* * *
Kinabukasan, matapos masigurado na maayos na ang sitwasyon ni Axel ay nagtungo na si Miller sa condominium unit para maghanda sa pasok niya. Nais ni Miller na manatili, ngunit hindi siya maaaring magpabaya sa pag-aaral niya. Hindi pa man nabubuksan ni Axel ang kanyang mga mata ay sapat na para sa mortal na malaman ang unti-unting pagbuti ng pakiramdam nito. Lalo na at bumabalik na ang mala-rosas na kulay ng balat ni Axel.
"I'll be back," saad niya kay Kristoff bilang simpleng pahiwatig na nais pa rin niyang makitang magising ang bampira.
Nasa paaralan na sila at balik na rin sa pagpapanggap bilang si Axel Wesley si Kristoff.
Samantala, binisita naman ni Martin si Mateo sa kanyang silid. Kababalik lang nito galing sa maaga niyang training kasama ang ibang alpha. Yumuko bilang pagbati si Martin nang lumabas na ng kanyang closet si Mateo. Hindi na nagulat si Mateo nang makita ang butler ni Axel sa kanyang silid.
Natatandaan niya na sinabi niya rito na nais niyang malaman ang nangyayari sa pagitan ng mortal at ng kaibigan. Alam niyang hindi magugustuhan ni Axel ang kanyang panghihimasok. Sa katunayan ay wala siyang balak na manghimasok, hahayaan niya sana ang kaibigan sa anumang desisyon na gagawin nito. Matalino si Axel kaya may malaking tiwala si Mateo sa kanya. Subalit, dahil sa nangyaring pagkalason ni Axel ay napagtanto ni Mateo na tila ba naligaw ang dating matalim at matuwid na pag-iisip ng kaibigan.
Pumayag siya sa gustong mangyari ni Axel, ngunit hindi niya inaasahan na ang pagiging malambot niya ang magdadala sa kaibigan sa kapahamakan.
"I should have insisted," sabi ni Mateo sa sarili habang iniisip ang araw na pumunta siya sa condominium unit ni Axel. Dapat ay pinilit niya si Axel na sabihin sa Supreme ang tungkol sa mortal na kanyang tinatago.
Panimula niya. "That human..." Kinuha niya ang inuming dugo sa lamesa na hinanda ng isa sa mga taga-silbi ng mansyon. "Tell me about that human's condition," sabi niya kay Martin sabay kumpas ng kanyang kamay para paupuin ito sa kanyang harapan.
"Huu..." Palihim na bumuga ng hangin si Martin na para bang hinahanda niya ang kanyang sarili para sa isang mahaba-habang usapan o kaya sa masakit sa ulo na pagpapaliwanag. "I am not allowed to tell you about Miller but... but that human is in a critical condition now, sir. His humanity is at stake."
Umangat ang dibdib ni Mateo dahil sa malalim niyang paghinga. Tila ba nahawa si Mateo kay Martin, pareho sila ng pakiramdam. Pareho nilang alam na magiging seryoso ang kanilang usapan, at magreresulta ito ng sakit sa ulo lalo na at kailangan nila aga ma gumawa ng desisyon pagkatapos nito.
"What do you mean that his humanity is at stake? Is he really turning into a vampire?"
"According to the Master's recent observation, that human's vitals are slowly changing. It shows the same results as the specimens in the lab."
"Wait," sabad ni Mateo, "What specimens do you have in your lab? Are those rats?"
Tumango si Martin. "Yes, sir. The rats and Miller's vitals show the same resistance to the vampire essence that infected their mortal blood."
"But those rats died, didn't they?"
"They did," tumangi ng bahagya si Martin, "But a sudden change happened to Miller's body that did not appear to those specimens nor to the dead vampirized humans we discovered. During the first month of them living together, Master discovered that the vampire's red blood cells in his body were thickening but a few days after that, the thickening halted. As if instead of trying to instantly invade the host's body through cell multiplication, the vampire's blood is disseminating itself first. Making sure that no part of the human body will remain vampire blood free," dahan-dahan at malinaw na paliwanag niya.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...