Chapter 26 (Part 2)

6 0 0
                                    

(Weign's POV)

"Bye, couz!" Paalam namin sa pinsan namin na babalik na sa California.

Nandito kami sa airport para ihatid yung pinsan namin. Nagbakasyon kasi siya dito ng isang linggo. Ngayon, babalik na siya para mag-aral ulit.

Aalis na sana kami pero nakita ko si Xander.

"Reign, is that Xander?" Sabi ko sa kambal ko sabay turo dun sa lalaking nakapolo with shades na medyo malayo pero natatanaw ko pa rin naman.

"Si Xander?" Takang tanong ng kapatid ko at tumingin na rin sa tinuturo ko.

"That's him, right?" Sabi ko at tumango naman ang kapatid ko.

"What is he doing here?" Takang tanong niya.

"Wait, I'll call him first." Sabi ko at tinawagan ang phone niya.

Agad naman niya itong sinagot. At napalingon ako dun sa lalaking tinuro ko kanina. Siya nga talaga.

"Hello, Xander?" Bati ko muna.

"Yeah, bro? Napatawag ka?" Tanong niya. Nakita kong parang pumunas ng luha si Xander mula sa kinauupuan niya.

"Where are you?" Medyo malakas na tanong ng kambal ko.

"Ahh. I'm here at my house. San pa ba ako pupunta?" Medyo natatawang tanong niya but we know that he's lying.

"What? Eh bakit nakikita-------" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagpaalam na siya.

"Bro, I'll talk to you next time. Matutulog na ako. Madaling araw na eh. Goodnight." Paalam niya.

Hindi pa kami nakakasagot pero binaba niya na agad yung call at nakita kong pumunas na naman siya ulit ng luha.

What is it this time, Aaron Patrick Alexander Lewis?

What are you hiding from us?

Why are you lying?

Nakita namin na paalis na siya.

"Xander!" Sigaw ko at alam kong sobrang lakas nun pero hindi siya lumingon. I know he heard it pero nagbingi-bingihan lang siya.

Hahabulin sana namin pero di na namin inabutan.

"Shit!" Singhal ko nang nakapasok na siya sa plane.

"Bro, hayaan nalang muna natin siya. Whatever it is, alam nating kaya niya yan." Pagpapahinahon sakin ng kambal ko.

"But why is he leaving?! Hindi pa tapos ang semester." Singhal ko dahil nauubos na talaga ang pasensya ko.

"Hayaan na natin. We should understand him." Sabi ng kambal ko at hinila na ako palabas ng airport.

(Xander's POV)

They called me. And I lied. Sinabi kong matutulog na ako.

For the last time, Xander, you lied again.

You lied to Frischia, and even to you friends.

Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa utak ko habang naglalakad.

"Xander!" Narinig ko ang boses ni Weign sa likuran ko.

Lahat ng tao napalingon sa kanya pero hindi ako. What are they doing here? Alam ba nila na aalis ako? Kasama niya ba si Frischia?

Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga katanungan na yan pero hindi pa rin ako lumilingon para malaman ang sagot.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay na ako ng plane.

Kapag lumingon ako, baka magbago ang isip ko at hindi na umalis. Kaya I tried my best not to turn around. Hindi ako pwedeng umatras ngayon. Para samin rin to.

Para sa love story namin ni Frischia.

Para maging happy ending ang kwentong binuo naming dalawa.

I love you, goodbye, Frischia Alexandra Gale Cruz.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon