Chapter 24

29 1 0
                                    

Chapter 24 : Avoid

CHIVALRY’S POV

NAGISING ako dahil sa katok sa labas ng pinto ko, pag-tingin ko sa orasan fuve na. Wala siguro silang alam na hindi ako papasok, wagas kung maka-katok. Kulang nalang gibain na pinto ng kwarto ko.

"Ano ba ’yon? Maka-katok naman ’to!"

"Papasok na!" Sigaw niya pabalik.

"Hindi ako papasok, wala akong gana. Mag-ingat nalang kayo." Sinarhan ko na si Kuya Charles ng pinto, bahala siya sa buhay niya.

Akala ko ’pag natulog ako, mawawala na sama ng loob ko. Akala ko lang pala.

Maraming namamatay sa maling akala.

Anong gagawin ko ngayon, haha! Hindi ako papasok, pero wala akong gagawin.

Bahala na letse, papasok na ’ko!

Nag-madali na ’ko, ayokong kasabay sila. Papa-hatid nalang ako sa driver namin.

Sana walang mag-tanong sa ’kin mamaya kung bakit bigla akong umalis sa date namin. Nakakahiya at the same time nakaka-sama ng loob.

May pagkain pa naman ako sa mini ref ko, ayon nalang almusal ko. Ayoko pa rin talaga silang kasabay o kahit ano, nagtatampo pa ’ko sa kanila hanggang ngayon. Kainis.

Ayoko talagang pumasok huhu.

Ang kaso magkakaroon ako ng absent, ayoko non! Ayokong madaplisan perfect attendance ko. Isa pa, baka may gagawin mamaya. Normal schedule pa naman na kami ngayon.

"Kuyaa! Pahatid po sa univ, baka po ma-late na me."

"Sige po, Miss."

Sumakay na ’ko sa sasakyan, labag pa sa loob ko pag-apak sa sasakyan, parang hinahatak ako ng bahay.

Binubulungan ako na, ‘Huwag kang pumasok, huwag kang pumasok..’ Parang baliw lang e.

Idlip muna ako, tapos pagi-isipan ko kung papansinin ko ba sila o hindi...

"Miss? Nasa school na po tayo." Nagising ako dahil sa tapik ni Kuya.

Ngumiti ako at lumabas na sa kotse, at nakapag-decide na rin ako na huwag silang pansinin hanggang...

Hanggang kailan, ha Chi?

Ewan, basta kapag narinig ko na lahat. Para isahan nalang. Isahang iyak, hehe.

"Hey! I’m calling you 5 times!" Nabalik ako sa ulirat dahil sa pag-pitik at sigaw ni Darcey sa harap ko.

Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayan nasa harap ng room nila. Kasama niya si Viv at Amaya, si Sandra sa kabilang room pa.

"Girl, are you okay? You look tired."

"Oo, haha! Ang daming iniisip e. Kwento ko nalang mamayang break."

"Okay, hintayin ka namin." Mukhang pagod din si Amaya base sa itsura niya, pero naka-ngiti pa rin.

"Oy! Nandito na si Val!"

"Val, bakit ka umalis kahapon?"

Huwag mong sabihing hindi niya alam. Haha!

Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na ’ko sa harapan, bukod sa bakante, malayo sa kanila.

"May nangyari ba sa kanila?"

"Alam niya na siguro..."

Bulong-bulong pa, maririnig ko rin naman.

The Last Girl StandingWhere stories live. Discover now