entry 8 - PM

1.1K 98 4
                                    


Time:


Kung may mangyari mang masama sa 'kin, utang na loob paniwalaan ninyo ang lahat ng nakasulat sa journal na 'to.

May rason kung bakit gustong makipagkita ni Katya doon. She must've figured it out. She was about to tell us that was the place where our nightmares began.

ROOM 174 - DOON NAGSIMULA ANG LAHAT

May kung anong sumpa ang classroom na iyon. 

Nang magkita-kita kami kanina sa simbahan, tinanong ko sila kung nakatulog din ba sila sa classroom na 'yon. Kung doon din ba nagsimula ang mga bangungot nila. Parehong oo ang sagot nila. Pare-pareho ang ugat ng mga bangungot namin.

EVERYONE WHO FALLS ASLEEP IN ROOM 174 GETS CURSED

SHE CURSED US, HAUNTING US IN OUR SLEEP, TRYING TO KILL US ONE BY ONE

Nasa pinakalikuran at liblib na bahagi ng university ang Room 174. Ayon sa guard na nakausap namin, bagong gawa raw ito. Sa sobrang bago, ang batch namin ang pinakaunang gumamit ng classroom na iyon. 

Hangga't sa hindi pa namin alam ang puno't dulo ng lahat, hindi kami matutulog, hindi kami uuwi, hindi kami magiging kampante.

Daisy's Sleep JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon