Date: December 22, 2005Time: 6:21 AM
Kagagaling ko lang sa police station para magbigay ng official statement ko tungkol sa mga nangyari. Gaya ng inaasahan, maraming hindi naniwala at tiningnan nila ako na para bang nababaliw na ako. Pero sa totoo lang, wala na akong pakialam pa. Ang mahalaga sa akin, tapos na ang lahat. Nakakapanlumo nga lang ang kinahinatnan nina Hailey, Katya, at maging ni Olympia at ang lolo niya.
Binisita ko sina Max at Firo na nagpapagaling pa rin sa ospital. There we were able to finish the nightmarish puzzle we were forced so solve.
It turns out, si Professor Guada ang may kagagawan ng lahat. Walang balak na masama si Olympia sa amin mula sa umpisa, ang gusto niya lang ay humingi ng tulong. Walang sumpa o kahit ano pa.
Nalaman namin mula sa mga kakilala ni Olympia na lagi raw pala itong binubugbog ng Mama niya mula pagkabata. Pinapahiya sa maraming tao, pine-pressure sa grades, kinukulong sa aparador, hinahampas ng sinturon—walang ibang nagawa si Olympia kundi tiisin ito. Ang tanging nagpapagaan lang daw ng kalooban ni Olympia ay ang lolo nito na laging dumadamay sa kanya sa tuwing minamaltrato siya ng nanay niya.
Isang buwan bago ang board exam, namatay raw ang lolo ni Olympia at mula noon ay naging determinado na si Olympia na umalis sa puder ng kanyang ina at magpakalayo-layo na. Pero ayon na rin sa imbestigasyon ng mga pulis, isang gabi pumuslit daw si Olympia sa university para kunin ang mga records niya para wag itong malaman ng mama niya. Kaso nasundan pala siya ng mama niya. Nagtalo silang dalawa at aksidente raw na napatay ni Professor Guada ang sarili niyang anak.
Nang mga panahong iyon, underconstruction ang ilang mga classroom sa likurang bahagi ng university. Dito niya ibinaon ang katawan ni Olympia. At para walang makakilala rito kung sakaling madiskubre agad, winasak niya raw ang mukha ni Olympia at tinanggalan ng mga daliri at saka sinusog sa kung saan. Kaso, lumipas ang mga linggo, walang nakadiskubre sa bangkay ni Olympia hanggang sa tuluyang natayuan ng mga classroom ang lugar na pinaglibingan sa kanya.
Walang naghanap kay Olympia o nagduda sa mga kwento ni Professor Guada. Magaling daw kasi itong mangmanipula ng mga tao. At sino rin ba naman ang ki-kwestiyon sa isang reputadong taong gaya niya.
Sa room 174. Sa classroom na iyon daw mismo nahukay ang mga buto ni Olympia.
Dahil sa dami ng mga ebidensiya, wala nang nagawa si Professor Guada kundi aminin ang mga krimen niya. Inamin niya ang ginawa niya kay Olympia. Inamin niya ring napatay niya si Hailey nang tumungo ito sa bahay niya at sinabi sa kanyang ginugulo siya ni Olympia sa mga panaginip niya. Hailey must've figured out Olympia's identity first. Umamin din si Professor Guada na siya ang nagtulak kay Katya mula sa rooftop ng Engineering building nang tanungin siya nito tungkol kay Hailey.
All Olympia ever wanted was help. She tried to show us everything through our dreams. She wanted us to figure out how she suffered. To finally get the help she needed, even if it was already too late.
BINABASA MO ANG
Daisy's Sleep Journal
HorrorDaisy is plagued by nightmares she can't understand. Little does Daisy know, she's not the only one getting them.