CHAPTER THIRTY-EIGHT

8 1 0
                                    

* * *

Bumalik na sila sa unit ni Axel. Dahil may kalayuan ang host club at ang condominium building ay hindi kayang lubusin ni Kristoff ang pag-teleport niya. Hanggang labas lang ng building ang tatlo. Pagdating na pagdating nila ay halos tumakbo na si Miller patungo ng elevator sa pagmamadali niya. Napatayo rin ang babae sa front desk pero hindi na niya ito sinita nang makita kung sino ang nasa mga braso ni Miller at si Kristoff.

"Get my wallet," utos niya kay Kristoff habang bahagyang inaangat ang kanyang bulsa sa likod. Doon kasi inilagay ni Miller ang keycard ng unit.

Naintindihan naman kaagad ni Kristoff ang ibig sabihin ni Miller at hinanap ang keycard sa wallet nito. Nang makita niya ay agad na niyang binuksan ang pinto, humarurot din naman sa loob si Miller at nagmamadaling binuksan ang pinto ng silid ni Axel.

Madalas ay naka-lock ang pinto ng silid ng bampira. Ngunit sa araw na ito, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikalawang beses na na-tiempuhan ni Miller na bukas ito.

"T-T-Teka, Mil...ler." Bigo si Kristoff na pigilan si Miller sa pagpasok sa silid ng kanyang master. Nagpakawala siya ng mababaw na buntong-hininga bago sinundan ang mortal na kaibigan.

"Pakibantayan na muna siya. I'll grab the vampire blood first," bilin niya kay Kristoff.

Naramdaman ni Kristoff na tila ba may mali sa sitwasyon nila. Nang matukoy ito ay bumulalas siya ng, "Hoy! Ako ang bampira dito!"

Tama. Siya ang bampira pero si Miller itong pursigido sa paggamot kay Axel. Sa bilis ng kanyang kilos ay mapapansin kung gaano na siya kasanay na gawin ito. Wala ng pag-aalinlangan sa kanyang mga kilos.

Wala na ring nagawa si Kristoff kung hindi ang sumunod sa utos ng kaibigan. Sinuyod niya ang silid ng kanyang master. Maliban sa sukat, unang tingin pa lang ay masasabi na wala itong pinagkaiba sa silid ni Axel sa kanyang mansyon.

Sa kabilang banda ay nagmamadali naman si Miller sa paghahalo ng dugo ng bampira at dugo niya. Kinuha niya ang dugo sa refrigerator, dumampot ng matalim na kutsilyo para sugatan ang sarili, at ipinatulo ang dugo sa baso. Sa pagkakataon na ito ay sinigurado niya na malalim ang kanyang sugat para mas mapabilis ang pagsasalin.

"What th... sh*t," mura niya sa hapdi.

Hindi na siya naghanap pa ng ibang parte ng kanyang braso at sinugatan na lang ang parehong parte kung saan siya kinagat ni Axel. Isa sa apat na malalim na bilog sa kanyang kanang braso ay may malalim ba hiwa ng kutsilyo.

Nang makakuha na ng sapat na dugo ay binuhos na ni Miller ang dugo ng bampira mula sa pitsel. Inikot-ikot niya ito sa kanyang kamay, kagaya ng dahan-dahan na pag-ikot-ikot ni Mateo sa baso noong araw na nadiskubre niya ang tungkol kay Miller.

Nang sa palagay niya ay maayos na niyang nahalo ang mga dugo, naglakad naman siya pabalik sa silid ni Axel. Sakto lang ang bilis ng paglalakad ni Miller. Sakto man, subalit malalaki ang kanyang mga hakbang na nagpapakita pa rin ng kanyang pagmamadali.

Syempre, hindi pa rin nakakalimutan ni Miller ang kanyang sugat. Imposible itong kalimutan kung hindi maipaliwanag ang hapdi na nararamdaman niya ngayon. Sumaglit siya sa silid niya at hinablot ang damit niya kanina na sa kama niya lang iniwan. Lumabas siya ulit dala-dala ang damit at saka mabilis na lumiko sa katabing silid.

"Here," sabi niya kay Kristoff sabay abot ng basong may lamang dugo na kalahating pulgada lang ang dami.

"D-Dugo mo 'to?"

"No. May halo na 'yang dugo ng bampira," sagot niya.

Imposible. Mahihirapan si Miller na kumuha ng ganyang karaming dugo sa pamamagitan lang ng isang malalim na sugat sa braso niya.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now