entry 7 - PM

1.2K 95 27
                                    


Time: 9:23 AM


Nagkita kami sa panaginip, nagkita-kita rin kami sa simbang gabi. Napatunayan din namin sa wakas kay Katya na totoong konektado ang mga panaginip namin.

Habang abala ang mga magulang namin sa pakikinig sa misa, nasa isang tabi kami at nagpaplano na naman kung paano namin aalamin ang pangalan ng matandang lalake, pati na ng babaeng wasak ang mukha.

Sa gitna ng pag-uusap namin, tinuro ni Katya ang mga magulang ni Hailey na namimigay ng missing poster nito, nagbaba-baka sakaling may nakakalam kung saan pumunta ang anak nila. Pati ang pari, nanawagan na rin para sa kung sino mang nakakaalam kung nasaan si Hailey.

At kahit hindi katoliko ang pamilya ni Hailey, tila ba naging isang prayer vigil ang misa, lahat nagdarasal para sa ligtas niyang pagbabalik. Kahit nga si Prof Guada ay nag-speech din bilang panawagan na mag-step forward ang kung sino mang nakakaalam kung nasaan si Hailey.

Pagkatapos ng misa, sumama sina Firo at Max sa mga volunteer na mamimigay ng missing poster ni Hailey. Gagamitin din daw nila itong oportunidad para alamin kung sino ang matandang lalake base sa kilos nito. Baka sakali lang daw.

Sabi naman ni Katya na pupunta siya sa bahay nina Hailey. Magtatanong-tanong daw siya kung may napagkwentuhan si Hailey tungkol sa mga panaginip niya. Close pala sila noong elementary at ngayong college lang ulit naging magka-eskwela.

Gusto ko sanang sumama kay Katya pero sabi niya mas okay raw kung sa university ako magpo-focus. Kahit sabado, may review class pa rin kasi kami para sa mid-terms. Magtanong-tanong daw ako sa mga ka-close kay Hailey, baka may napagkwentuhan siya sa mga panaginip niya. Sumang-ayon naman agad ako.

Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Parang may mali eh. Hindi ko lang ma-point out ano at bakit.


10:03 PM


Patay na si Katya

Para nang sasabog ang isip at puso ko

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nasa library ako, nakikipag-usap kanila Jewel tapos biglang dumating si Edgar. Hinahanap daw ako ni Katya. Magkita daw kami sa Room 174.

Habang patungo ako roon, napansin kong nagkakagulo ang ilang staff at estudyante malapit sa education building. Paglapit ko, nakita ko si Katya, nakahandusay, biak ang ulo at bali-bali ang mga buto. Sabi nila nahulog daw si Katya mula rooftop. 

Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa nangyari. Imposibleng tumalon si Katya. May tumulak ba sa kanya? Dahil na naman ba 'to sa mga leche naming panaginip? Dahil sa babaeng wasak ang mukha? Ito rin ba ang nangyari kay Hailey? Kami na ba ang susunod? 

Sabi ni Firo wag daw muna kaming matulog upang makasigurado. Sa totoo lang ayoko na ring matulog. Natatakot ako. Kahit isara ko lang ng ilang sandali ang mga mata ko, parang nakikita ko pa rin ang bangkay ni Katya


Daisy's Sleep JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon