entry 7 - AM

845 69 3
                                    


Date: Dec 17

Time: 


Bedtime: 

Estimated hours of sleep: 


Hindi ko masyadong maalala ang simula ng panaginip ko, ang alam ko lang ay nagkita-kita ulit kami sa panaginip tapos dumagdag sa amin si Katya. It turns out, sinunod niya ang sinabi sa amin at sumama siya sa matandang lalake. Hindi siya makapaniwala. Hindi rin namin siya masisisi dahil ganoon din naman kami lalo na sa simula.

Takot kaming baka sumulpot na naman ang babaeng wasak ang mukha kaya pinili naming tumungo sa hardin at doon mag-usap-usap. Nagba-baka sakaling may bagong clue kung bakit 'to nangyayari sa amin.

Nabanggit ni Katya na mukha raw may mental disability ang matandang lalake, bagay na sinang-ayunan namin. Bukod dito, may problema rin sa kanyang paglalakad at pananalita. Sa kabila nito, wala siyang ginagawa upang saktan kami. Parang gusto niya lang kunin ang atensiyon namin at panatalihin kaming tahimik.

Nabanggit din ni Firo na mistula raw tagahatid ang matandang lalake. Hinahatid kami sa walang katao-taong university na tila ba tulay para magkonekta ang mga panaginip namin sa isa't isa.

May gusto siyang mangyari. May gusto siyang sabihin. Ang tanong, ano???

Nag-suggest ako na alamin muna namin ang pagkakakilanlan ng matanda at ng babaeng lagi naming nakikita. Ang problema, wala kaming ideya kung tiga saan sila o ano. Ni hindi namin alam ang totoong hitsura ng babae dahil wasak ang kanyang mukha.

Sa gitna ng pag-uusap namin, biglang naglaho si Katya. Hula agad namin na nagising siya.

Ang lecheng si Max, nanakot pa. Dapat gumising na rin daw kami dahil baka sumulpot na naman ang multo.

Hindi nagtagal nagising na rin ako. Ginising ako ni Mama dahil magsi-simbang gabi raw kami. Takot na takot ako sa kanya, pero bumigat agad ang kalooban ko ng makita ang kalituhan sa mukha niya. Sobrang unfair ko ba?

Daisy's Sleep JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon