Chapter 3

152 11 2
                                    

Audrey's POV

Nandito na nga kami sa Mindanao, halos kakadating lang namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nandito na nga kami sa Mindanao, halos kakadating lang namin.

"Nasaan na kaya iyong sundo natin" sabi ni Mary

"Wait eto na ata tumatawag na" sabi ni Shane at sinagot ang phone

"Hello, ah ako nga si Doc Shee nandito na kami ng mga kasama ko. Bale tatlo kami si Doc A and Nurse Mary. Sige hintayin ka na lang namin dito"

Nakatingin naman kami kay Shane para marinig ano iyong napagusapan nila.

"Legit nga na mga military pala susundo talaga sa atin, si Sergeant Robles ang nakaassign sa atin" sabi ni Shane

"Para siguro safe din tayo, dumating na iyong mga kanila oh" sabi ko, may mga ibang kasama din kasi kami ibang department naman may mga sumusundo na sa kanilang mga nakaarmy na uniform.

"Pogi kaya iyong susundo satin?" tanong ni Mary

"Babae siya eh" sabi ni Shane at tila nadismaya naman si Mary

"Nako ikaw talaga iyan talaga iniisip mo" sabi ko

"Antagal naman niya nagugutom na ko" napakamot na nga si Mary sa ulo

Mayamaya bigla ulit nagring ang phone ni Shane at dumating na nga iyong sundo namin.

"Good afternoon po" bati niya pagkalapit samin at sumaludo nagkatinginan naman kaming tatlo tila nagulat mukhang ganoon ata talaga sila bumati napakapormal.

"Good afternoon din" bati namin

"Pasensya na po kayo kung pinaghintay ko kayo biglaan po kasi nagkaemergency mission iyong dapat na susundo sa inyo, Sergeant Robles po pala at your service" sabi niya sabay offer ng kamay sa amin

Isaisa naman namin siyang kinamayan at nagpakilala na din kami.

"Sergeant, Doc Shee nga pala"

"Hi Sergeant, Mary nga pala"

"Sergeant Robles, Doc Audrey pwede rin Doc A na lang" nakangiting sabi ko

"Nice meeting you po, tara na po para makabyahe at makapagpahinga na din kayo. Tulungan ko na po kayo sa mga gamit niyo."

Kinuha niya iyong maleta namin ni Mary at iyong hand bag ni Shane.

"Thank you Sergeant" sabi ni Shane

Nauna na ngang maglakad si Sergeant Robles at nakasunod kami sa kaniya.

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now