Chapter 45

571 22 2
                                    

I groaned as my body slammed against the side of the road. I squeezed my eyes shut tightly when my head struck the concrete wall. It was pure chaos. The shouts of the people around us were deafening. After the first gunshot earlier, I heard another... and then another. But what made my eyes widen, despite the pain, was the tight grip on me.

Kasunod ng higpit ng kamay na nakahawak sa akin ay narinig ko ang mahinang boses ni Esther.

"P-Pristine, are you okay?"

That's when I realized what just happened. Nakaramdam ako ng matinding takot nang mapagtanto na may nagtangka muli sa buhay ko. But nothing happened to me... Esther... S-She was the one who pulled me. She saved me at kung hindi niya ako hinila dito sa gilid at iniiwas ay baka ang putok ng baril kanina na narinig ko ay sa akin tumama.

"E-Esther..." I get up and called her. Her eyes are still closed. Nakadapa pa rin siya. Ang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin kanina ay nakasayad sa sementadong daan at ang mukha niya ay nakatagilid gawi sa akin.

"Are you, o-okay? Nasaktan ka-ka ba?" she asked. Pilit ang ngiti niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya ng sunod-sunod. Just when we're having fun, sandaling-sandali lang, saka pa ito nangyari. My eyes heated up and my hands shaking when I touched her face.

"I-I'm sorry. I'm sorry, Esther..." I said and when she smiled at me and nodded but still didn't get up fear consumed me.

"Bakit ka... nag-so-sorry..."

"Es..ther..." I whispered and looked at her body.

"Wala kang k-kasalanan. Sinabi ko naman s-sa 'yo, hindi ikaw ang m-may kasalanan..." pagkatapos niyang sabihin 'yon sa pautal-utal na boses ay napapikit siya ng mariin at napadaing na parang may iniindang sakit. Doon na napaawang ang mga labi ko, at mas nakaramdam ng takot.

My hands then moved her slowly to face me at nang maitihaya ko siya ay napasinghap ako nang makita ang tagliran niya. The red stain on it...

B-Blood...

Natutop ko ang bibig ko nang makitang may tama siya.

S-She took the gunshot f-for me?

"Oh God... N-No..."

My heart raced and panicked filled my being. Otomatiko akong napalingon sa pwesto ni Elijah. I saw him holding a gun and strangling a man. A-Ang lalake na hawak niya ay maaaring ang nagpaputok kanina.

"E-Elijah!" I shouted with so much fear. Isang tawag lang ay napalingon na siya sa gawi namin. And when he saw that I was holding Esther, he let go of the man who had already lost consciousness. Pero agad rin na may lumapit sa kaniya na lalake na mukhang tauhan rin nila dahil hinawakan nito ang walang malay na nagpaputok sa amin kanina.

At nang makalapit na sa amin si Elijah ay kaagad niya akong tiningnan. He's checking if I'm fine, umiling naman ako sa kaniya na sinasabing ayos lang ako at saka binalingan ang kaibigan ko.

"Si Esther... she got shot. S-Siya ang sumalo ng bala, Eli, l-let's hurry, dalhin natin siya sa ospital," umiiyak na sambit ko at kumapit ako sa kamay niya.

Nakapikit pa rin ang mga mata ni Esther, and she's not moving unlike earlier, hindi na rin siya nagsasalita kahit nang tinawag ko pang muli. Eli then, looked at her for a few seconds, not moving her. Nakatingin lang siya dito.

"E-Eli, ano bang ginagawa mo?" pero imbis na sagutin ako ay tumingin siya sa likod ko. That's when I heard Kio's voice.

"Boss."

Napalingon ako dito. I didn't expect them to arrive here now. She was with a man I didn't recognize, who also seemed to be one of them. Napahikbi ako at muling binalingan si Esther, I am scared to move her body again.

"She's fine. Don't worry. Hindi malalim ang tama ng bala," seryosong sagot ni Elijah. Nakatingin na siya sa akin. Sa narinig ko naman ay nakaramdam ako ng inis.

"E-Eli, how can you t-tell? Hindi ba pwedeng dalhin na natin si Esther ngayon sa ospital para matingnan siya? She's bleeding a-and--" at napatigil naman ako sa pagsasalita nang maramdaman ko na unti-unting bumabangonsi Esther.

Agad akong umalalay sa kaniya habang umiiyak. Sinamaan ko pa ng tingin si Eli dahil sa isip ko ay ayaw niya lang tulungan ang kaibigan ko. This is serious! Ako lang ba ang iniisip niya? Nang tingalain ko naman si Kio ay napahawak ito sa batok. He was caressing his nape at shaking his head.

Bakit pakiramdam ko hindi nila ito sineseryoso?! Esther got hurt! She was shot!

"I'm okay, P-Pristine," pagkabalik ko ng tingin dito ay napababa rin ang mga mata ko sa taglirian niya. Napahikbi ako nang makita ang dugo doon pero tinakpan rin 'yon ni Esther.

"Daplis lang--"

"Still! We need to bring you to the hospital! We should make sure baka ang bala ay--" and again, I stopped when Esther raised her hand and showed me her palm. Nang makita ko ang nasa palad niya ay napaawang ang mga labi ko.

"Ito yung bala, hindi naman bumaon sa tagliran ko. Nadaplisan lang talaga ako bago ko masalo."

M-Masalo? Now she looked okay than earlier, hindi na rin nauutal ang pagsasalita niya. Nang mapatingin naman ako kay Kio na naglakad palapit kay Esther at batukan ito ay nagulat ako.

"Hoy!" angil naman ng kaibigan ko.

"Stop acting, dummy. You are making Pristine cry and worry even more," Kio said and took the bullet in her hand.

S-Stop acting?

Hindi ko naman makuha ang nangyayari. Pero mas lamang pa rin ang pag-aalala ko kay Esther lalo na nang mapatingin ako muli sa tagliran niya na nagdurugo pa rin.

"Let's leave now," Elijah then pulled me to stand up. He was gently holding my arm. Pero umiling ako at binawi ang kamay ko.

"No. Hindi tayo aalis hangga't hindi nagagamot si Esther! S-She was hurt because of me! Nakita mo naman, 'di ba? She protected me. A-And why are you being so mean to h-her, Eli?" I cried. Naglakad ako at tumabi kay Esther, I helped her stood.

"Kung hindi mo dadalhin sa ospital si Esther ay ako na lang!" I said.

"Pristine, okay lang ako--"

"No, you are not!" sagot ko agad.

"Eli," muli kong tawag kay Elijah. He closed his eyes tightly. Napahawak rin siya sa noo niya at saka binalingan si Kio.

"Bring that woman in the hospital, Alesandrino. Get her treated and give her everything that she needs."

Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya, parang wala man lang pagpapasalamat sa kaniya na iniligtas ni Esther ang buhay ko! He was so cold to her, and the way he said that, parang wala siyang pakialam talaga!

"Nautusan pa nga, oh sige," pagkasabi naman non ni Kio ay hinawakan niya sa braso si Esther na iniiwas agad ng huli.

"Don't touch me nga. Kaya ko ang sarili ko at hindi ninyo ako kailangan dalhin sa ospital. I can treat myself. Isa pa, asikasuhin ninyo ang kalat na 'yan," pagturo niya sa lalakeng nasa kalsada, habang ang isang kamay ay nasa tagiliran.

"Saka alamin na lang ninyo kung sino ang nag-utos para patayin si Pristine."

My lips parted when I heard what Esther said. The way she spoke... she's like... one of them. Na katulad nila Kio at Havoc.

"Aba, nagmamagaling. Bahala ka sa buhay mo kung ganon, mamatay ka riyan," sagot naman ni Kio.

"Mamamatay ba ako sa daplis, Jin Arkie?"

Did she also call Kio in his real name?

I was just looking at them, still confused. Then, I felt Elijah's arms snake around my waist, and he whispered in my ear. Siguro ay napansin na niya na naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"She's my mother's spy, baby."

Sa bulong na 'yon ay napalingon ako kaagad kay Elijah, pero sandali lang dahil ibinalik ko rin ang atensyon kina Kio at Esther na nagbabangayan na ngayon.

"And I just recently found out. Walang balak sabihin sa akin si mom, ako lang ang nakaalam."

A-Ano?

Si... Esther? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 10 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Billionaire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon