Chapter 6

504 18 0
                                    

Audrey's POV

"Guys make sure na wala kayong nakalimutan dalhin ha? Malayolayo iyong pupuntahan natin bukas pa ng gabi balik natin" paalala ni Doc C habang hinihintay namin iyong shuttle service na dumating.

"Nacheck na namin nila Nurse Mary and Stella lahat ng mga medical equipment naisakay na lahat sa military truck tapos iyong mga need sa malamig na lugar nasa van naman na" sabi ni Mr. Santos

May medical mission kasi kami ngayong araw hanggang bukas. Kalahati ng staff sa hospital ang kasama. Mabuti na lang at kumpleto naman kaming apat na kasama.

Sa isla pa daw iyong pupuntahan namin, kaya madaling araw pa lang heto kami magbabyahe na dahil 8am iyong start ng medical mission. Ihahatid kami ng shuttle hanggang sa may dagat tapos sasakay daw kami ng bangka papunta sa may isla.

First time ko maexperience tong ganito na sa isla pa talaga kami pupunta. Noong nasa Manila pa ko usually sa mga katabing probinsya lang kami nakakapunta.

Marami daw ang kailangan ng tulong sa isla dahil nga malayo sila sa bayan, doon naisipan ng management na magmedical mission.

"Sina Lieutenant oh" biglang sabi ni Mary napatingin naman ako

Papalapit nga sila sa kinatatayuan namin, nakasunod naman sa kaniya sila Sergeant Apuli at Robles.

Tumigil siya sa harap ni Mr. Santos.

"Sir papasok na po ng gate iyong shuttle" sabi niya

"Salamat Lieutenant"

"Kasama ba natin sila?" bulong ni Stella na nasa likod ko

"Oo daw" sagot naman ni Shane na katabi niya

"Paano mo nalaman?" tanong ni Mary

Napatingin kaming lahat kay Shane.

"Ahm nabanggit ni Gene kagabi sa text, kasama daw silang tatlo" tila nahihiya pa nitong sabi

"Ikaw Doc Shee ah napapadalas na ata ang pagtetext niyo ni Sergeant" pangaasar ni Stella natawa naman kami ni Mary

Nang humarap na ko ng tingin bigla naman nagtama ang mga mata namin ni Lieutenant.

Ngumiti naman siya kaya ngumiti na lang din ako.

"Ayan na iyong service" sabi ni Doc C

Pagkahinto nga nito ay pinasakay na kaming mga staff ng hospital. Nakaalalay naman sila Lieutenant sa may pintuan ng shuttle, kaya bago ka makasakay ay madadaanan mo sila.

Binabati nila lahat ng mga sumasakay.

Si Shane ang nauna sa amin habang nakasunod naman si Stella, si Mary tapos ako.

"Good morning Doc A" bati ni Sergeant Robles

"Good morning Doc blooming ka ata today" bati naman ni Sergeant Apuli

"Good morning Doc" nakangiting bati ni Lieutenant

"Good morning sa inyo" nakangiting bati ko at sumakay na

Nasa may bandang gitna naman umupo mga kasama ko, sinenyasan ako ni Mary na tumabi sa kaniya habang nasa likod naman namin sina Shane at Stella.

"Ang pogi ni Lieutenant ngayon, tagal ko siyang di nakita ah" sabi ni Mary

Last week pa kasi huling kita namin iyong time na naggrocery kami sa bayan.

"Parang ganoon pa din naman" sabi ko

"Kahit siya pinakamaliit sa kanila nangingibabaw pa din ang angas niya tignan mo" ngumuso naman si Mary sa may bintana nang mapatingin ako andoon pa din sila Lieutenant kinakausap iyong ibang staff at sundalo

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now