Chapter 21

11 0 0
                                    

(Fritz POV)

Nandito ako ngayon sa bahay at dumiretso sa bar area. Gusto kong mawala tong mga iniisip ko. Di na kasi pwede eh. Hindi na talaga.

Habang umiinom ako, naaalala ko na naman yung itsura niya.

Her beautiful eyes, matangos na ilong, mahabang eyelashes, red lips na kahit natural lang, aakalain mong naglipstick siya, at ang perfect curves ng lips niya. Everything about her is perfect. Kaya sobrang madami ang nabibighani sa kagandahan niya eh. Hindi lang kasi siya maganda. Matalino, mabait, palaban, magaling sa maraming sports. The best girl I've ever known.

Sino siya? Siya yung babaeng matagal ko ng gusto pero alam kong hindi pwede. Gusto lang ba talaga? I know that it's more than that. Pero ayoko lang aminin sa sarili ko kasi hindi na nga pwede at ayaw ko lang masaktan.

Matagal ko ng naririnig yung pangalan niya dahil simula dati pa lang, hot topic na siya ng barkada. Kahit nasa ibang school pa kami nun. Nung hindi ko pa siya nakita at nakilala, I don't care about her. Ang alam ko lang, mahal na mahal siya ng isa sa mga barkada ko.

But when the time that I first saw her, I felt a new feeling. I just really can't understand that feeling. Sobrang bilis ng heartbeat, goosebumps, butterflies in my stomach, that are the feelings that I felt everytime I see her or when I'm with her.

Pero alam ko na maski kayo, gulat sa pag amin ko. Ako nga rin eh. First time kong magkacrush sa isang tao. No Girlfriend Since Birth ako eh. I've never been interested to the girls, unlike my friends. Si Weign, playboy. Si Reign, torpe pero may mga crush. Si Xander, well, inlove kay Frischia. Me? I'm just happy with my friends and to music.

But this certain girl, he rocks my world. Simple pero bawat galaw niya, hindi pwede na hindi ka mapalingon kasi sobra makahakot ng atensyon yung lahat sa kanya. Lahat ng katangian niya.

Everytime kinakausap niya ako, sobrang nerbyos ko but I'm good at pretending about my feelings. Yung pagpopoker face ko? That's how I hide everything that I feel.

Gusto ko man aminin sa kanya tong nararamdaman ko, hindi pwede eh. Kasi nauna na yung barkada ko sa kanya. At alam kong mahal na mahal siya nitong kaibigan ko. At yung mas masakit, pansin ko na mahal niya na rin tong kaibigan ko.

I'm too late. Very late. Ayoko nang sumingit sa love story nila. Sila yung bida, hindi ako. At ayokong maging kontrabida kasi alam ko naman na masasaktan lang din ako sa huli.

(Frischia's POV)

Kakatapos lang ng academic contest namin ngayon at siyempre, champion na naman kami.

Pupunta ako ngayon sa stage kasi kailangan pa naming magpractice para dun sa contest na Mr. and Ms. Intrams. Matagal nang nalaman ni Xander na kasali rin ako kasi nagpictorial kahapon lahat ng kasali dito sa Mr. And Ms. Intrams. Sobrang ganda ko dun hahaha.

Pangatlo kaming rarampa ni Fritz. Una naman sila Xander rarampa. Nakakairita yung partner niya. Wagas kung makaflirt sa kanya! Laging nakakapit sa braso niya. Ano siya? Linta?!

"You're jealous." Puna ni Fritz habang nakatingin sa akin.

"Nanggugulat ka naman Fritz eh! Tyaka hindi ako nagseselos!" Depensa ko.

"Hindi pa nga ako nagsasabi kung sino yung tinutukoy ko eh. So defensive. You're not good at pretending." Natatawang sabi ni Fritz.

Hindi nalang ako sumagot kasi bistado na ako. Grabe talaga manghuli tong poker face na ito.

"Bakit ba ang daming magkarelasyon dito sa paligid? Nakakaumay." Reklamo niya habang tumitingin sa mga taong nandito sa loob ng gym para manood ng practice namin. Break time pa kasi namin ngayon eh.

"Hahahahaha nung una, nauumay din ako. Pero sanay na ako makakita niyan dito eh." Natatawa kong sabi dahil sa reaction niya.

"Tss." Simpleng sabi niya.

"Fritz, pansin ko lang. You've never been interested to girls. Bakit kaya?" Nagtataka kong tanong. Napansin ko naman na nagulat siya sa tanong ko pero agad din siyang nagpoker face ulit at tumingin sakin.

"May babae akong gusto. Hindi naman ako abnormal para walang magustuhan." Sabi niya na parang depensa.

"Oh talaga? Sino naman? Maganda ba? Kilala ko ba?" Curious kong tanong.

"You know her. Yes, she's so pretty. Almost like a goddess." Proud at nakangiti niyang sabi.

"Sus! Baka ako yan ha? Hahaha ako lang naman yung alam kong goddess eh hahah." Biro ko naman sa kanya.

"Ikaw nga."

Narinig kong may sinabi siya pero di ko naklaro kasi biglang nagsalita yung coach namin.

Nagsimula na naman kaming magpractice. Ako na ang rarampa ng biglang nadulas ako sa stage dahil sa taas na rin ng takong ko.

Hinihintay ko na matama ang katawan ko sa sahig pero nagulat ako nung may sumalo sakin. Napatingala ako sa kung sino man ang sumalo sakin at nakitang si Fritz pala yun. Nakapokerface pa rin siya. Lumapit naman agad sakin si Xander nung natayo na ako ni Fritz.

"Frisch, are you okay?" Sobrang worried ni Xander pagkalapit niya sakin.

"O-oo. Okay lang ako." Sagot ko kaya Xander at bumaling kay Fritz. "Thanks." Tumango lang siya bilang sagot.

Maayos namang natapos yung practice namin kaya maaga rin kami makakauwi. May practice daw ngayon sila Xander kaya mag isa akong uuwi ngayon.

(Xander's POV)

Sobrang kinabahan ako nung biglang nadulas si Frischia. Mabuti nalang at nasalo siya ni Fritz.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Weign para magpractice para sa kakantahin namin bukas.

"Fritz, tol, salamat talaga at sinalo mo si Frischia kanina ha? Ang laki ng utang na loob ko sayo." Paulit-ulit kong sabi kay Fritz.

"Pre, kanina mo pa yan sinasabi. Naririndi na ang tenga ko dahil sayo." Inis na sabi sakin ni Fritz.

"Sorry, tol. Masyado lang talaga akong thankful sayo." Humingi nalang ako ng tawad sa kanya.

"Tama na. Please." Pakiusap naman sakin ni Fritz.

Queen Of Bitterness Meets Her MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon