Chapter 25

19 1 0
                                    

Chapter 25 : New hair style

CHIVALRY'S POV

Maaga akong pumasok sa school, ayoko kasing sumabay sa kanila. Nag-tatampo pa rin ako sa kanila, isa pa hindi rin naman ata nila balak na kausapin ako. So quits lang kami.

Darcey:

Where are you? I'm here sa gate niyo.

Me:

Eh? Ginagawa mo r'yan? Nandito na 'ko sa univ.

Darcey:

Dang it, omw.

Bumaba ako para hintayin siya sa loob ng gate, bawal na kasing lumabas kapag pumasok na sa loob. Magagalit.
Hindi rin naman nag-tagal, dumating na siya.

"You're so early, muntik ko ng isipin na student council ka."

"Council ka ba?"

"No, but Viv and Sandra are part of sslg." Sagot niya habang inaayos medyas niya.

"Anong position nila?" Tanong ko.

Nag-taka naman ako dahil bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.

"Dog style-Joke! Secretary and Vice."

Dogstyle? Ano yon? Bahala na nga.

"Wow, ngayon ko lang nalaman iyan ah."

"You didn't ask me or them."

"Sino naman president?"

"Rose Trinidad, Viv is the vice president while Lysandra is the secretary."

Kamot ulo akong ngumiti, "Sige na. Una na 'ko, room niyo na 'to e. Kitakits mamaya sa cafeteria."

"Okay!" Ngumiti siya bago pumasok sa room nila.

Ako pa lang tao sa room namin, sobrang aga pa kasi. Binuksan ko na yung ilaw at isang electric fan para hindi ako mainitan. Sa harapan sa gilid pa rin ako pumwesto, para hindi nila ako maka-usap mamaya.

Iniwan ko lang bag ko sa pwesto ko para maka-baba na 'ko, balak kong bumili ng pagkain sa cafeteria dahil nagugutom ako. Wala pa 'kong kain, bukod sa midnight snack.

"Good morning po, pabili po ng sandwich and mineral water. Thank you."

Inabot naman agad ni Ate yung binili ko, ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

"Fifty five pesos lahat." Wew, ang mahal naman.

Inabot ko nalang bayad at umakyat na para maka-kain, mabuti nalang at wala pa rin sila. Lagi naman silang late, hindi na 'ko mag-tataka. Mabilis ko lang inubos pagkain ko, baka mamaya bigla rin silang dumating. Abutan pa 'kong kumakain-ay teka? Ano nalang paki nila kung kumakain ako, pwe!

Dumukdok muna ako sa lamesa at nag-hintay, hindi rin naman nag-tagal may mga sigawan na 'kong naririnig. Mukhang paparating na sila, umupo na 'ko ng maayos at sa bintana na tumingin. Ayokong makasalubong tingin nila, baka mag-lumapasay ako. Hehe.

"Wow, ang aga niya."

"Oo nga, halatang ayaw tayong kasabay o makita e."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now