entry 9 - AM

1.2K 85 1
                                    


Date: December 19, 2005

Time:


Bedtime: 

Estimated hours of sleep: 


Nawawala pa rin si Hailey

Pinaglalamayan na si Katya

Ilang araw na kaming hindi natutulog nina Firo at Max

Kanselado ang mga christmas party at pati na rin ang midterms. Apektado ang lahat sa mga nangyayari.

Ayon sa mga guard at staff sa university, wala raw pinatay o kahit na anong masamang nangyari sa room 174 bago o pagkatapos man nitong maging isang classroom. Hindi kami naniniwala. May kung anong nangyari roon na pinagmulan ng sumpa. Sumugod kami sa city library, umaasang makakahanap kami rito ng sagot.

Todo suhol at pakiusap kami sa library staff para hayaan kaming halughugin ang mga nakaraang newspaper at obituary files. Nakita siguro nila ang desperasyon namin at hinayaan na lang kami. 

Matandang lalake at babaeng siguro'y ka-edad lang namin. Todo hanap kami sa obituary at maging sa mga newspaper. Baka may makapagtuturo kung paano sila namatay, kung bakit nila ito ginagawa sa amin, at kung ano ang kailangan nila para lang tantanan kami.


Daisy's Sleep JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon