Malapit na pong matapos medyo maiksi lang ang kwento sana po magustuhan niyo. Maraming salamat sa pagbabasa mga readers.
Intindihin niyo nalang po ang mga maling grammar.
Maraming salamat po sa pagbabasa
😘😘😘😘😘😘😘😘
____________
After 5 years
Limang taon ang lumipas eto pa din ako stay strong para sa dalawang mahal ko sa buhay.
Nagtatrabaho na ako ngayun sa isang hotel and resort dito sa tarlac city. Isa akong maneger tatlong taon na ko dito nagtatrbaho.
Nung pinanganak ko ang anak kong si Kylo Clifford 5 years ago 3 months palang si kylo nung naisipan kong mag aral ulit ng als naka graduate ako. After nun nag take ako ng testda tapos nag apply ako dito sa hotel at na tanggap din ako.
Nung house keeping palang ako. The after 1 Year na promote ako bilang isang maneger.
Hindi ko nga akalain na magiging isa akong maneger ng isang sikat na hotel and resort dito sa tarlac city.
Close ko naman lahat ng mga katatrabaho ko dito. Dahil maganda naman lahat ang pakikitungo namin sa isa't isa.
Sa trabaho maneger ang turing nila sakin at ginagalang nila ako pero pag sa labas magkakaibigan kami.
Ngaun maraming tao ang dapat asikasuhin lalo na bakasyon ngaun kaya maraming customer na nag bubook na dapat sakikasuhin.
Minsan ako ang naghuhundle sa counter dahil sa dami na din ng tao kaya natulong ako sa kanila. Saka ako mag roronda sa buong hotel para tignan lahat ng mga house keepers dito sa hotel.
Hanggang sa lumipas ang mga oras ay todo asikaso kami. Dahil kahit gabi na mayroon pa ding dumadating kaya yung ibang house keeper ay nag overtime. Kahit ako nag overtime din.
"Guys overtime tayo huh kaya dapat maayus ang pag out niyo sa biometric natin para marecord sayang ang overtime kung hindi na record." Bilin ko sa kanila.
"Opo ma'am." Sabay sabay na sabi nila
Dahil uwian na tapos na ang 6 hours na overtime nila. Nag ayus na kami ng mga gamit. At sinabihan ko yung mga panggabi na panatilihing maayus at malinis ang paligid.
Hanggang sa makalabas na kami. Sinabihan ko din ang mga ito bago umuwi. Na meron malaking event ang mangyayari sa private resort bukas ng 8am hanggang 7pm ng gabi kaya malamang na overtime na naman kami dahil kami ang mag aayus at mag liligoit ng mga gamit dun.
Dalawa kasi ang resort na hawak ko yung isa ay public at yung isa ay private na nasa kabilang side lang ng public resort. Mga big time client lang ang pwedeng mag rent sa private resort na yun.
Kaya bukas ang mag huhundle ng public resort is yung assistant maneger ko na si Kristen.
Nang makauwi ako sa bahay sumalubong sakin ng anak ko pagbukas ko palang ng pinto.
Nakakatuwa kasi yung pagod ka sa trabaho pag uwi mo may sasalubong sayo ng yakap ng isang poging bata.
"Mama ko welcome home po." Magalang na sabi nito
"Salamat pogi." Sabi ko dito tapos ay pinisin ko ng mahina ang pisngi nito at hinalikan
Nakangiti itong yumakap sakin tapos hinalikan ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Mister General Meet Miss Snatcher
RandomFheng isang dalaga na lumaki sa hirap. hindi nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kakapusan ng pera. Nag iisang apo ng kanyang lola Linda. sila nalang dalawa ang mag kasama dahil ang kanyang magulang ay namatay sa isang aksidente nung sila ay pauwi...