CHAPTER 12

268 3 0
                                    

Habang tumatagal na magkasama kami ni kaizen mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Kahit nasa delikadong sitwasyon na kami nagawa ko pang mahulig sa kanya.

Kaso malabong maging parehas ang nararamdaman namin sa isa't isa napaka layo ng agwat naming dalawa.

Sobrang taas niya yung tipong sobrang hirap niya abutin.

Sana matapos na itong problema namin para makalayo na ko sa kanya at makalimutan ko na yung nararamdaman ko.

Ang hirap panandalian lang pala yung masaya kaming dalawa dahil sa isang iglap lang back to start ulit kami na walang pakialam sa isa't isa.

Nandito na kami ngaun sa batangas.
Sa padre garcia san Francisco batangas. So rang liblib tong lugar na pinuntahana namin. Kunti lang mga mga nakatira dito parang halos lahat ng mga nakatira dito ay magkakamag anak. Tapos sobrang layo pa sa kabihasnan.

Meron naman kaaming nakitang paupahan dito maliit lang ang bahay sakto lang saming dalawa.

Nagpakilala kami dito na iba ang pangalan namin at nagpanggap kaming mag asawa dahil kailangan.

Dalawang kwarto may cr, may kusina at sala may sariling metro ng tubig at ilaw kaya walang problema.

Medyo hiwahiwalay ang mga bahay dito at mababait naman lahat ng kapitbahay.

Isang linggo na kami dito. Si kaizen ang pumupunta sa lungsod bumili ng mga kailangan namin sa bahay kasama niya ang ibang kalalakihan na nakatira duon.

Minsan na pag napapatambay ito sa labas ng bahay nila. Nakikipagkwentuhan ito. Tapos meron ding ibang kababaihan na hunahanga sa kanya. Todo ngiti namna ang mokong poging pogi sa sarili.

Pero hinayaan ko nalang kasi totoo naman.

Ngaun nandito ako sa labas ng bahay nakatambay dahil wala naman magawa sa loob kaya tambay muna.

Wala ngaun si kaizen pumunta ng bundok kasama sila tatang nestor mangunguha ng mga prutas na native.

Sobrang babait ng mga tao dito sa lugar kung saan kami ngaun nakatira. Halos araw lagi nila kaming kinakamusta at madalas nag bo-boodle fight kami dito.

"Ineng baka gusto mo sumali sa bingo para kahit papaano malibang ka naman." Yaya ni aling ising sakin

"Sige po aling ising sasali ako naboboring na din po ako dito sa loob ng bahay." Nakangiting sabi ko

Libangan ng mga matatandang babae dito ay bingo. Hindi naman masasabing sugal talaga iyon kung baga libangan lang hindi naman malakihan ang taya piso piso lang.

Tumayo na ko at sinarafo ang pintuan ng bahay at saka lumabas ng gate tapos sinarado kuna din. No need naman ilack iyon dahil napagkakatiwalaan naman ang mga tao dito.

At baka dumating din si kaizen galing bundok.

Hanggang sa makarating kami sa binguhan. Nag start na pala sila medyo madami din naglalaro meron din naman kabataan ang kasali. At meron ding mga matatandang lalaki

Ang saya nila.

Napapangiti ako sa kanila dahil habang naglalaro kami ng bingo ay hinahaluan nila ng biruan.

Ilang oras din akong naglalaro ng bingo dahil nalilibang ako hindi ko na din napansin ang oras.

Maya maya pa ay lumapit sakin yung anak na binata ni tatay nestor at inabutan ako ng biko at juice

"Fheng oh meryenda ka muna." Sabi nito sabay bigay sakin ng makakain

"Ahh salamat."

"Oi Nathan wag kang ano jan may asawa na yang tao." Sita ni nanay ising kay Nathan

"Nanay naman kung ano ako nasa isip inabutan ko lang ng meryenda ei" hiyang sabi ni Nathan

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa yung iba naman inaasar si nathan.

"Kain ka lang jan fheng huh.? Wag mo nalang silang pansinin ganyan talaga mga yan nang aasar." Nahihiyang Sabi nito sabay kamot ng ulo

"Love." Biglang may nagsalita

Gulat akong napatingin dun sa nagsalita. Nakita ko si Kaizen may bitbit na sako sa balikat niya habang yung isang kamay niya at nakahawak sa hundle ng itak na nakalagay sa tagiliran naka sando itong itim at naka maong na pants na luma at naka bota. masasabi mo talagang perfect ito dahil kahit anong suotin ay bagay na bagay. Sinabayan pa ng tagaktak na pawis na natulo sa kanyang mukha dahil na din sa pagod at init ng panahon.

Nakakunot ang kanyang nuo habang palipat lipat ang tingin sakit at kay Nathan.

"Ahhh naglibang lang ako niyaya kasi ako ni nanay ising mag laro ng bingo."paliwanag ko

Agad akong tumayo at lunapit sa kanya at pinunasan ang pawis sa mukha. Binaba naman nito ang sakong dala.

"Nagselos na lagot ka nathan." Asar nung isang lalaki kay nathan.

"How much time do you spend here??" Tanong sakin ni kaizen

"Hindi ko alam ei hindi kuna napansin yung oras." Sagot ko

"Did you eat before you go here??" Tanong niya tapos ay inayos niya ang buhok kong humarang sa mukha ko.

Shit bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

Manahimik ka jan fheng inayus niya lang buhok mo.

Sabi ko sa sarili ako at bumuntong hininga

"Ah-hhhm hindi pa ko kumain ei busog pa naman ako." Sagot ko

"Oi kayong dalawa baka langgamin kami dito sa sobrang sweet niyo." Natatawang sita samin ni nanay ising

"Nay ising uwi po muna kami asikasuhin ko lang a-asawa ko." Paalam ko sa kanila.

Naiilang pa kong sabihin yung salitang asawa ko kasi hindi naman totoo.

Pero tanong totoo kayang nagselos si kaizen kay nathan??

Ayoko umasa kaso parang gustong maniwala ng puso ko sa sinabi nung lalaki kanina.

_________

Ang tanong totoo kayang nag selos si kaizen kay nathan??

At hanggang kaylan kaya matatapos ang problema nila sa sendikato na hanggang ngaun tinutugis pa din sila.

Abangan sa mga susunod na page

Salamat sa pagbabasa 😘😘😘🤭

Mister General Meet Miss SnatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon