Chapter 44

1.7K 29 4
                                    

Si Esther ang unang lumapit sa akin nang makita niya akong pumasok sa classroom namin. It's like she's really waiting for me to arrive. It wasn't an awkward moment when I thought it would. Naisip ko 'yong nangyari nakaraann a ikinasama ng loob niya. But, I felt like she already forgotten about it.

"Pristine!" Sinalubong niya ako ng ngiti at agad na hinawakan sa kamay.

"Are you okay? A-Ang balita ni Sebastian ay umalis ka raw ng bahay ninyo, eh."

Nasa mga mata niya ang pag-aalala and when she looked at my back, kahit sarado ang pinto ay alam ko na si Elijah ang tinitingnan niya. May kaba rin sa mga mata ni Esther pero napanguso siya.

"Andyan ang bodyguard mo?" tanong niya.

I nodded at her. "Pero huwag kang mag-alala, nagkausap na kami. Saka, wala naman nang problema. Mukhang tapos na sila sa pag-iimbestiga sa mga estudyante. Isa pa, panatag naman ako na hindi ka nagpapanggap lang para makalapit sa akin."

Napataas ang mga kilay ni Esther sa akin at ngumiti.

"Oo naman! Saka, hindi ko nga alam na kaya ka rin pala nilalayuan ng mga estudyante noong unang araw ko ay dahil sa delikado ang pamilya mo. Pero sabi ko, wala naman mawawala sa akin na yaman 'di tulad nila na takot makabangga ang lolo mo."

Ako na ang humila sa kaniya para makaupo kami sa kani-kaniyang upuan namin. Maaga ako ng sampung minuto pero mas maaga si Esther dahil inaabangan niya nga ata talaga ako.

"Kumusta? Okay ka na sigurado?" tanong niya ulit.

"Oo. Okay na. Nagkatampuhan lang kami ng papa pero bumalik na rin ako sa bahay. Pasensiya ka na, ha? Hindi tayo natuloy nong nakaraan, but later, if you have free time?"

Esther tapped my shoulder and shook her head at me. "Uy sige! pero sorry rin, ha? Narealize ko naman kasi na masyado akong naging OA. Syempre 'yong si Elijah bukod sa ginagawa niya lang ang trabaho niya ay..." dumukwang siya at iniharang pa ang kamay sa gilid ng mga labi niya para wala kunwaring makarinig ng mga sasabihin niya kung hindi kaming dalawa lang.

"Saka, aside sa pagiging bodyguard nga, super protective niya sa 'yo kasi gusto ka rin niya."

Napalunok ako at napatingin bigla sa pinto nang bumukas 'yon. And when I saw Sebastian, I looked away. Si Esther ay napatingin rin dito pero siyang pagbalik rin ng atensyon sa akin. Then, she whispered again.

"Alam naman rin ni Sebastian, too bad. Pero hindi kasi talaga natuturuan ang pag-ibig."

I breathed deeply. Tahimik na naupo si Sebastian sa pwesto nito. Naalala ko ang nalalapit na kaarawan ko, I'm going to talk to him about the engagement, na kung sana siya na lang ang umatras para hindi 'yon matuloy. I will try to talk to him and make him agree.

At kung hindi pumayag?

I don't want to think about what could happen next. Lalo pa at alam kong nagtitimpi rin si Elijah. Sa pagbanggit lang niya ng tungkol sa engagement kaysa sa birthday ko ay alam kong iniisip rin niya ang tungkol doon.

Nang isa-isa nang pumasok ang mga kaklase namin at nang dumating na rin ang professor ay umayos na ako ng upo. I focus on listening to the discussion but still I can't avoid thinking about what will happen in my birthday. Balak ko rin na pagkatapos ng cruise ship ay saka ko ipapaalam sa papa ang relasyon namin ni Elijah. Para rin mas maipaliwanag ko ang sarili ko kung bakit ayokong makasal kay Sebastian.

After our second subject was done. Ipinaliwanag naman sa akin ni Esther ang tungkol sa project namin na tatlo. I felt a little embarassed since wala nga akong naitulong dito. Si Esther naman ay pinapanatag ang loob ko. Huwag daw akong mag-alala kasi si Sebastian daw ang gumawa rin non at wala rin siyang naitulong halos. But still, iyong pagkawala ng presence ko ay mali na. Hindi ko na rin kasi naalala ang tungkol sa school works dahil sa mga nangyari sa pagitan namin ng papa.

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon