Third personPOV'S
Hanggang sa maiburol ang magulang ni fheng sa kanilang bahay tulala at hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang magulang.
Kahapon lang kasama niya pa ang mga ito ang nagpaalam na aalis lang.
Ngayon wala na. Habang buhay na niyang hindi makikita ang mga ito.
Habang buhay na niyang hindi makakausap.Hindi niya matanggap.
Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang ipakita na mahina siya.
Lalo na sa kanyang lola na ngayon ay na iyak. Nilalakasan niya loob niya para sa kanyang lola. Lumapit siya dito at niyakap niya ito.Mahal na mahal ni lola ang nanay ko lalo na at nag iisang anak lang ito. Dahil nga maagang namatay ang lolo sa edad na 39 pumanaw ito dahil sa tama ng ligaw na bala.
Kinse anyos lang ang nanay nun.
Kaya nga hindi matanggap ng lola na wala na ang nag iisang anak niya.
"Lola tama na po wag na kayong umiyak baka magkasakit kayo. Magpahinga po muna kayo dun. ako nalang muna ang magbabantay kila nanay." Alo niya sa lola.
"Apo wala na ang nanay mo. Mahal na mahal ko ang nanay apo wala na kong anak." Humahagulgol na iyak ni lola.
"Lola nandito pa naman po ako hindi kita iiwan lola." Sabi niya sa lola niya."lakasan natin ang loob natin lola siguro ito ang plano ng dyos satin at kay nanay at tatay. Kaya kinuha na sila. May plano ang diyos satin lola kaya dapat lakasan natin ang loob natin." Lakas loob na sabi ko sa lola ko.
"Oo apo. Aalagaan at papalakihin kita at mamahalin ng sobra. Tulad ng pag mamahal ko sa iyong ina." Lumuluhang nakangiting sabi ng kanyang lola at sabay yakap sa kanya.
Hanggang dumating yung araw na kailangan na nilang mamaalam sa kanyang mga magulang. Ang araw ng kanilang libing. Hindi maiwasan ni fheng na hindi umiyak ng sobra lalo na yun ang huling araw na masisilayan niya ang kanyang mga magulang.
Umuwi silang maglola na luhaan.
Nagdesisyon sila na gagawa sila ng panibagong buhay na wala na ang kanyang mga magulang sa tabi nila."Nay, tay sana gabayan niyo kami sa bagong yugto ng buhay namin ni lola na kami lang ang magkasama." Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa madilim na kalangitan na may ngiti sa labi.
Realization
Fheng's POV
"Fheng ano na aba ang tagal mong maligo aning oras na." Sigaw na naman ni lola.
Si lola talaga ingay ingay araw araw nalang nag sisigaw haixt.
"Eto na lola tapos na ko maligo at mag bihis. Tara na ang ng makarami ako mamaya sa baclaran." Sabi ko
"Anong makarami sa baclara pinagsasabi mo!?" Takang tanong ni lola sakin
"lola makarami ng customer ba bibili sa tindahan namin kung saan ako nagtatrabaho." Kamut ulong sabi ko kay lola
'yay muntik na tanga mo talaga feng ialalaglag mo pa sarili mo ei.'
"Tara na lola wag kana madaldal jan sige ka papanget ka." Biro kong sabi kay lola
"Ikaw na bata ka dami mong kalokohan." Badtrip na sigunda sakin ni lola sabay abot sakin upang kurutin sana sa tagiliran.
Kaso nakailag agad ako kaya hindi niya ako naabot.
BINABASA MO ANG
Mister General Meet Miss Snatcher
RandomFheng isang dalaga na lumaki sa hirap. hindi nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kakapusan ng pera. Nag iisang apo ng kanyang lola Linda. sila nalang dalawa ang mag kasama dahil ang kanyang magulang ay namatay sa isang aksidente nung sila ay pauwi...