Chapter 2

428 18 1
                                    

After 2 years ....

Audrey's POV

Kanina pa ko hindi mapakali sa kinauupuan ko antagal naman kasi dumating ng Director at Chief ng General Surgeon. Nandito ako sa office ng Chief Surgeon ako naman kasi ang kakausapin nila regarding sa pagtransfer.

May bagong tayo kasi na branch nitong hospital sa Mindanao since halos kakaopen lang last month nagrerequest iyong Director at Chairman na magpadala ng mga experienced doctors and nurses doon para makatulong. Bihira lang kasi iyong hospital sa lugar na iyon and parang iyong mga tao nga daw doon ang humiling na magkaroon ng magandang hospital.

May mga kinausap na nga sa amin iyong iba pumayag kasi for experience na din kasi dodoblehin daw sahod tapos mataas ang chance mapromote after. May iba din na hindi pumayag kasi anlayo tapos 6 months magstay doon tapos depende pa daw baka magextend ganoon tsaka sa Mindanao iyon hindi naman sa ano pero nakakatakot kasi pupunta ka sa lugar na hindi ka kaganoon kafamiliar unlike dito sa Manila.

Narinig ko ng bumukas iyong pinto kaya napatayo na ako.

"Doc Arceta" nakangiting bati ni Chief

"Hello Doc Arceta" bati naman ng Director

"Hello po Chief and Director magandang hapon po" bati ko at yumuko sa kanila upang magbigay galang

"You may seat Doc A" sabi ni Chief

Nang makaupo na kami binuksan ni Chief iyong folder na hawak niya kung saan andoon iyong records ko.

"Doc Arceta alam ko naman narinig mo na sa iba kung para saan to and nabrief na din naman kayo ni Doc Mike last week regarding dito" panimula ng Director

"Doc A isa ka sa mga magagaling na general surgeon dito sa hospital namin kaya noong sinabihan ako ng Director na kailangan niya ng mga staff para sa new hospital ay isa ka sa mga naisip ko" sabi ni Doc Mike

"Ahm pasensya na po hindi pa po kasi talaga ako decided sa ngayon" sabi ko bukod kasi sa nagaalangan ako sa malayong lugar iniisip ko si Justin pano iyong relasyon namin kakayanin ba namin ang long distance relationship

"Hmm sayang naman Doc A marami ka din matututunan doon and makakapagturo ka din, kung safety ang inaalala mo don't worry katabi mismo ng hospital iyong military base kaya safe na safe kayo doon. Tapos iyong apartment na tutuluyan niyo doon lang din magkakalapit lang." pagkukumbinsi ng Director

"6 months lang Doc A after noon pwede ka na bumalik dito and sure ako for promotion ka na since andito naman na din si Director sure iyan" natatawang sabi ni Doc Mike

May mga point naman sila parang half-half talaga decision ko gusto ko munang kausapin si Justin. Hindi naman sa ano pero siyempre iniisip ko din naman siya. Tatawagin ko na lang din siguro si Dad pagkatapos para makahingi din ng advice.

"Pagisipan ko po pasensya na po pero sobrang naappreciate ko po iyong offer." sagot ko

"Sige Doc A bibigyan ka namin hanggang bukas ng gabi ha, tsaka sila Doc Shee at Mary inaccept nila iyong offer kaya hindi ka naman malulungkot if tutuloy ka" sabi ni Doc Mike

"Sige po thank you"

"Hintayin namin decision mo Dr. Arceta" sabi ng Director

"Opo iaupdate ko po agad si Doc Mike thank you po mauuna na po ako" sabi ko at yumuko ulit tsaka lumabas na ng room

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalayo na ko sa office ni Doc Mike.



Pagbalik ko sa office namin agad naman napatayo si Shane at Mary.

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now