Audrey's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
Shocks ang sakit ng ulo at katawan ko.
Umupo naman na ako at inayos iyong buhok ko, napansin kong nasa ibang room ako. Hindi kasi ito iyong room na tinulugan ko noong nakaraan.
Ano ba nangyari kagabi? Halos blurred na iyong paningin ko kagabi pero nakita ko si Madz sa bar tapos kasama ko siya umuwi. Hanggang doon lang ang naaalala ko. Hindi ko na pinilit pa dahil lalo lang sumasakit ang ulo ko.
Tumayo na nga ako para lumabas na ng room.
Agad naman napatingin si Stella sa akin.
"Doc A gising ka na pala good morning" nakangiting bati nito
"Good morning" sagot ko at dumiretso muna ng banyo
"Doc gusto mo coffee?"
"Sige please"
Pagkatapos ko magcr ay pinuntahan ko na nga si Stella na nasa dinning area.
"Kain ka na Doc"
Nilapit naman niya iyong kape at pagkain sa akin.
"Thanks tapos ka na ba?"
"Kakatapos lang, kamusta pakiramdam mo?"
"Medyo masama pero ililigo ko lang to after ok na ko, si Doc C wala pa?" sagot ko at hinigop na iyong kape
"Pabalik na daw"
Ramdam ko naman seryosong nakatingin si Stella sa akin, kaya napataas ako ng kilay.
"May gusto ka bang sabihin?"
Natawa si Stella.
"Doc A don't tell me hindi mo naaalala ang nangyari kagabi? Hindi ka ba nagtataka bakit doon ka sa room ko natulog?"
"Ah oo nga itatanong ko pala dapat iyon, si Madz sinundo niya ko kagabi sa bar naihatid ba niya ko dito?"
Nanlaki bigla ang mga mata ni Stella at biglang napacross arms.
"Stella hanggang doon lang talaga ang naaalala ko"
Bigla naman akong kinabahan. Jusko ano ba mga pinaggagagawa ko kagabi. Sina Miles kasi sabi ko beer lang ako pinilit ako uminom ng hard sobrang taas pala ng alcohol level ng nainom namin.
"Hmm, ok sige ikwekwento ko na lang"
Napatigil naman ako sa pagkain at seryosong tumingin kay Stella.
"Hinatid ka ni Madz dito kagabi nakabuhat ka nga sa kaniya kasi tulog ka na. Dinala ka na niya sa room mo, noong maihiga ka niya inayos lang niya iyong unan at kumot mo pero noong tatayo na sana siya bigla mo siyang hinila dahilan para mapahiga siya at pumatong sa iyo. Bigla ka kasing nagising Doc hindi mo tanda?"
Nanlaki iyong mga mata ko "Hindi talaga" sagot ko
Napatango nga si Stella at bigla itong natawa.
"Bakit?"
"Doc ang funny kasi ng susunod na nangyari"
"Ano ba iyong sumunod?"
"Sabi mo kasi kay Madz, Pakiss nga Lieutenant Lim" tila ginaya niya pa iyong boses ko at ngumuso
"Seryoso ba iyan?!"
"Oo nga Doc nagulat nga kami ni JR, tapos ayun pinilit pa rin ni Madz makatayo kaso bigla mo siyang hinalikan"
Napakagat ako sa labi. Nagawa ko ba talaga iyon? Bakit hindi ko maalala, grabe ayoko na talaga magpakalasing nakakahiya mga nagagawa ko.
"Tinulak ka bahagya ni Madz para mapabitaw ka na sa paghalik pero noong tatayo na sana siya bigla mo na lang siyang nasukahan"
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...