Chapter 12

354 15 0
                                    

Audrey's POV

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang tumunog iyong phone ko.

Tumatawag si Dad.

Pagkasagot ko dito ay bumungad ang malawak niyang ngiti.

("Happy Birthday Anak!")

"Hi Dad thank you"

("Mukhang nasa labas ka, nagjogging ka ba? Naku sorry mukhang naabala ata kita")

"Ok lang Dad, naisipan ko magjogging to start my day" pinakita ko naman iyong view kay Dad

5:30am na paliwanag pa lang ang kalangitan. Maaga ako nagising kaya naisipan ko magjogging muna since 7am pa naman start ng duty ko.

("Ok iyan anak living healthy haha, may pasok ka ba ngayon?")

"Yes Dad mamayang 7am po"

("Oh ang sipag talaga ng anak ko, how I wish makapasyal sana kami diyan kaso may event kasi si Adie sa school nila ngayon")

"Don't worry Dad next week may seminar kami diyan sa Cebu kakaannounce lang samin kagabi, imemessage nga sana kita later I'll visit you"

("Talaga anak? If free ka doon ka na lang magvisit baka mamaya sobrang layo pala ng venue mapagod ka pa sa byahe")

"No Dad I will find my way to visit you tagal na natin di nagkita kahit magstay lang ako isang gabi diyan 4 days and 3 nights kami diyan"

("Sige anak I will tell Adie and your Tita Blessy so we can prepare, pagluluto kita ng favorite mong adobo")

"Yihh so excited na thank you Dad"

("Your welcome anak, so ano plans niyo maya after work saan kayo magcecelebrate?")

"Hmm hindi ko pa alam baka lumabas lang kami or magorder depende sa schedule"

("Hinay hinay lang sa work anak ha birthday mo today you deserve to celebrate")

"Opo Dad"

("Oh sige na magjog ka na ulit baka malate ka pa sa duty mo Happy Birthday ulit my Audrey I love you see you soon magiingat ka lagi")

"Thank you Dad I love you too ingat din po kayo lagi diyan"

("Bye nak mua")

"Bye Dad"

Ang sweet talaga ni Dad, excited na ko makita siya. Buti na lang talaga ako iyong napili na ipadala sa Cebu, kasama ko si Stella at Doc C. Isa lang ang napili per department kaya hindi namin kasama si Mary at Shane dahil sila ang magduduty sa mga araw na iyon kasama si Aki.

Nagpatuloy na nga ako sa pagtakbo. After an hour nakabalik na ko sa apartment namin.

Wala na sina Mary pagbalik ko, kanina kasing umalis ako tulog pa silang tatlo. Ang bilis naman ata nilang magayos at wala na sila pagkabalik ko.

Kumain lang ako ng breakfast pagkatapos ay naligo at nagayos na din ako.

Dumaan muna ako sa office para ibaba iyong mga gamit ko at para kunin iyong lab coat ko tsaka dumiretso sa clinic dahil ngayong araw nakasched ang checkup sa mga outpatients ko.

Nadatnan ko naman si Stella na busy kinakausap iyong mga nakapilang patients.

"Good morning Doc A" bati nito

"Good morning din"

Pagpasok ko ng clinic may paper bag namang nakalagay sa table ko, amoy na amoy nga ang aroma nito. Kape sigurado ang laman nito at may pagkain.

Kanino kaya galing to, sakto naman pumasok si Stella.

"Ah doc pinapabigay ni Doc Aki, birthday niyo pala Doc Happy Birthday" sabi niya

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now