Chapter 11

104 3 0
                                    

Audrey's POV

"Good job everyone, Mary and Stella pakihatid na si Carlo sa recovery room then pag nagkamalay na pwede na siyang ibalik sa ward. Kausapin ko lang iyong mama niya"

"Ok po Doc" sagot ng dalawa

Lumabas na nga ako ng operating room upang makausap si Mrs. Cruz. Nakita ko naman na nakatulog na ito habang nakaupo kakahintay matapos sa operation ni Carlo. Dalawang oras ang lumipas, naging successful iyong operation ni Carlo. Mabuti na lang at naisama siya sa listahan ng foundation kaya naman ay wala na silang gagastusin pa tanging ang mga kailangan na gamot na lang ang kanilang poproblemahin.

"Mrs. Cruz?" tawag ko rito

Agad naman siyang nagising at napatayo ng makita ako.

"Doc A pasensiya na nakatulog na po ako" paos na sabi nito, halata sa kaniyang mga mata na galing ito sa pagiyak dahil sa labis na pagaalala

"Ok lang po, huwag po kayong magalala natanggal na po namin iyong gall bladder ni Carlo. Ililipat na po siya sa recovery room for observation, pag nagising na po siya ibabalik na po siya sa ward"

"Maraming salamat Doc" napahawak pa ito sa dalawa kong kamay

"Walang anuman po pwede niyo na po siyang puntahan niyan, sige po mauuna na po ako"

"Sige salamat ulit Doc"

Tumango ako tsaka iniwan na si Mrs. Cruz. Pagbalik ko ng office ay nagpalit naman na ko ng scrub at sinuot na iyong lab coat ko.

May bigla naman kumatok sa pinto.

"Pasok" sabi ko

"Hi Doc A"

Si Aki pala.

"Hello Doc Aki"

Pumasok naman siya at napansin kong may dala siya, dumiretso siya agad sa may table ko.

"I heard kakatapos lang ng operation mo, para marecharge ka ulit coffee and bread" sabi niya sabay lapag ng dala niya

"Anong meron?" takang tanong ko

"Ahm wala naman I also gave to others coffee ikaw lang may bread since baka nagutom ka after the operation" ngiting sabi niya

"Ok thanks Doc Aki" binuksan ko na nga iyong dala niya since nagugutom na din ako

"Ahm Doc A?" tawag niya

Tinignan ko naman siya

"I hope we can start over again? I mean we could get along since lagi tayo magkikita"

"No problem with that"

"Thanks Doc A, by the way una na ko will start doing checkup na sa mga patients hope you'll enjoy the meryenda"

"Sure thanks ulit Doc Aki"

"Your welcome see you around"

Pagkalabas niya ay nagsimula na akong kumain at inumin iyong kape na dala niya.

Bigla naman dumating sina Stella at Mary.

"Hi Doc A" bati ni Mary

"Naambunan din pala si Doc A ng biyaya kay Doc Aki" sabi ni Stella pagtutukoy sa kinakain ko

"Malamang hindi niya makakalimutan si Audrey tignan mo may tinapay pa nga satin kape lang" sabi ni Mary

"Ay oo nga sana all"

"Ano ba kayo, may bread pa naman diyan sa cabinet magpalaman na lang kayo kung nagugutom kayo" sabi ko

"Sabi ko nga gusto mo ba Stella magpapalaman ako nagugutom ako eh"

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now