ang score nila. Nakita kong bumaling yung tingin sakin ni Xander at nagsmirk. Ah, so hinahamon niya talaga ako? Okay! Fine! I'll do it!

Nagtaka ang lahat nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Lahat kasi sila ngayon ay nakaupo at tahimik dahil malapit nang matalo sila Xander.

Huminga ako ng malalim at nagpunta sa harap ng bleachers para kitang-kita niya talaga ako. Nagulat lahat nung bigla kong ginawa yung cheerdance at yung kinakanta kanina nung mga kaibigan ko.

"Go Xander, go Xander, go Xander, Xander, Xander. Go Xander! Kaya mo yan!" Cheer ko sa kanya with matching pompoms pa galing kanila Ella kanina.

Nakita ko namang ngumiti si Xander sakin nung nakita niya yung ginawa ko. Agad akong umupo sa upuan ko at halos magtago sa loob ng bag ko. Kahihiyan! Kahihiyan, Frischia! Wala na! Wala na talaga!

Nasaksihan ng buong campus ang kahiya-hiyang ginawa mo! Arghh! Lagot ka talaga sakin mamaya, Xander!

Pagkatapos kong magcheer para sa kanya, dun niya ulit ginalingan yung paglalaro at nanalo sila sa huli.

Syempre! Magaling naman talaga siya eh! Pakipot lang talaga. Gusto niya pang mapahiya ako, bago niya galingan. Hmp!

Agad siyang lumapit sa pwesto namin nung matapos ang game habang nakangiti. Nakabusangot naman ang mukha ko dahil sobrang napahiya ako. Pagkadating niya sa pwesto namin, agad ko siyang pinalo sa braso. Pero hindi naman masyadong malakas para masaktan siya.

"Nakakainis ka, alam mo yun?! Pinahiya mo ako!" Sabi ko habang pinapalo palo siya.

"Ano? Hindi kita pinahiya. I gave you two options." Nakangisi niyang sabi. Aba! Tuwang-tuwa pa siya ha?

"Masaya ka?" Tumango siya. "Pwes ako, hindi! Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat! Alam mo naman na ayaw ko ng attentions diba? Tapos pinagawa mo pa sakin yun?! Ano nalang ako ngayon? Ako na ata ang hot topic dito sa buong campus dahil dun sa kahihiyang ginawa kong yun!" Mabilis kong bulyaw sa kanya kasi nga, inis na inis na talaga ako sa kanya tapos tatawa tawa lang siya dyan?! Parang baliw lang eh!

"Relax, Frisch." Sabi niya at hinawakan ang dalawang balikat ko na parang gusto niyang iparating na okay lang yun. Na wala akong dapat ipangamba.

"Relax?!! How can I relax if I know-------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung bigla niya akong siniil ng halik sa harap ng mga kaibigan ko. Buti nalang at nag alisan na yung karamihan sa mga tao sa court kaya hindi masyadong nakakahiya.

"Good. Ngayon, relaxlang. Wag kang masyadong bumulyaw. Masakit sa tenga eh." Sabi niya habang nakangisi. Nagagawaniya pang ngumisi? Eh ako ngayon, halos maestatwa na sa mga pinanggagagawaniya. Hindi pa akonakakarecover nang bigla niya na akong hilahin papuntang canteen. Napalingonnaman ako sa mga kaibigan ko at nakitang sumusunod din naman sila samin. �����ŲIWq'

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon