Time: 11:15 PM
Sunday kaya sobrang daming tao sa plaza. Gaya ng inaasahan ko, dagsa rin ang customer sa studio. Umabsent si Winona kaya bukod sa nakatoka ako sa counter, ginawa rin akong assistant ng bagong photographer namin. Para na akong mabubulag sa flash ng camera, pero at least nawala ang antok ko dahil dito.
Pagkatapos ng shift, dumaan muna ako sa simbahan. Tapos na ang misa kaya nagdasal na lang ako nang todo. Gusto ko na talagang matulog nang mahimbing at ayoko nang makita ang matandang 'yon sa panaginip ko.
Noong palabas pala ako ng simbahan, nakasalubong ko si Hailey na papasok pa lang. Nagtaka lang ako kasi sa pagkakaalam ko hindi naman siya katoliko. Mukha rin siyang pagod na pagod. Nakasuot pa siya ng pambahay. Tatanungin ko sana siya kung kumusta na siya, pero nilagpasan niya lang ako. Medyo nakakainis pero inisip ko na lang na baka hindi niya ako nakita. Wala naman siyang rason para tarayan ako. Hindi naman siguro siya nagtanim ng sama ng loob dahil natalo siya sa quiz bee last sem? I mean, kung may kainisan man siya, hindi dapat ako kay second place lang ako. Ang lecheng si Firo ang first place.
Hay... bukod sa mga weird kong panaginip, problema ko rin pala si Firo. Paano ko ba uungusan ang isang 'yon sa darating midterms?
Sana pala sinali ko rin ang pagtalo sa kanya sa dasal ko.
BINABASA MO ANG
Daisy's Sleep Journal
HorrorDaisy is plagued by nightmares she can't understand. Little does Daisy know, she's not the only one getting them.