Chapter 18 (Part 2)

15 0 0
                                    


*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Yes! Uwian na! Pero actually hindi pa kami uuwi. Ininvite kasi kami ngayon nila Xander na manood ng basketball practice nila eh. Member kasi yung buong banda nila ng varsity. Malapit na kasi ang intrams tyaka yung competition nila sa ibang schools.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero ang school namin ang always champion sa karamihan ng sports contests pero last year, lumagapak kami. Kaya ako lang ang nagchampion.

Nakakatawa nga kanina si Xander eh. Nahihiya pa eh mang iimbita lang naman na manood ng practice nila.

*Flashback kaninang lunch*

Nasa isang table lang kami ng mga barkada ko at mga barkada ni Xander. Nagtaka ako kung bakit parang may pinipilit silang gawin ni Xander pero si Xander naman, hiyang hiya. Pero nung napikon na sila Weign, sila na lang ang nagsabi samin.

"Iimbitahin ka sana ni Xander na manood ng practice namin sa basketball mamaya. Ikaw daw kasi yung inspirasyon niya eh." Straight to the point na sinabi ni Fritz. Nakakatawa nga eh. Pokerface pa rin kasi siya habang sinasabi yun.

Napanganga ako dahil sa huling statement niya. Ako? Inspirasyon? Woah! Hahahaha. Tinitigan naman ng masama ni Xander si Fritz.

"What? Ayaw mo kasing sabihin kaya ako na lang ang nagsabi. I just gave you a favor, man." Inosenteng sagot ni Fritz sa death glares ni Xander sa kanya.

"Sure! It's a pleasure for us to see you play." Sagot ko in a matter of fact tone.

*End of Flashback*

Nandito na kami ngayon sa gym at habang papalapit pa lang kami, lumapit na agad samin si Xander.

"Frisch, dito na lang kayo umupo sa bench katabi namin mamaya." Sabi niya nung nakalapit na siya samin.

"Hmm, Xander, dun nalang kami sa bleachers. Mas maganda kasi yung view dun." Paalam ko sa kanya.

"Okay. By the way, after ng game, ihahatid ko na lang kayo pauwi." Paalam niya.

"May sundo ako. Sorry." Ella

"Me too." Jeyves

"May pupuntahan pa ako eh." Rufi.

Sabay-sabay nilang sinabi yan. Ano to? Pinagpraktisan? Obvious naman na hindi totoo yung mga pinagsasabi nila eh.

"So, ikaw na lang Frisch ang ihahatid ko mamaya?" Baling niya sakin pagkatapos siyang tanggihan nung mga barkada ko.

"Okay." Simple kong sagot at umakyat na kami sa bleachers. Si Xander naman ay lumapit na sa mga teammates niya.

Mukhang madami pala talagang nanunood sa kanila. Sabagay, mga sikat nga pala ang mga members ng basketball varsity.

Padami na ng padami ang mga tao sa loob ng gymnasium. Lahat sila, sa bleachers pumwesto. Nakita ko pang may mga banners dala ang karamihan at halos lahat ng nakasulat, ay laging 'Go Xander my loves'. Hahahaha ang dami talaga niyang fans.

Mukhang kilala naman din ako nung iba. Marami ngang nagchichismisan sa tabi namin tungkol samin ni Xander eh. May good and bad comments.

"Uy, sis! Nandito pala si Frischia oh. Diba siya yung sobrang talino at magaling sa badminton? Kahanga-hanga nga naman. Sino kayang sinusuportahan niya dyan?" Sabi nung isang unknown girl.

"Sino pa ba? Edi si papa Xander! Hindi mo ba nabalitaan ? Siya yung nililigawan ni papa Xander ngayon!" Sabi naman nung kausap niya.

"Uy diba si Frischia yan? Anong ginagawa niya dito? Lalandiin niya na naman ba ang papa Xander ko?" Sabi naman nung sa kabila na babae.

"OMG! Gusto niyang agawin ang papa Xander my loves natin!" Halos humagulgol na yung babae na huling nagsalita dahil sa sobrang disappointment.

Hay nako! Rumors nga naman! Bilis kumalat. Pasalamat yung iba at hindi nakaOn ang maldita mode ko ngayon. Lalo na't marami akong nakikita ngayon na nakatitig sakin ng masama.

Malapit nang magsimula yung game pero biglang tumunog yung phone ko.

From: Xander

Baba ka muna. Madali lang.

Siya yung nagtext? Tiningnan ko siya sa baba at sumenyas siya sakin na bumaba. Nagpaalam muna ako kanila Ella na bababa muna ako.

"Bakit?" Tanong ko nung nakalapit na ako kay Xander.

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

"O-oy! Xander, bakit ka bigla nangyayakap?" Gulat kong tanong habang nakayakap pa rin siya.

"To gain my strength." Sabi niya at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sakin. Napansin kong madami nang nakatingin samin kasali na yung mga kateammates niya. Karamihan ng mga babae, binibigyan ako ng death glares.

"Uy, bitaw. Ang dami ng nakatingin satin. Yung iba nga, death glares na oh! Madadagdagan na naman mga bashers ko nito." Pakiusap ko sa kanya.

Dahan- dahan siyang bumitaw sa yakap at napalingon sa mga taong binibigyan ako ng death glares.

Mukhang nainis siya sabay sabing,

"Hindi ka nila magagalaw. Just stay by my side. Subukan lang nilang saktan ka, mananagot talaga sila sakin." Pagwawala niya sa pangamba ko.

"Sige na. Balik ka na dun. Goodluck, handsome hahaha." Natatawa kong sabi sa kanya kaya tumawa na rin siya. Pinauna niya muna akong umalis at bumalik na siya dun sa mga kateammates niya.

Nagsimula na ang game at napuno ng sigawan ang buong gym. Kung sa practice pa lang, ganito na, pano pa kaya sa totoong competition na? Baka magkastampede! HAHAHA ang OA ata ng imagination ko.

Natambakan ng grupo nila Xander ang grupo ng kalaban with the scores, 20-9, in favor of Xander's team.

Simula nung una, sa tuwing makakashoot si Xander, lagi siya titingin sakin at ngingiti or kikindat. Actually, siya talaga yung kadalasan makashoot sa kanila nung bola. Siyempre! Siya kaya ang team captain.

Mas lalong nagsigawan ang mga audience nang iannounce na ang champion. Sino pa ba? Edi ang grupo ng Xander ko. Ay hahaha! Inangkin ko na talaga ha?

Dahan-dahan ng umalis ang mga audience nung natapos na ang game. Nagtext sakin si Xander na magshashower daw muna siya at magbibihis. Pawisan na kasi siya masyado eh. Dun na lang kami naghintay nila Ella sa bench malapit sa pintuan ng locker room nila.

Pagkatapos niyang magshower, hinatid niya na ako sa bahay ko.

"Bye." Sabi niya.

"Bye din. Ingat sa pagdadrive ha?" Paalala ko.

"Yes ma'am!" Natawanaman kaming pareho dahil sa sagot niya. Umalis na rin siya kaya pumasok na akosa loob ng bahay.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon