entry 6 - PM

1.2K 84 1
                                    


Time: 


Abala silang lahat sa pagpa-plano para sa mid-terms at christmas party, kami naman todo analisa pa rin sa mga nangyayari sa amin.

Halata ang pagod sa mga mukha namin nina Firo at Max nang magkita-kita sa school kanina. At dahil magkakasama kami, lalo kaming inasar ng mga kaklase namin na shabu family raw. Kung alam lang nila anong klaseng kalbaryo meron kami ngayon mga bwisit sila!!

Hinanap namin si Katya at pinaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin. Halos mag-away pa kami dahil ayaw niyang maniwala kahit na sobrang tama ng description namin ng panaginip niya. Nababaliw na araw kami e pati nga siya swak nang maging member ng shabu family namin dahil sa laki ng eyebags niya bwisit din siya!!!

Pero sa totoo lang ay si Hailey ang pinakaproblema namin. Hindi raw kasi ito umuwi sa kanila. Sobrang nag-aalala na raw ang mga magulang niya at nagpatulong na sa mga pulis. Ang mga teacher namin, todo tanong na sa mga ka-close niya kung may nakakaalam saan siya huling nakita o ano.

Pati ako natanungan din kung kailan ko raw huling nakita si Hailey. Huli ko siyang nakita? Sa panaginip ko. Sumisigaw dahil may kung ano siyang nakikita sa kisame niya.

Sa totoo lang ayoko na ring umuwi. Natatakot ako kay Mama. Alam kong napakabait niya pero natatakot pa rin ako


Daisy's Sleep JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon